M A T H E O
Naroroon na ang pinagkatiwalaang media network ni Mr. Dazmon, para maiwasan ang magulong sabog na media ay isa lamang ang pinapasok niya at 'yon ay ang kampo ng CCN, nakatutok na ang ilaw at camera sa pagod na lalaki na si Mr. Dazmon, dama ko ang pagod na nadarama niya mula sa pagaasikaso sa pamilya nang dalawang namatayang biktima at maging ang pagbibigay ng mga kailangan ng mga bisitang nakulong sa mansyon sa pansamantalang panahon, ibo-broadcast live ang mga naganap at kami ay nagpasyang alalayan ito dahil sino ba ang nakakaalam kung ano ang mga susunod na maaaring mangyari?
"Mr. Dazmon Marco Visokovich, kamusta ho ang lagay ninyo matapos ang mga sabi-sabing may sakit daw ho kayo?" Ito pala ang inaakala ng media? Hindi naman ito maiiwasan lalo na at may edad na si Mr. Dazmon at marami na ring dinadamang karamdaman, pero nakakalungkot lamang na ganoon ang sinapit ng apo niya.
"You are all mistaken and.. no it's not me who's sick, but it's a totally different scenario." Kalmadong sumagot ito kay Genalyn Paulate, isa sa mga sset journalists at reporter ng CCN, live na brinoadcast ang interview na ito para malaman ng lahat. "Kung ganoon po e, ano po talaga ang mga naganap ng gabing iyon? Dahil ayon po sa report ay nakita angNBI, FBI, ang MPD at maging ambulansya, maaari niyo po bang sabihin kung ano ang pinunta nila rito?" Kasunod na tanong nito, nanatili kaming tahimik habang pinapakinggan ang mga nagaganap, maging ang bawat sagot ni Mr. Dazmon, kailangan naming pagtiisan tignan ang lahat dahil isang maling galaw lang ay baka maituro nito sa amin kung sino talaga ang suspect.
Kasalukuyan rin naming inaalam kung sino ba talaga ang nagplanong lasunin si Fleur Amaranth gamit ang yelo na inilagay sa ref. "To all that my family know and love.. I regret to inform you that my granddaughter– Fleur Amaranth Senclaire Li Visokovich, has met with an accident June 20, year 2024. I apologize to those who wanted to attend the party but unfortunately, ang dapat na magcelebrate with us is no longer here." Parang bomba na sumabog ang mga katagang binitawan ni Mr. Dazmon, maging ang reporter na si Genalyn ay walang nasabi, bumagsak ang bibig nito na isang simbolo mula sa hindi inaasahang balita.
Kung ang lahat ay iniisip na si Mr. Dazmon ang ipinagkakaabalahan ng FBI, MPD at MDH ay nagkakamali sila, kahit pa na ganito ang sinapit ng dalaga ay nakakabilib na kayang manipulahin kahit papaano ng kung ano ang nakikita ng tao ang mga isipan nila.
"We cannot disclose any information for now as the investigation is still on going but I believe that those who wanted to know and are worried about my family– deserve to know, thank you and goodbye." Nakipagkamay si Mr. Dazmond kay Genalyn at agad na umalis, sinundan ng mga alipores ni Mr. Dazmond ito habang nagpaalam nang maayos si Genalyn sa camera, nakahalukipkip si bossing habang ako at nakasandal sa may pader nang agad itong lumapit sa amin.
"Totoo ba ang mga sinabi ni Mr. Visokovich? Naaksidente ang apo niya? Pero paano naman nangyari 'yon?" Tanong nito, kumunot ang noo ni bossing, ako naman ay nagtataka kung paano ko ipapaliwanag. "Gusto mo malaman? Gusto mo dalhin kita sa bangkay ng biktima at ikaw mismo ang sumuri?" Inunahan ako ni bossing na sumagot, hindi ko malaman anong gagawin ko nang matakot si Genalyn. "Ah e haha! Basta kami na ang bahala roon Ms. Genalyn, sige na at mauna na kayo hindi kayo p'wedeng magtagal rito." Sagot ko rito, nagiinit na naman ang dugo ni bossing, kahit kailan talaga e napaka-weirdong sumagot.
Agad ring lumisan ang mga ito nang naka-van, sinalubong sila ng iba pang media na nagkakagulo sa labas, panigurado ay lalong sasabog ang mga pupunta rito para malaman ang iilan pang detalye, pero ayon sa utos ni bossing magsimula mamaya ay pagbawalan nang pumunta ang media para mabawasan ang stress at tensyon para sa mga nakulong pansamantala sa mansyon.
"Maghiwalay tayo sa dalawang grupo Matheo, gusto kong tignan ang kuwarto ng biktima at maging kung saan ito binawian ng buhay, tingin ko ay doon na lamang kayo sa ibaba at ako, si Gonzales at si Reyes ang sasama sa akin, tignan niyong mabuti lahat, kung p'wedeng gumapang kayo ay gumapang kayo, gumamit kayo ng gloves kung sakaling may makita kayong ebidensiya." Lumingon ako kay bossing nang magumpisa silang tatlong kumuha ng light package na kakailanganin para sa paghanap ng ebidensya, ayon sa kagustuhan ni bossing e 'wag nang galawin pa ang kuwarto ng biktima, pero binigay na ng MPD at FBI ang mga nakita nila sa amin bago pa kami gumating ng gabing 'yon.

YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...