CHAPTER 27: BELIEF

6 2 0
                                        

M A T H E O

"Inyong kagalang-galang, nabanggit ng akusado na mayroong tetestigo para sa kaniya." Lumingon ang piskal sa itaas kung saan nakaupo ang tatlong hukom. "At sino naman ito?" Tanong ng Senior Magistrate na si Orion Vanguard. "Ito po ay si Isaac Salvador, ang ama ng akusado." Sagot ng piskal, inaasahan naman talaga na si direktor Salvador ang darating dahil ito ay ang ama ng akusado. Sino ba ang magaakala na ang omega vespera ng aming distrito ay– espiya?

Kahit pa na sunod-sunod ang mga paratang na ibinabato sa kaniya ay mayroong parte sa akin na hindi naniniwala, umaasa ako na magpapaliwanag siya at sasabihin hindi totoo ang mga sinasabi nila, pero paano naman ako maniniwala sa panahon na mangyari 'yon?

"Paumanhin, mga kagalang-galang na hukom. Ipapaalala ko lamang sa inyo na ayon sa ating batas, ayon sa artikulo dalawampu't-tatlo sa ilalim ng VAL o Vespid Agent's Law ay bibigyan lamang ng sampung minuto ang testigo upang magbigay nang saloobin kung sakaling wala ito sa pagdinig, ngunit sa aking pagmamatyag ay tila ba wala ang ama ng akusado? Aandar pa rin ang oras, sa ano mang panahon na gusto niyong magsimula na ito. Ayon sa artikulo ay maaari pa ring tumestigo ang nino mang nagnanais tumestigo hangga't may natitirang oras. At kung hindi naman ay.." Naagaw nang atensyon nang naroroon, maging ang tatlong hukom ang omega ng distritong labinganim, si Francess Sarmiento. Nasa may gawing kanan namin siya, kahit kailan talaga ay napaka-pakialamero ni Sarmiento. Rinig ko sa iba na mahilig siyang gumawa nang gulo, pero tiyak na isa siya sa mga pinaka-magaling.

"Sa oras na matapos ang sampung minuto ay kaagad na pupugutan nang ulo ang akusado." Napansin kong tila ba nandidiri at naiinis itong naglingon nang tingin kay Victoria, naiintindihan ko ang inis niya. Dahil magsimula noon ay hindi niya makuha ang gusto niya, dahil nananatiling nasa tuktok ang rango ni Victoria, habang ako ang sumunod.

Kung tutuusin ay hindi ko maisip bakit ako nasa tuktok kasunod ni Victoria, dahil na rin siguro sa pareho ang mga nakamit naming kampyonato at tagumpay, pero napaka-raming beses niya na akong sinagip sa kamatayan.

"Mahusay na paglalahad nang impormasyon, salamat sa pagbahagi nang kaalaman sa ating batas na siyang dapat nating pinagaaralang lahat." Sagot ng Supreme Judge na si Maximus Aurellius Santos, napatayo ako dahil roon at takot na tumingin kay Victoria, hindi ito maaari! Wala pa! Wala pa ang tetestigo para sa kaniya! Dapat nilang marinig ang sasabihin ni Salvador!

"Dahil ang akusado ay ang anak ng punong heneral at ang direktor ng organisasyong S.H.I.E.L.D. o Sentinel Warriors for Operational Reconnaissance and Defense, sa ilalim ng aking kapangyarihan ay sinususpinde ko ang posisyon ni Isaac Salvador, maging ang posisyon ng akusado na si Victoria Salvador, kahit pa na sa oras na maitalagang inosente ang akusado ay kailangan niyang duminig pa sa iilang pagdinig. Pero, sa mga oras na ito ay umaandar na ang oras. Mayroon kang siyam na minuto, direktor Isaac Salvador." Lalong nanghina ang mga tuhod ko sa narinig, lalo akong nanlumo at lalong nawalan ng pagasa. "Reyes, pakitawagan si Salvador, pilitin mo." Paguutos ko sa kaniya.

Napapikit ako nang maisip na hindi lang si Victoria ang nasa kamay nang delikadong oras, maging ang aming kampo, distrito at kamiyembro ay delikado. Wala akong maibigay man lang na saloobin na makakapagpatunay na hindi siya isang espiya, gayong wala rin akong maisalita sa harap nang tatlong hukom na nasa itaas nang pagdinig.

Nanahimik muna ang lahat nang naroroon, ramdam na ramdam ko ang bilis na pagtibok ng aking puso, sa bawat kabog nito ay ang paubos na oras, ang sampung minuto na ibinigay kay direktor Salvador para dumating at maglahad nang nalalaman. Hindi ako mapakali, at gusto kong may magawa ako pero ano?! Nakita ko ang nakabarong itim na matangkad na lalaki na nagpunas ng kaniyang espada, alam kong ito ang taga-hatol nang kamatayan at hindi ko na napigilan pa at tumakbo papunta kay Victoria. Hindi ito maaari! Kailangan nilang magbigay nang mas marami oras!
Sinundan ako nila Reyes nang magulat sila sa aking biglang pagtakbo papunta kay Victoria.

"Inyong kagalang-galang! Bigyan niyo ho ang akusado nang iilan pang minuto! Ako'y nagmamakaawa sa inyo!" Pagmamakaawa ko sa tatlong hukom, pinakatitigan ko ang aking lolo Maximus upang manghingi nang tulong pero nanatili itong seryoso at pasimpleng nagiwas nang tingin. 

"Patawad, ngunit hindi maaaring pagbigyan ang iyong kahilingan." Ang Chief Justice na si Valentina ang sumagot sa akin, hindi puwede itong mangyari!

Napaluhod na lamang ako at lumapit kay Victoria, basa ang buhok nito, iniangat ko ang kaniyang mukha at pansin ko ang namumula niyang mga mata, ang mga pasa niya sa mukha at ang putok na dumudugo niyang labi.

'Hindi.. gagawa ako nang paraan, gagawa ako nang paraan..'

"A-Alpha– ano na ang gagawin natin?" Tanong sa akin ni Mendoza na may pagaalala. Si Reyes na bahagyang humahagulgol na sa aking tabi, minabuti kong magpakatatag para sa aking kampo.

"Tatlongpu't segundo." Rinig kong sambit ng piskal na si Raul, napatingin na lamang kami rito bago bumalik nang tingin kay Victoria. Huminga ako nang malalim bago sinabihan sila Reyes na protektahan si Victoria.

"Matheo.. Matheo salamat." Inilapit ko ang aking mukha para marinig ang kaniyang sinasabi, napakunot ang aking noo, saka ako umiling.

"Magiging ayos rin ang lahat.. bossing." Ngumisi ako nang pilit para pagaanin ang kaniyang loob, may sasabihin pa sana ako nang hilahin ako nang mga tauhan na naroroon.

"'Wag! Inyong kagalang-galang!" Sigaw ko na sana ay naririnig ng tatlong hukom na nasa itaas at magkakatabi. Hindi ito p'wedeng mangyari! Inosente si Victoria! Hindi siya espiya!

"Inyong kagalang-galang! Naririto na ako! Naririto na ang tetestigo para sa aking anak! Ako si Isaac Salvador!"

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now