CHAPTER 25: BETTER

8 2 0
                                        

V I C T O R I A

Matapos akong tanungin nang paulit-ulit, sumuko na ang kung sino mang impakto na 'yon. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong paraan pa maidadala ang trabaho ko. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mga nangyayari at bigla na lang akong narito, pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan ng silid. Katamtaman lamang ang laki nito, at may malaking salamin sa may isang sulok na panigurado ay may nagmamasid sa labas noon.

Minabuti kong hindi gumalaw masyado, dahil baka maling galaw ko lang, ikumpirma nila na talagang isa akong espiya. Muling bumukas ang pintuan, at inaasahan kong ilalabas nito ang impakto na nangungulit sa akin kanina pero hindi. Inilabas nito ang omega ng distrito labinganim, si Francess Sarmiento. Ngisi-ngisi itong lumapit sa akin, ramdam kong nakasunod sa kaniya si Gallileo Lazaro, ang alpha nito, kung tutuusin ay bagay sila.

Isang tuta at ang kaniyang amo. Kahit pa anong gawin ng omega ng distritong labinganim ay hindi na sila makakahabol pa sa mga nakamit namih tagumpay. Nagtataka akong nag-angat nang tingin pero binati ako ng isang malakas na sapak ni Sarmiento. "Tangina ka!" Sigaw nito sa akin at muli akong sinapak sa kabilang direksyon, ngumiti na lang ako at huminga nang malalim matapos pumutok ang labi ko at dumugo.

"Anong ginawa ko sa'yo? Nasisiraan ka na yata ng bait." Tanging sambit ko sa kaniya, hindi ko malaman kung ano ba ang kinakainis niya. May lahi ba siyang toyo at kailangan niyang magaling sakin sa buong buhay niya? Ang tikas ni Sarmiento ay tila ba panlalaki, maangas kung tignan pero para siyang pusa na ngawa nang ngawa sa akin.

Nang akmang sasabunutan niya ako ay pumagitna si Gallileo sa aming dalawa. "Fran, kumalma ka naman. Gusto mong mawala tayo sa posisyon natin?" Tanong nito sa kaniya, tumawa lang ako nang kaunti bago nag-angat ng tingin.

"Ang galing tumahol ng tuta mo, Sarmiento. Arf arf.." Saad ko at nangasar, hindi na napigilan ni Lazaro ito nang bigyan ako nang magkapatid na sampal.

"Sa oras.. sa oras na mapatalsik ka bilang isang ahente ng organisasyon, magtago ka na, dahil hahanapin kita at papatayin. Istorbo ka sa buhay ko, Salvador." Mariin ang sinabunutan nito at pinagduro sa mukha. Napailing na lamang ako bago ko siya dinuraan sa mata, hindi niya 'yon inaasahan at nang mapunas niya iyon ay akmang hinila niya ang kaniyang baril at agad na itinutok sa akin.

Tumawa ako nang pagkalakas-lakas. "Putok mo! Iputok mo 'yan! Pero siguraduhin mong mapapatay mo ako!" Sigaw ko sa kaniyang mukha, ramdam ko ang malamig na nguso ng baril na hawak niya, ni wala na akong maisip na ibang sasabihin gayong inis na inis ako ngayong araw na 'to. Dahil sa kadahilanang hindi pagkakaintindihan kase ay maaaring mapunta sa kamatayan ko ang araw na ito.

"Sino ka para utusan ako?" Tanong nito at itinuro ang baril sa aking sintido. "I'm always better than you, Sarmiento. Siguraduhin mong mapapatay mo ako kung sakaling barilin mo ako, dahil sa pagkakataon na hindi, sayo ko gagamitin ang sarili mong mumurahing baril."

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now