CHAPTER 26: EXECUTION

4 2 0
                                    

M A T H E O

Nakatulala ako sa paglalakbay namin pauwi, may sinasabi pa si Reyes sa akin pero hindi ko na nagawang makinig. Hindi rin nagtagal ay narating namin ang mansyon, nagaalalang sinalubong ako ng dalawang batang naiwan para magbantay.

Pinilit kong magpaliwanag pero tila ba wala silang maintindihan, kaya lininaw ni Reyes ang mga katagang sinambit ko sa kanila. Hindi makapaniwala ang dalawa na isang espiya si bossing, si.. Victoria.

Dahil sa kadahilanang kailangan naming sumama para sa pandinig na gagawin sa kaso ni Victoria, si Epsilon Lucas muna at ang tatlo pa nitong kasamahan ang nagbantay ng mansyon. Hindi ko maisip na ganoon pala talaga siya, maging sila Reyes at Santos ay tulala sa kawalan. Tanging si Mendoza lamang ang nagsasalita habang nagmamaneho pabalik sa headquarters ng V.E.S.P.I.D. Kung saan rin makikita ang korte suprema nito. nang makarating roon ay nakapila na ang mga nakaparadang sasakyan, pinagtitinginan na rin kami ng ibang ahente mula sa ibang organisasyon. Tila ba parang linta ang kanilang mga mapanghusgang tingin, hindi ko na sila pinansin.

"Alpha, mukhang ang daming nandito ah." Saad ni Mendoza
"Kaya nga." Pagsang-ayon ni Santos.
"Nandito yata ang apat na organisasyon para manood, e." Dagdag ni Gonzales.

Hindi ko na sila sinagot at tanging pumasok na lamang sa loob. Sinubukan kong tawagan si direktor, ang ama ni Victoria na si Isaac Salvador. Hindi ko siya gaanong gusto dahil medyo masungit siya at maramig utos pero sa mga panahon na 'to, marami akong gustong itanong, marami akong gustong malaman.

Habang papasok sa malawak na pasilyo, nakasabay namin ang omega ng distritong labinganim. Si Sarmiento. "O ano? Hahaha! Bakit hindi maipinta yang mga mukha ninyo?" Saad nito at dinuro kami isa-isa, sasagot na sana si Reyes nang pigilan siya ni Mendoza. Tumayo ito sa kaniyang tabi para harangan si Sarmiento, may katangkaran rin si Mendoza habang punggok naman itong si Reyes. Basta talaga punggok matapang.

Dalawang minuto kaming inaasar ni Sarmiento hanggang sa makapasok sa loob, marami nang naroroon at agad napukaw ng aking atensyon si bossing- si Victoria. Na nasa gitna at nakagapos at binabantay ng apat na lalaki, saglit niya kaming tinignan bago kami naupo sa kaniyang may kaliwa.

"Alpha.. naniniwala ba kayong.. espiya si bossing?"
"Hindi ko alam, Gonzales." Sagot ko rito.
"Kung sakaling espiya nga siya, malalagot tayo. Papaano natin hindi napansin na may kalaban na pala?" Tugon ni Santos.

Bulong-bulungan ang mga narinig ko, karamihan sa mga ito ay panglalait sa aking kampo, na kesyo kami raw ang pinaka magaling na distrito at papaanong naging espiya ang namumuno sa akin. Gusto ko mang lumaban ay paano naman? Hindi ba't masama ang loob ko sa kaniya matapos niyang magawa 'yon? Pero bakit nagaalala ako sa kaniya?

Ang iba ay nakatayo pa, pero nagsi-upo na nang dumating ang tatlong hukom. Isa roon ay ang aking lolo, si lolo Max. Magkahalong sakit at tuwa ang sinapit ko sa pangangalaga niya, matapos mamatay nang mga magulang ko, siya na lang ang natirang dapat mag-alaga sakin pero hindi 'yon basta-basta nangyari. Hindi siya nagpakita nang kahit anong pagmamahal at tanging sinabihan akong mag-ensayo at maging magaling, para mabuhay ako.

"Maaari bang ipabatid mo ang iyong pangalan at trabaho?" Tanong ng piskal na sa tingin ko ay si Montemayor, rinig ko e, isa siya sa mga sipsip na ahente ng V.E.S.P.I.D. Madalas ay kumakampi ito habang nagta-trabaho, na minsan ay muntikan na maging dahilan para mawalan siya ng trabaho.

"Inyong kagalang-galang, nais kong umpisahan ang panayam ng akusado. Narito kami ngayon upang kolektahin ang mga nauugnay na impormasyon hinggil sa mga alegasyon ng espionage laban sa akusado." Panimula ni Raul Montemayor, ang piskal nang hukuman. "Naiintindihan, magpatuloy." Tugon na sagot ng aking lolo. Hindi ko mapigilan pero tignan siya maya't-maya, kamukha niya kasi ako.

INHERITANCE OF FEAR (Seriály #01)Where stories live. Discover now