CHAPTER 12: BEREAVEMENT

20 3 0
                                        

M A T H E O

"Bakit naman ganito? Ang ayos lumuwas ng anak ko papuntang maynila.. para tulungan kami pero– pero bakit ganito? Bakit nangyari 'to sa anak ko? Anong klaseng pamamahala ang ginagawa niyo para madamay siya sa patayan niyong mga anak mayaman!" Galit na galit ang ama ni Louisa, isa sa dalawang nasawing katulong dahil sa pagkalason, hinahatak nito ang kwelyo ng damit ni Mr. Dazmon, wala namang makakasisi sa isang ama na pinagbigyan kumayod ang kaniyang anak sa maynila para makipagsapalaran.

Kahit kung ako ang namatayan, makikipagpatayan ako. Dama ko na hindi na nanlaban si Mr. Dazmon, dahil panigurado bugso lamang ng damdamin ng isang ama iyon. "Aakuhin namin ang lahat.. ako– ako ang bahala sa lahat.. alam kong hindi sapat ang paghingi ko ng tawad pero.. kami po ay nakikiramay.. alam kong kahit anong halaga ay hindi mababayaran 'yon ng buhay ng inyong anak.." Sagot nito, humahangos na umiiyak na pinipigilan ni Mrs. Lancy at ang asawa ng ama ni Louisa ang naghihinagpis na ama.

"K-Kahit pa na gawin niyo akong milyonaryo! Mas gugustuhin kong mahagkan ang anak ko ngayon na humihinga!" Sigaw nito na ikinatahimik nang lahat, wala pa ang kampo ng pamilya ni Anne na isa ring nasawi sa hindi inaasahang paraan. Lalo ring nagkakagulo ang media sa labas, at alam kong hindi na rin magtatagal ay ka-kailanganing magbigay nang pahayag ng pamilya Visokovich.

Naaregluhan ang kampo ng pamilya ni Louisa, binigyan sila ng isang milyon kapalit ng lahat nang pinsalang naganap, binigyan rin ng bagong  lupa sa kanilang probinsya upang makapag-umpisa nang panibagong buhay. Ayon sa kuwento ng ina nito, nagpumilit ang kanilang anak na lumuwas nang umaasang mapabuti ang kanilang pamumuhay sa probinsya, dahil sa hindi ganoon binibigyang pansin ng gobyerno ang mga magsasaka ng ating bansa ay nahihirapan sila at nalulugi sa napaka-laking porsyento, isang pruweba lamang na hindi binibigyang gaanong pansin ang ating mga magsasaka.

Kalaunan ay dumating si Reyes na nagsasabing hindi kayang lumuwas ng pamilya at mga mahal sa buhay ng katulong na si Anne dahil wala silang pera, agad namang pinagbigyan ni Mr. Dazmon na ihatid na lamang pauwi ang katawan nito kasama ang sulat na naglalaman nang paghingi ng tawad, pagpapaliwanag at tyeke.

Makalipas ang isang oras ay ang mga natirang katulong ang aming mga pinaunlakan nang panayam. "Anong oras kayo pumasok sa silid? Naaalala mo pa ba?" Tanong ko, si manang Beleng ang nauna naming tinanong ukol sa nangyari kagabi, kailangang unahin sila sa pagkakataon na 'to bago pa nila makalimutan ang mga nangyari.
Sa pagkakaalam ko ilokano si manang Beleng at ang pinaka matagal ng katulong sa pamilya ng mga Visokovich. Matagal na siyang naninilbihan rito dahil wala naman raw siyang ibang pupuntahan lalo na at matagal nang namayapa ang kaniyang mister at hindi na niya alam kung nasasaan ang mga anak niya.

Dahil may edad na, sinusubukan kong hindi mabigla ang matanda. "Ah e ser.. basta po noong kami ay inyong inutusan na manatili na lamang sa aming mga kuwarto e hindi na ho ako lumabas.." Kuwento nito sa mahinang boses, tumango-tango ako habang pinagmamasdan ang mga galaw nito, mukhang nagsasabi naman siya nang totoo.

"Dahil ho konting ingay lang ay nagigising ako, nakahiwalay ho ako ng kuwarto, habang ang tatlong batang dalaga ho na kasambahay rin ay magkakasama sa kabila, rinig ko ho na nagpasya silang magkuwentuhan muna sa kung ano ang nangyari ng gabing 'yon nang kumakain ng kung anong kutkutin at juice." Dagdag pa nito habang hinahawakan ang sariling kamay. "Nang kumuha ho ako ng isang basong tubig para malunok ko ang mga gamot kong maintenance e nakita ko ho si Louisa na kinuha ang isa sa mga bote ng grape juice na paborito ni ma'am Fleur.. ito po ay ang kaniyang paborito." Grape juice.. isa ito sa mga ebidensiyang nakita sa kusina, eto rin ang pinaghihinalaang may lason.

"Silang tatlo ho ang magkakasama ng gabing 'yon habang ako ay minabuti na magpahinga na lamang." Yumuko ito at huminga nang malalim. "'Yong gabi po ba na.. binawian ng buhay ang biktima e.. naaalala niyo po ba ang mga naganap?" Kasunod kong tanong, mabuti pang malaman na rin. "Kung ako po ang tatanungin e hindi naman ho pasaway sakin si Plor, bilang respeto na lang ho siguro niya sa akin. Pero noong gabi ho na 'yon e ako'y naglilinis sa kusina nang marinig ko ang sigaw sa labas, wala naman ho akong nakitang kakaiba, pinagsilbihan lang ho namin ang mga nagaalalang bisita ayon po sa utos ni ser Deymon." Sagot nito, sa pangatlong araw ng imbestigasyon na 'to wala pang makapagtuturo kung sino ang huling kasama ng biktima at kung sino ba ang may motibo.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon