CHAPTER 31: QUESTIONS

9 1 0
                                    

Si Sylvester Luna ang huling pinaunlakan nang panayam, pero isang linggo na ang nakakalipas ay hindi pa rin mawala sa isip ni Matheo ang mga katagang sinabi nito sa kaniya na harap-harapang ibinulgar. Ano nga ba iyon na ginawa na noon ng pamilya ng mansyon na hindi sila takot gawin ulit? Ang kumitil ng buhay ng iba? Ang magsinungaling? Manlait at mangutsa ng ibang tao? Ano nga ba iyon na gumugulo at gumugulo sa kaniyang isipan.

Isang linggo ang nakalipas matapos ang insidente sa hukuman ng V.E.S.P.I.D. Isang linggo ring walang paramdam ang omega vespera ng distritong labingpito. Habang papalaki ang kaba at pagaalala na nararamdaman ni Matheo, wala siyang masabihan tungkol rito dahil maging si Victoria ay hindi sumasagot sa kaniyang mga tawag at text. Maging ang ama nito, na napagalamang hindi pala nito tunay na ama na si Isaac Salvador ay tila ba iniiwasan ang mga tanong ni Matheo. 

Ang araw na ito ay ang araw kung saan aalis na ang distritong labingpito mula sa pananatili sa mansyon ng pamilya Visokovich, unti-unti na nilang binabalik ang kanilang mga kagamitan sa kanilang headquarters, ang S.H.I.E.L.D. “O? Ayos na ba? Mauna na kayo, at magiingat.” Pagpapaalala ni Matheo kila Epsilon Lucas at Epsilon James, ang mga nangunguna sa rango ng mga Epsilon. 

“Mauna na po kami, alpha. Hintayin namin kayo roon.” Ngumisi ang singkit na binata, kumpara sa anim. Sina Victoria at Matheo maging sila Mendoza ay isang taon ang agwat ng kanilang mga edad kaysa sa mga Epsilon. Ikinatataka nang karamihan kung bakit agad na isinabak ang mga minor de edad sa bakbakan gayong dapat nasa eskwelahan sila. Ang hindi alam ng mga ito ay, sadyang sinanay ang mga ahente ng apat na organisasyon na pinapanghawakan ng V.E.S.P.I.D. upang maging mga ahente na siyang nagtataguyod nang kapayapaan sa lahat. Nangunguna ang disiplina, katapatan, kagalangan, at kagitingan. Minabuti nang mga organisasyon na ito na sanayin sa napaka-agang panahon ang mga nakuhang nagnanais maging ahente. 

“Alpha, ano ang iyong utos sa amin?” Tanong ni Mendoza na ngayon ay suot-suot na ang back pack sa kaniyang likuran. “Hindi na tayo mananatili pa dahil tapos na ang trabaho sa pananaliksik at pagalam nang mga nangyari, pero ang trabaho nang pagtuklas nang katotohanan ay hindi pa. Nais ko sana na malaman natin ang totoo bago tayo tumanggap ng ibang misyon.” Pagpapaliwanag nito, hinihintay na lamang nila na maging handa ang mga bisita na maging sila ay nakulong sa mansyon. 

“Alpha.. alam mo.. kahit papaano.. mamimiss ko ‘tong mansyon..” Tugon sa malungkot na tono ni Reyes, umiling kaming dalawa ni Santos. “Hoy Reyes, ‘wag mo na isiping mamiss ‘tong lugar na ‘to baka magdilang anghel ka at magkaroon na naman nang patayan rito.” Pabirong tugon ni Gonzales, natawa na lamang ako nang maagaw ng atensyon namin ang humaharurot na tunog ng motor. Alam nila ang motor na 'yon at hindi sila p'wedeng magkamali.

"Alpha.. si bossing." Saad ni Mendoza na nakaharap na rin sa nagpaparada ng motor, napalunok na lamang si Matheo nang sunod-sunod habang minabuti nitong lumapit papunta sa kaniya. Sumunod naman ang apat sa papunta sa kinaroroonan ni Victoria.

Nang hubarin nito ang kulay itim na leather jacket at helmet ay lumapit ito sa kanila, matagal silang nagkatitigan bago ngumisi si Matheo nang pagkalawak. Agad itong lumapit sa kaniya upang wakasin ang pagkakahiwalay nila ng iilang dangkal lamang at saka nito siya hinagkan nang mahigpit.

"Kamusta ka na?" Yinakap nito ito nang mahigpit. Ramdam nito na hindi umiwas nang tingin ang apat at akma itong umubo, agad na nagsitakbuhan ang mga ito papasok ng mansyon.

Maraming nais itanong si Matheo, pero batid niya ang pagod na naitamo nang kinikilalang pinuno. Inaya nito ito na magpahinga na lamang at bumalik sa kanilang opisina pero minabuti at hinikayat ni Victoria na magusap silang dalawa.

"Ano ang paguusapan natin?" Tanong ni Matheo. "Hindi ko rin alam kung paano ako magsisimula." Tugon ni Victoria, kahit pa na alintana ang pagod na dinanas matapos mapagbintangang espiya ay nananatili pa rin ang ganda nito na tila ba ay kasing ganda ng gabi.

Tahimik, malamig at maganda. Kung tutuusin ay nabura lahat ng mga katanungan na gustong itanong ni Matheo, at nais niya na lamang na maisaayos ang lahat, 'yon lamang ang kaniyang nais.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now