CHAPTER 28: ALL EYES ON YOU

6 2 0
                                        

“Ano pong nangyari sa kaniya, nurse?” Tanong ni Matheo matapos suriin ang kalagayan ni Victoria, silang siyam ay nasa loob nang katamtamang laking clinic ng headquarters ng V.E.S.P.I.D. 

“Ah.. ayon rito sa vital signs niya at heartbeat, normal naman. Pero napagod po yata siya matapos siyang itali lalo na at masikip po yata ‘yon. Kakailanganin rin pong gamutin ang mga sugat niya.” Pagpapaliwanag nito sa kanila, nanatiling tahimik si Feira, ang kinikilalang kapatid ni Victoria at ang dalawang kasama nito. Nag-aalala man ay kailangan nang ituloy ang naiwang trabaho ni Matheo sa mansyon ng mga Visokovich. Nang magamot ang mga sugat at pasa na naitamo ni Victoria ay lumisan na muna ang nurse para kumuha nang karagdagang gamot. 

“Alpha, oras na. Kailangan na nating bumalik sa mansyon.” Tinapik ni Reyes ang balikat nito upang sabihan siya na oras na para sila ay manumbalik sa kanniya’kaniyang trabaho. “Matheo, mauna na kayo. Ako na ang bahalang magbantay sa anak ko.” Tugon ni Isaac Salvador, muli namang tumingin si Matheo kay Victoria at kay Feira. “Feira.. director Salvador.. kayo na ho ang bahala kay bossing, balitaan niyo ho kami agad sa kung ano mang gagawin ninyo.” Saad nito, tumango lamang bilang tugon si Feira habang sumang-ayon ang direktor. 

Nang umalis ang limang miyembro ng distritong labingpito, lumapit naman si Feira sa tabi nang kaniyang kinikilalang ate. “Alam ko na malakas siya, tito. Pero bakit parang nanghina siya ngayong araw? At saan pala kayo galing?” Pinagmasdan ni Feira ang pagod na itsura ni Victoria, may putok na labi at iilang pasa sa mukha at braso. Litaw at halata ang mga ito dahil sa maputi nitong kutis. 

“Nasa ilocos ako nang malaman ang sitwasyon niya dito, kaya agad akong sumakay ng sasakyang panghimpapawid, dahil batid ko na baka hindi na ako umabot sa oras.” Hinawakan nito ang kamay nang tulog na dalaga at hinaplos-haplos ito bago hinalikan. 

“Hindi ko aakalain na mangyayari ito, Feira.” Dagdag nito, umiling lamang si Feira bago naglakad-lakad sa loob ng silid. “Dapat ay inasahan mo na ito, tito. Lalo na at dalawa kaming, kinupkop mo at binigyan nang pekeng pagkakakilanlan.” Malamig na sagot nito sa kinikilalang tiyo. “Alam ko, Feira. Pero sa tingin mo ba ay aalagaan kayo nang kung sino mang kukupkop sa inyo? Wala akong tiwala sa ibang tao.. at paano kung tuluyan kayong binenta, ha?” Tanong nito sa kaniya at tinitigan itong mabuti. “Alam ko, I’m just saying that- we should be careful of our moves. Specially we are dealing with the enemy.” Hindi na sumagot pa si Salvador sa mga tinugon ni Feira at binantayan na lamang magdamag ang kaniyang anak. 

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now