Chapter 18

1 0 0
                                    

Nasa taxi na ako, nasa likod ng sasakyan ang mga bagahe, habang si Felix ay nagmomotor, pinasundan lang ng taxi.

Nang marating ang lugar ay ilang beses akong napakurap. Hindi naman mukhang may momo at duwende, ah? Tsaka sa isang subdivision siya nakatira kaya tahimik at malinis ang lugar.

Habang kinukuha ang mga bagahe sa likod ng taxi ako naman ay nasa bahay ni Felix ang tingin. Sure ba siyang isa lang ang kwarto sa loob? Parang malaki naman, ah?

"Diyan nalang po. Salamat po." Umalis na ang taxi nang mailabas na lahat ng gamit ko, hindi naman 'to karamihan, damit at skincare lang ang marami.

"Sure ka ba na isa lang ang kwarto sa loob?" Tanong ko.

"I'm just kidding earlier." He answered while lifitng my bags.

Bagsak panga ko siyang tiningnan, "So joke lang din 'yung may duwende kapag gabi?!"

Tumawa siya bago tumango, "Didn't expect maniniwala ka." Naglakad na siya para pumasok sa loob habang ako ay naiwang nakanganga, pinagtrippan ba naman ako!

Pagpasok ko ay hindi mo aakaling lalakeng nakatirang mag-isa dahil mas malinis pa ang bahay niya kesa sa kwarto ko sa unit at kahit sa mansion.

"Hobby mo pala ang paglilinis?" Tanong ko habang nilibot ang tingin sa paligid.

"Hindi, hobby ko ang hindi magkalat, kaya 'wag kang magkalat." Sagot niya.

"Saan mo 'yan dadalhin?" Tanong ko nang dalhin niya sa isang kwarto ang mga bag ko.

"Sa magiging kwarto mo." Sumunod ako sa kaniya at nilibot ang tingin sa kwarto.

"Nililinisan mo pala 'to kahit hindi ka rito natutulog?"

"This is my mother's room."

"Nasa abroad siya?"

Napahinto siya saglit pero muling inayos ang mga bag sa sahig. "She passed away."

Natigilan ako sa sagot niya, hindi ko 'yun alam.

"I'm sorry.." I apologize.

"It's fine. Ikaw nalang maglagay sa cabinet ng mga gamit mo." Lumabas na siya ng kwarto at naiwan ako roon na nakatayo pa rin. Sana hindi nalang ako nagtanong sa kaniya patungkol sa mama niya.. baka hindi ko alam ayaw na niyang pag-usapan iyon. Agrh, minsan talaga walang preno ang bibig ko.

Inayos ko ang mga gamit sa cabinet, hindi malaki hindi rin masikip ang kwarto na ito. Kulay light gray ang pader at kisame, maayos ang mga cabinet, meron ding salamin na tinakpan ng puting tela.

Nang matapos ako ay naisipan kong magbihis pambahay bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay wala roon si Felix. Naglibot-libot muna ako sa kusina at banyo, para na rin hindi ako manibago sa mga lugar. Napunta ako sa nakabukas na pintuan, nakikita ko ang mga damo sa labas at potted plants. Sa tingin ko likod 'yun ng bahay.

Pumunta ako roon at sinilip kung nandoon ba si Felix. Kaso wala. Maganda ang labas, may isang hindi kalakihang puno, merong mga bulaklak at higit sa lahat may duyan at bench. Ganda, ah? Hindi mo aakalaing namamanage ni Felix ang bahay na 'to habang nag-aaral siya.

"Diyan ako nagpapalipas-oras minsan." Napalingon ako sa likuran nang nandoon si Felix. Nakasuot na siya ng pambahay na damit at pajama. First time ko makitang nagpajama, ang cute pala niya.

"Nakapagluto na ako, kumain na tayo, tsaka may mga batas kang dapat mong sundin lalo na't bahay ko 'to." Tumalikod na siya at nauna nang maglakad.

Wow, may batas pala rito.

Naiilang akong kumain, magkaharap kami at higit sa lahat, first time kong kumain kasama siya.

"Felix," "Azalea,"

Natigilan ako sa pagkain nang sabay kaming magsalita.

"Ikaw na mauna." Aniya.

Okay, sabi mo eh. Tsaka dapat sasabihin ko muna 'to bago sabihin niya ang batas niya sa bahay na 'to.

"Nakatira na ako rito, I will use the water, and electricity. I think mas better kung magbabayad ako ng kalahati sa mga bills dito." Napagtanto kong bumabait na ako, ako na ang nagfifirst move sa bills thingy tsaka syempre, ayoko maging palamunin at pabigat, baka bills ang magiging dahilan ng pag-give up ni Felix na tulungan ako.
"No need, as long as susundin mo ang batas ko rito sa bahay." Sagot niya at kumain ulit

"Teka lang, parang unfair naman 'yun sa'yo. Masyado akong magastos sa tubig, Felix." Seryoso kong sagot. Ayokong umabot sa puntong magrereklamo siya dahil malaki ang bills. Kaya nga ako nakipag-alok sa kaniya na maghati kami ng bayarin.

"Azalea, listen." He looked at me and so I am. "I can handle the bills, no need for you to pay the half, okay? Just follow the rules inside this house and we are good."

Matagal kong pinag-isipan ang mga sinabi niya bago tumango at makinig na sa mga sasabihin niya.

"I only have three rules inside this house for you."

Three lang pala, madali lang 'yan.

"First, 'wag kang magkalat ng kung ano-ano."

Tumango-tango ako sa mga sinabi niya, easy.

"Second, 'wag na 'wag kang magdadala ng kung sino man sa bahay na 'to, kahit kilala ko pa."

"Literal na misteryoso." Bulong ko sa sarili ko.

"What did you say?"

Umiling ako at sinabi sa kaniyang ipagpatuloy.

"And the last one which is you must follow, Azalea." Napakurap ako sa salitang must, like bawal talaga?

"You must not enter the room inside my room."
Muli akong napakurap sa sinabi niya.

"Wait 'di ko gets."

Naglaho ang seryosong mukha niya at napailing ng saglit.

"Sa loob ng kwarto ko may isa pang kwarto and you must not enter that room."

"Okay. Bakit, red room ba 'yon?" Natigilan siya sa sinabi ko na ako namang natawa.

"Don't compare me to those–oh come on Azalea. Seryoso ako." Bakas sa boses niya ang pagkainis habang ako'y napahawak sa tiyan sa kakatawa.

"Eh ano nga?"

Sa pagkakataon ngayon binaba na niya ang kutsata at tinidor na hawak niya at seryoso akong tiningnan.

"Kaya nga pinagbabawal ka roon dahil sikreto."

"One clue, sige na, please?" Baka hindi ako makatulog sa curiosity.

"Stop now." Muli siyang kumain habang ako ay nakangusong pinagmasdan siya.

"Okay. Makaka-asa ka." Tanging sagot ko.

Kung 'yun lang naman pala ang tanging hindi ko gagawin just to live away from more chaos then I would follow him. I need his help, there's no time to set my own pride right now.








That Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now