CHAPTER 19: HIDE

12 3 0
                                        

Pinagmasdan ni Victoria, omega o bossing sa tawag nang mga kasamahan nito ang mga rosas na pumalibot sa buong mansyon. Hindi niya mapigilan ngunit isipin na ito na yata ang isa sa mga mahirap na misyon na kaniyang natanggap, nais niyang sumuko ngunit hindi niya rin gusto sa kabilang banda. Ang kaniyang sinumpaang tungkulin ay ang makamit ang hustisya at kapayapaan sa lahat nang pagkakataon.

Pumahalukipkip ito nang naghanda itong sumabak sa bakbakan nang maramdaman niyang may tumayo sa kaniyang likuran, akma niya itong ibabalibag nang mapagtantong isa lamang ito sa mga bisita, na-weirdohan ito nang mapansing ito lamang ay ang anak ni Michaella Salvacion, ito ay si Claudia Salvacion.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba't nasabihan na bawal kang lumabas ng silid nang hindi ipinapatawag?" Tanong nito na may halong inis at pagbabanta, nagkibit-balikat lamang ang dalaga na gumulat sa kaniya at inilapit ang mukha nito, na tila ba sinusuri ang kaniyang buong pagkatao. Tumaas ang kilay ni Victoria at linabanan ang mga tingin ng dalaga. "Ano ba ang kailangan mo? Ms. Claudia?" Sarkastikong tanong nito, kung may hindi man siya nais at 'yon ay ang pagmasdan siya nang walang konteksto, ayaw niyang tinitignan ang kaniyang pisikal na anyo lalo na at nararamdaman niyang baka pinagaaralan na siya kung paano siya patutumbahin.

"I can sense that you are hiding something, hide hide hide." Kumanta ito sa mga huling salitang kaniyang sinambit, lalong nagtaka ang omega vespera ng distrito isampu't pito, ano naman kaya ang itinutukoy nito na may tinatago siya? "Ano ang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan." Sagot nito at naglakad papalayo, ngunit nang makarating malapit sa may entrada ay napansin nitong nakasunod pa rin ito. "Kilalang-kilala kita at wala kang matatago sa akin.. lalabas rin kung ano man ang tinatago mo." Pagbabanta nito at tumawa, lumingon ang naguguluhan na si Victoria at inikot ang mga mata.

"Mas walang maitatago ang dapat na nagbabantay sa iyo dahil ora mismo ay tatanggalin ko siya sa posisyon at trabaho." Nanggigigil itong luminga sa paligid upang hanapin si Epsilon James na batid niya ang dapat na nagbabantay sa kaniya ng mga oras na iyon. "Nakakatakot naman.." Ngisi-ngisi itong nangasar at tumawa, maya't-maya ay dumating na humahangos si Epsilon James at labis na nagulat at natakot sa itsura ng omega, halata na galit na galit na ito. Agad itong yumuko at lumuhod. "Patawad, omega. Hindi na ho mauulit!" Agad na inalalayan nito ang dalaga na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.

Naiwang nakatulala roon si Victoria habang nasa sa isip pa rin niya ang mga ngisi at tawa ni Claudia Salvacion, na tila ba nasisiraan na ito ng bait. Agad siyang bumalik sa loob upang puntahan sila Matheo na naguumpisa na ng pagpapatuloy ng imbestigasyon.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now