CHAPTER 20: THIRTY ONE

23 3 0
                                    

M A T H E O

"Hindi pala alam ng ama ni Wisconsin Salvatore na may ipinapatakbo siyang club sa maynila, dahil ayon sa nagsabi sa akin hidden club raw 'yon at para sa mga mayayaman lang na miyembro." Dagdag pa ni Santos habang binabasa ang information file ng dalawang Salvatore, ganon ko na lamang napagtanto na baka nga hindi niya talaga alam, dahil sa kuwento nito e napaka bait ng anak niya, ngunit hindi niya alam na may ipinapaktabo itong club.

Sinundo na ni Mendoza ang padre de pamilya ng pamilya Salamanca, isa na naman sa mga stockholder at kaibigan ni Mr. Dazmon. Batay sa information file si Polo Salamanca ang may ari ng isang call center sa Angeles Pampanga habang ang asawa nito na si Xia Salamanca ang stockholder ng unibersidad. Kararating lamang ni bossing ngunit pansin kong may bumabagabag rito, hindi ko na siya tinanong nang dumating si Mendoza kasama si Ivan Salamanca.

"Magandang hapon Mr. Polo Salamanca."
"You can call me Polo, anyways.. ano ang maitutulong ko sa inyo, boys?" Tanong nito at nakipagkamay sa amin bago umupo sa aking harapan. "Kami po ay naghihingi nang pasensya sa matagal na prosesong ito-" Tumawa ito kaya't 'di ko nagawang tapusin ang mga sasabihin ko. "Ano ba kayo, my family understands. At sana e makapagtrabaho kayo nang tama." Ani nito at ngumisi, binayaran ko ito nang isang malaking ngiti rin.

Batay sa ulat ni Ivan Salamanca, may kinailangan pa siyang tapusin sa Angeles kaya hindi nakasabay sa kaniyang magina, magkasunod lamang raw pala silang dumating rito sa mansyon. Alam niyang mabait at magandang bata si Fleur dahil 'yon ang laging kinu-kuwento ng kaniyang nagiisang anak.

"Wala naman ho ba kayong napansing kakaiba?"
"Wala naman.. pero.. sana ay hindi masamain pero parang aligaga ang mga kaibigan ni Damon, I'm not sure of their names pero basta- they seem to be paranoid over something." Nakakasorpresa na tanging siya lamang ang nakapansin noon kung totoo man, minsan ay linoloko lamang tayo ng ating mga isipan.

Matapos n'on ay wala nang sinabi pa si Polo Salamanca, ang sumunod ay ang asawa nito. Pareho lamang ang kanilang mga sinabi, pero tanging ang pagkakaiba lang noon ay magdamag nagyosi ang asawa nito na si Mrs. Xia Salamanca.

Sa dami naming inaasikaso ay hindi ko malaman saan ko ibabaling ang isip ko, masyadong marami pero kailangan naming malaman ang totoo. Kasalukuyan kong binabasa ang history info ng mansyon nang may mabasa akong kakaiba na nagpatayo sa akin mula sa aking pagkaupo, maraan akong tinignan ni bossing para tanungin kung ano nangyari.

Napansin ko ang maliit na karagdagang impormasyon na nakalagay sa file ni manang Beleng, siya ang pang-pitong katulong ng mansyon, pero ang nakalagay sa information info ni Louisa ay siya ang pang-tatlompu't-isa habang sumunod sila Anne, at Maria.

"Bakit naman napaka-rami ang sumunod kay manang Beleng? Napaka misteryoso naman kung sasabihin na dahil lang pumalpak sila?"
"Patingin ako dela Cruz." Inilahad ni bossing ang kamay niya para ibigay ko sa kaniya ang folder na agad ko namang ginawa, habang nakatingin na sa akin ang apat na sina Santos e agad kong kinuha ang telepono ko para tumawa sa headquarters.

Agad itong sumagot matapos ang ilang minuto.
"Sentinel Warriors for Operational Reconnaissance and Defense, state your government name please and how may I help you."
"Matheo Santos, government name Alpha dela Cruz. I would like you to track all the maids that had worked here on our mission.." Komando ko, sa isa o kalahating minuto kayang malaman ang detalye na maaaring itinatago o hinukay ng isang tao o issng lugar, narinig kong pumindot-pindot ito sa kaniyang computer.
"The Visokovich Mansion?"
"Yes." Sagot ko rito, nais kong malaman kung ano ang mga rason kung bakit ganoon karami ang mga naging katulong sa mansyon na 'to gayong kay manang Beleng nag-umpisa ang paninilbihan kila Mr. Dazmon, kahit pa na mali lamang ang iniisip ko ay kailangan kong manigurado.

"There are a total of thirty-three maids that had applied to become a stay in maid at your location, two whom are still active."
"Figure out what happened to others after manang Beleng."
"Right away, Alpha dela Cruz..." Sagot nito sa kabilang linya, habang ako ay aligaga at hindi mapakali sa napagtanto ko ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin si bossing.

"Bakit ba para kang bulate na sinabuyan ng asin d'yan?"
"This can help us figure out kung ano talaga ang nangyari!" Bahagya kong sigaw, ngayon ay iniisip kong may sikretong ipinapatakbong human trafficking business ang pamilya Visokovich, pero kailangan pa rin naming malaman ang pinaka ugat nito.

"Alpha dela Cruz."
"Yes?"
"The maids that applied and got accepted to the vintage ancestral mansion of the Visokovich family after manang Beleng are a total of twenty-one, all coming from the provinces of the country."
"and? Where are they? Where can we find them?"
"Uhm alpha.. apologies."
"What?!"
"They are reported as missing sir, up until to this day, not found."

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now