M A T H E O
"Ano? Anong bala?" Tanong ko sa dalawa, nagkatinginan ang mga ito bago inabot ni Epsilon James ang kaniyang bulsa, ipinakita nito sa amin ang basyo ng bala. "Nagpaalam ho ako sa establisyimento na tignan ang balkonahe ng kanilang building, nais ko lang ho sanang may magawa ako para sa misyon na ito.. at 'yan nga ho ang nakita ko. Wala hong masyadong umaakyat sa balkonahe na 'yon ayon po sa mga may-ari." Naaalala kong ipinadala naman roon sina Gonzales at Santos at sinabi ngang walang cctv footage na saklaw sa panloob ng mansyon. "Maganda ang ginawa mo, Epsilon James. Salamat sa pagiging aktibo mo, hayaan mong makabawi ako sa araw na maging opisyal na ahente ka ng sarili mong distrito." Ibinigay nito ang basyo ng bala kay Victoria. "Dismissed." Tugon ko sa mga ito, bahagyang yumuko ang mga ito bago umalis.
Pinagmasdan kong bumalik si Victoria sa upuan nito habang pinagmamasdan nito ang basyo ng bala. "Mga animal nga ang mga humahabol sa buhay ni Fleur Amranth.. hindi na ako magugulat kung may hahabol pang isa." Habang pinagmamasdan nito ang dalawang basyo ng bala ay napaisip ako sa kung sino naman ang maaaring nag-utos na ipabaril ang biktima sa pagkakataon ito. Kahit sino ay maaaring maging suspect.
"Sa anong baril galing 'yan, Victoria?" Tanog ko rito.
"SOCOM300 SPS.. one of the popular silencer weapons in the world, isa 'to sa mga gusto kong makuhang baril.. masama ang basta magbitaw nang salita, pero sasabihin ko na. Sariling dugo mismo ng biktima ang mga nagnanais pumatay rito, kung tutuusin ay lahat nang naroon ay may kinalaman panigurado. Reyes, itabi mo ito, ebidensya 'yan." Ibinigay nito ang basyo ng bala kay Reyes na siyang agad niyang ipinasok sa isang plastic bag."Sino ba ang naiisip mong gumawa n'on? Sino ang pinaghihinalaan mo?" Tanong ko rito bago muling bumalik sa aking upuan. "Ang mga tiyahin at sariling ama rin mismo ng biktima ang pinaka-mamasdan ko nang mabuti, halata naman sa mga galaw nila na natatakot silang mabuking, kailangan lang natin mahanap ang kahinaan nila, para masabi at mahuli sila sa sarili nilang patibong." Sabagay, maging ang sariling mga alalay nga nila ay napaghalataan na dahil sa kaba, kinakabahang mahuli ng batas.
Batay sa mga naitalang report ay gumagamit nga ng ilegal na gamot ang ama ng biktima, walang iba kung hindi si Damon Visokovich. Ilang beses na itong idinala sa rehab ngunit patuloy na bumabalik sa bisyo, at hindi siya nahuhuli dahil sa kilala siyang tao. Sa mga panahon na 'to ay hindi naman namin siya p'wedeng arestuhin lalo na at nakapukaw ang aming atensyon sa pagkakamatay ng anak nito sa karumal-dumal na krimen.'Na maaari ngang siya mismo ang gumawa.'

YOU ARE READING
INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)
Mystery / Thriller🎖️#07 Estate Stories on Wattpad Fleur Amaranth Senclaire Visokovich, heiress to a Russian fuel powerplant empire, exudes mystery and authority. As she nears adulthood, her coming-of-age celebration promises opulence. But tragedy strikes, plunging F...