Chapter 28

4 0 0
                                    

Nahanap na rin kita Rein. Mabilis ang paghakbang ko palapit sa kaniya, tumataas na rin ang temperatura ng dugo ko, umiinit na dahil habang nakatitig ako sa kaniya, naaalala ko lahat ng takot, iyak, at sugat ko na hindi ko aakalaing siya ang dahilan ng lahat.

Kaagad kong hinawakan ang braso niya at mahigpit itong hinawakan. "Nahanap na rin kita, wala ka ng takas." Pabulong kong sabi, gusto kong hilahin ang buhok niya at ihiga sa lupa para patuloy na sampalin pero hindi man lang gumalaw ang katawan ko para gawin iyon. Imbes na sagutin ako ay umangat lang ang kabilang bahagi ng bibig niya na tila sinasabi sa aking hindi siya natatakot.

Imbes na ipakita sa kaniya na galit na galit ako ay pinigilan ko ang sarili ko at baka mabaliktad ang kwento dahil ako ang makikitang naunang nanakit. Akala niya yata hindi ko iyon naisip. Hinila ko siya sa mas hindi mataong lugar at siya namang nagpahila lang.

Anong meron sa kaniya? Kanina lang ay hinabol pa namin siya dahil ayaw niyang mahuli pero ngayon para na siyang aso na sumusunod sa amo niya.

Hinarap ko siya sa akin na siya namang tumitig lang din sa akin, anong problema niya?!

"Sagutin mo 'ko, Rein. Inutusan mo ba ang kambal ni Ryle para pahirapan ako, ha?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong itulak ang balikat niya na siyang nagmatigas na nakatitig pa rin sa akin.

"Ano bang problema mo, ha?! D-Dahil ba sa nangyari kay Ryle? O gusto mo lang makita akong nahihirapan? Sagutin mo 'ko!" Hindi na napigilan ng mga mata kong tumulo ang mga luha.

"Putangina, Rein! Akala ko sa school mo lang ako aawayin 'yun pala putangina... bakit gusto mo na akong patayin?" Imbes na galit ang ibubuga ko sa kaniya ay kusang lumabas ang mga luha sa mata ko.

Kilala kaming magkaaway ni Rein sa campus noon pa lang pero sa campus lang, hindi ko nagawang siraan siya sa social media o isali ang pamilya niya sa away namin, pero 'yun pala.. habang nirerespeto ko siya kahit kaaway ko siya ay siya naman palang may planong patayin ako.

Natigilan ako ng lumuhod siya sa harap ko at yumuko, ilang saglit lang ay narinig ko ang hagulgol niya.

"R-Rein?"  hinawakan niya ang dalawa kong paa at ang mga sinabi niya ay tila sinampal ako ng reyalidad.

"Azalea, buntis ako! H-Hindi ko alam ang gagawin ko nang may tumawag sa akin at blinackmail a-ako. Kapag... kapag hindi ko gagawin ang utos niya ay ipapakalat niya na buntis ako. A-Azalea natatakot ako nun." Patuloy ang pag-iyak niya, lumuhod ako para harapin siya ng harap-harapan.

Kinwento niya sa akin ang lahat, mula sa pambubogbog ni Ryle hanggang sa pananakot ni Ram sa akin ay utos lang pala ng isang tao.

Ang akala ko'y si Rein ang pasimuno ng lahat, iyon pala ay utosan lamang siya sa gusto talagang magpapatay sa akin at nang sinabi sa akin ni Rein ang pangalan ng taong pasimuno ng lahat ay natulala ako, hindi makapaniwala sa sinabi niyang pangalan.

Parang may napakalaking kamay na sumampal sa buong katawan ko.

Nang malaman ang lahat mula kay Rein ay kusang tumayo ang mga paa ko sa pagkakaluhod at naglakad paalis doon.

Why?

Bakit siya?

I am used to be different from them so I distance myself, umalis ako, naglayas ako pero hindi pa rin yata sapat na para bang kahit sa pagtulog niya nangangati siyang mawala ako at sa tingin ko yata...pinagdarasal niya araw-araw na sana mawala ako.

She is too... evil.

Hinawi ko ang luha sa mga mata ko at patuloy pa ring humahakbang paalis ng ospital kahit parang pinapako na ang mga paa ko dahil sa panghihina pero hindi pwede, walang oras.

I want this to end.

I dialed Felix's phone, four rings but I still waited for him to answer the phone.

"Felix, I need you now..." I cursed when I bit my nails that created a tiny wound on my finger.

Nasa parking area na ako ng ospital sa ground floor, mas bumibilis ang paghinga ko, nababalisa ako, ewan parang may hindi magandang mangyayari. Muntikan nang tumalon sa takot ang kaluluwa ko nang tumunog ang aking phone. Felix is answered the call! Kaagad kong sinagot ang tawag.

"Felix, where are you? I already found..." hindi ko natuloy ang mga sasabihin ko nang malakas na halakhak mula sa pamilyar na boses ang narinig ko. Napatakip ako ng bibig nang makarinig mula sa linya ni Felix ang pagsipa, pagsuntok at mahinang pag-ungol ni Felix. Niloud speaker ko ang aking phone kung nagkamali lang ako ng narinig pero hindi, it was Felix!

Suddenly, the strength on my knees are gone, too weak to stand up, tears are now blocking my sight and my hands are shaking.

Huminto siya sa pagtawa at naglabas ng manipis na buntong hininga, "I've been waiting for this day, Azalea." Mrs. Fim said on the phone.

That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now