Chapter 20

0 0 0
                                    

Kinabukasan sabay kaming pumunta sa school ni Felix. Medyo naawkwardan ako kasi pagtanggal namin ng helmet halos sa amin ang lahat ng tingin. May ibang na-shoshock at ang iba ay.. kinikilig. Parang mga ewan. Dahil kasi sa ginawa ni Felix sa harap ng maraming tao, sinabi ba naman na in a relationship kami.

"Ngayon ka pa nahiya, ah?" Kunot noo akong napatingin kay Felix na pina-parking ang motor. Sabay na kaming naglakad papasok ng school, hindi pa rin nawala ang tinginan ng mga estudyante.

"Dahil ba 'yan sa gusto mo nang magbago?" Seryosong tanong ni Felix.

Parang ganoon na nga. Imbes sagutin siya, nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa dumating ako sa room ko.

Wala pa ang mga classmates ko dahil maaga akong pumunta sa school, as usual, may mga papel na tinatapon sa loob ng room namin, sa upuan ko napunta ang lahat.

Buntong hininga kong pinulot isa-isa ang mga basura at inilagay sa plastic bag. Out of curiosity binuklas ko ang isang nakakumong papel.

Drawing ito ng isang babae na sa tingin ko ay ako at may dalawang sungay sa taas ng ulo. Okay naman ang drawing 8 over 10.

"Kaya pala sabi mo maaga ka pupunta." Napalingon ako sa may pintuan namin at nakita si Felix na nakasandal habang nakakrus ang mga kamay.

His face was so fine, medyo basa rin ang buhok niya and he looks so hot.

"What?" Napakurap ako nang hindi ko akalaing napatitig pala ako sa kaniya.

"Tulungan mo nalang ako." Pinagpatuloy ko nalang ang pagkuha ng mga basura sa sahig.

Tinulungan niya akong kunin ang mga basura sa sahig, para mas madali na rin akong matapos.

"Are you okay?" Tanong ni Felix sa tahimik na silid-aralang ito.

Am I okay?

I don't know.

I looked at him whose face is worried, ilang beses ko na siyang nakitang ganoon ang tingin sa akin, lalo na noong nasa hospital ako.

"I gotta be fine, Felix." Sagot ko.

Tinali ko na ang plastic bag nang wala ng basura.

"Don't worry, we can solve it." He said with assurance in his face.

I nodded. I know, we can. I trust him.

We decided to go back where the incident happened. Let's say where I almost die.

Hindi ko akalaing may ganitong lugar sa school namin. A haunted building? Grabe talaga.

Amoy alikabok ang paligid, I don't even remember saang kwarto ako itinago sa kabinet, ang sahig ay puno ng kalat, sira na rin ang sahig at kisame. Tahimik at tanging pagtapak lamang namin sa sahig ang maririnig.

Huminto si Felix sa isang kwarto na puno ng kalat at may nakatumbang kabinet. So dito pala ako muntikan nang mamatay.

"Nakita mo ba ang mukha sa gumawa sayo nun?" Tanong ni Felix.

I shooked my head, "He is wearing all black at sumbrero, even mask. But I know he is a guy because of his broad arms." I answered.

"That would be hard for us to recognize." I nodded of his statement.

"Isa rin kaya siya sa binayaran o literal na basher ko lang?"

"Kapag binayaran na sila basher ka na nila."

Napakurap ako sa sinabi ni Felix. Oo nga 'no, ang bobo ko talaga minsan mag-isip.

"But I think binayaran nga siya. Karamihan kasi sa mga basher, sa social media lang malakas."

Nagkaroon ng katahimikan sa aming dalawa hanggang sa makalabas kami ng building na iyon. Medyo dumadami na rin ang mga estudyanteng dumadating.

"Felix," tawag ko sa kaniya na siyang lumingon sa akin habang nasa bulsa ang dalawang kamay.

"Paano kung.. hindi mo alam kung nasaan ako? Tapos nalaman mo nalang patay na ako." Kusang naisip ko iyon kanina pa. Nakakatakot isipin pero hindi ko maiwasan. I am just thinking the possible thing to happen.

"Mangyayari lang 'yan kung pasaway ka ulit." Sagot niya na may inis sa mga mata. Nainis yata siya sa pumapasok sa utak ko.

"Bakit, nasa tabi mo ba ako palagi?" Tanong ko habang taas noong sinasabi iyon.

He stopped from walking that made me stop too.

"Nakatira ka na nga sa bahay ko kaya sa tingin mo wala ako sa tabi mo kada-oras?" Nilapit niya ang kaniyang sarili sa akin na ikinaatras ko.

"Kaya kung pwede.. sabihin mo sa'kin kung saan ka pumupunta. Kung sa tingin mo pinipiga kita masyado, nagkakamali ka. I am just protecting you."

I stared at him.

"Why are taking the risk just for me, Felix?"

He took another step closer to me but this time I didn't step back.

"I don't want you to die, Azalea. I don't want to see you suffering, so please.. help me find the culprits." His voice was so sincere. He is willing to take the risk just to find who the hell wants me dead.

Mahahanap ka rin namin, kung hindi man ngayon, it could be tomorrow, kung hindi bukas then we won't give up, dahil sabi nga nila, walang sikretong hindi nabubunyag, lalabas at lalabas din ang baho nila.

Not just that, I'll prove to my father who's the real one to be punish, and I also want to see him.. being proud of his daughter, even just once.

That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now