CHAPTER 44: MASTER MIND

13 1 0
                                        

M A T H E O

"Binibigyan kita nang pahintulot na tanungin si Diana Visokovich sa ilalim ng puwesto ko, dadalawin ko lang saglit si Mr. Dazmon, ayos lang ba?" Agad na tanong ni Victoria nang makapasok siya sa silid, nasa loob ng may nakatagong salamin na kami kang ang nakakakita mula sa labas si Diana Visokovich.

"Walang problema, basta magiingat ka." Sagot ko, hindi na ito nagpaalam at agad na umalis dala-dala ang leather jacket na regalo ko pa sa kaniya noong pasko. Tingin ko ay nagmamadali talaga siya.

Hindi rin nagtagal ay nagkaharap kami, walang iba kung hindi si Diana. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng respeto matapos kong malaman na kasabwat siya sa patong-patong na kasamaan na bumalot sa mansyon ng kanilang pamilya. Malungkot ang itsura nito at wala nang pagasa, lalo na at talagang tinanggal na ni Mr. Dazmon ang karapatan nila na gumamit ng pera ng kanilang pamilya, wala ring magawa ang ina nito na si Mrs. Lancy.

"Diana, kamusta?"
"Psh, get to your point already." Sagot nito, ngumisi na lamang ako sa lakas ng loob nitong magsungit kahit pa na maya-maya lamang ay manghihimas na siya ng rehas. "Bakit mo nagawa ang mga bagay na 'yon? Sino ang dahilan?" Tanong ko, pilit itong umiiwas nang tingin sa akin. "You'll never understand.." Bulong nito, umayos ako ng upo sa aking upuan. "Kung hindi ko maintindihan, ipaintindi mo sa akin, maaari ba 'yon?" Dagdag kong tanong, pumatak ang tatlong luha mula sa kaniyang mga mata.

Kahit sino ay maiiyak, lalo na ang tatlong anak ni Mr. Dazmon na nasanay sa luho, na ngayon ay wala nang mailabas. Walang kaibigan na naroroon para sa kanila, sino ba naman ang gugustuhing tumulong sa kriminal na sariling pamilya ay nagawang idala sa panganib? Hindi isa, ngunit maraming beses?

"Paano mo maiintindihan? You're just a boy!"
"and I'm here.. to understand your side, Diana kung makikipagtulungan ka sa amin, we will get that person behind bars too." Pangungumbinsi ko, na may bahid naman nang katotohanan. Kung sakaling maibukas ko ang nakatago niyang sikreto ay malaking tulong ang magagawa nito upang mapabilis ang kanilang mga kaso.

"All I wanted was to be a good daughter, but I guess I'll never be enough. I'm drowned in ecstacy, to satisfy every single damn thing that father wanted me to achieve, dahil— dahil sabi niya ako ang magmamana ng lahat." Hawak-hawak nito ang sariling kamay at mahinahon na nagkuwento. Mali si Mr. Dazmon na ibuo sa isipan ng kaniyang mga anak na sila ang mananalo sa ibang mga bagay, naging sanhi ito nang hindi pagkapantay-pantay na pananaw sa isa't-isa ng magkakapatid. "I studied hard— in fact.. I studied the course inclined with the family's business only— only to be replaced by ano? My pamangkin na masungit at wala pang nararating?" Lumakas nang bahagya ang boses nito.

"Pero hindi ibig sabihin n'on ay dapat mo siyang saktan at tangkaing patayin."
"I have to! I have to! Just to get what I want, and what I deserve. I deserve to be the heir! I— I did so much! I deserve to be the heir!" Nagsimulang magih agrisibo ito na agad pinigilan nina Mendoza. Agad siyang ibinalik sa kaniyang sariling silid. Wala nang makakapagdepensa pa sa tatlo, ngayong wala na silang salaping mailalabas sa abogado na gusto nilang kunin.

Agad na sumunod ay si Diamond, ang panganay na anak na babae ni Mr. Dazmon. Kung totoo man 'yon, dahil gaya nga ng sabi ng ilan ay may dalawang tinakwil— pinatay pala, pinatay mismo ni Diana.

Namamaga ang mga mata nito, lukot-lukot ang damit at wala nang suot na dekorasyon at kolorete sa mukha. Nakakapanibago, ganito pala ang itsura ng mga mapagkunwaring anghel na bumagsak galing sa langit.

Umupo ito sa aking harapan at daretsahan akong pinaka-titigan. "Kamusa ka?" Panimula kong tanong, hindi ito sumagot sa akin at tila ba ay may hinahanap, si Victoria siguro 'yon. "Diamond, may kapalit ang lahat nang ginawa ninyong magkakapatid, at maging ang lahat nang nasangkot sa inyong krimen. Wala nang ibang gagawin kung hindi sabihin ang totoo, dahil wala nang ibang dadatnan ang buhay ninyo ngayon kung hindi ang kulungan.." Mahinahon kong pagpapaliwanag, kinuyom nito ang kaniyang kamao at nanatili sa kaniyang upuan.

"Bakit mo ginawa 'yon? Bakit at sino ang dahilan?"
"Even if I tell you why, who and where. Nothing could be done anymore."
"at bakit mo nasabi 'yan?" Sagot ko rito.

Ngumiti ito bago tinignan ang ilaw na nakasindi sa aming itaas. "I always.. always loved my niece.. but that changed when I knew what my father was planning." Kuwento nito, plano? Ano naman ang pinlano ni Mr. Dazmon? Iyon bang, si Fleur ang nararapat na magmana ng lahat?

"'Yon bang.. ang pamangkin mo ang magmamana ng lahat?" Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya nang bahagya. "To also cut the three of us out of his life, like lost puppies out for adoption. Hindi ko alam bakit out of the three of us, ang pamangkin ko pa." Bakas ang pagkadismaya sa tono ng kaniyang boses.

"Alam mo sa sarili mo kung bakit." Sagot ko na lamang bago siya binigyan ng tubig mula sa isang baso. "You would not say that, if you were on my shoes." Saad nito bago nilagok ang tubig na aking binigay. Ano nga ba ang karapatan kong manghusga? Wala, pero ang batas mayroon.

Ang gusto kong malaman ay bakit, ano ang dahilan para tangkain niyang saktan ang sarili niyang pamangkin?

"Diamond, magtapat ka sa akin nagmamakaawa ako. Ano ang dahilan para tangkain mong lasunin si Fleur?" Matalas kong hinintay ang isasagot niya sa akin.
"Walang dahilan.. I was forced to kill her for my two siblings to catch the position instead, I loved my niece. I was forced." Madaliang namula ang mata nito at sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa lamesa.

May nasa likod nang mga ginawa niya sa loob ng mansyon? "Diamond, poprotektahan kita at maniwala ka sa akin.. mamatay na ako kapag may nangyaring masama sa'yo, pero sana ay sagutin mo ako. Sino, sino ang nagpumilit at nagutos sayo?" Hinawakan ko ang kaniyang kamay habang patuloy siyang umiiyak sa aking harapan.

"My mother, my mother ordered me to kill Fleur. At bawat pagkakataon na linalason ko ang pamangkin ko, si mama ang may utos n'on.."

'Hindi ko ito inaasahan..'

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now