CHAPTER 21

134 4 0
                                    

Fern

Maghapon ay wala akong ginawa kung hindi ang matulog.

Hindi ko pa din magawang kausapin o tinggnan ang lalaking nasa harapan ko na alam kong dahilan kong bakit ako nandito sa hospital.

Nakatingin lang ako sa labas total naman ay nasa mataas na parte kami ng hospital.

Paminsan ay nakikita ko ang reflection ko, Sugatan,maraming benda sa katawan.

But still I'm okay and fine.

"Miss are you okay?I-m sorry."Napatingin ako sa lalaking nagbabalat ng apple.

Matangkad kahit na nakaupo.

Mabango dahil naamoy ko ang napakabangong Scent.

Matangos ang ilong

Makapal ang kilay

Mayroong mapupulang labi.In short pogi.

Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya hindi ko magawang ibuka ang bibig ko bukod sa wala akong gana ay wala din akong gustong sabihin.

"I'm sorry for what I have done."yumuko pa ito ng bahagya.

"I-ts my fault too."tugon ko habang nakatingin pa din sa kaniya.Tumingin ito sa akin saka ngumiti.

Tumingin lang ako sa kaniya walang emosyong makikita sa aking mukha dahil hindi naman ako interasado sa kaniya.

"Pasensya na talaga babawi ako.Gagawin ko lahat mapatawad molang ako."usal nito saka inabot sa akin ang binalatan niyang apple,kinuha ko iyon dahil nagugutom na din ako.Ilang araw ba naman akong walang kain kaya siguro gutom na gutom ako,kaso pinagbawalan akong kumain ng mga pagkain galing sa fast food kaya tiis tiis muna sa prutas.

"Thankyou.Ilang araw na pala ako Dito?"tanong ko saka kinagat ang apple na binalatan niya.

"Dalawang buwan."sagot nito na ikinatigil ko.

Dalawang buwan?dalawang buwan na pala akong tulog?bakit pakiramdam ko isang oras lang?anong nangyare sakin bakit ko hinayaan ang sarili kong matulogg ng ganoon katagal?.

"I need to go na"agad akong tumayo pero maling moves pala yun dahil agad ding bumagsak ang katawan ko dahil sa matinding panghihina.

Pero hindi ko naramdaman ang sahig bagkos ay isang malaking bisig ang naramdaman kong sumalo sa akin.

"Magpahinga ka muna"turan nito para akong nahipnotismo sa boses niya.

"After mong makapag pahinga sasamahan kitang lumabas.Ako na ang bahala sa bills."Seryoso na ito kaya naman tumango nalang ako.

Tumigil ako sa pagkain dahil sa  dami ng pumapasok sa utak ko gaya ng mga tanong na,paano na ako after this?hinahanap Kaya ako sa amin?may pakealam paba sila sa akin? sumasakit lang ang ulo ko kakaisip pero isang bagay lang ang kailangang kailangan ko Ngayon walang iba kung hindi ang trabaho.Wala ng pride pride dito bahala na.

"I need a work may alam ka?"tanong ko saka diretsong tumingin sa mga mata niya, Ngayon kolang napansin na asul pala ang kulay ng mga yun parang dagat sa sobrang ganda.

"Sure.May alam ako at pwedeng pwede ka doon"napangitii ako dahil sa sinabi niyang iyon.

"Btw Raj nga pala."inabot pa ang kamay sa akin.

"Fern"ngumiti pa ako saka inabot ang kaniyang  kamay.

Ilang minuto pa kaming nagusap at nalaman ko na nasa Batangas na pala ako dahil hindi kinaya ng doctor ang nangyare sa akin kaya dinala niya ako Dito sa batangas.Palagay ko ay malaking tulong din ito para maitago ko ang sarili ko sa kanilang lahat lalo na kay Sean.

Marami kaming napagusapan at isa na doon ang pagaayos ko ng aking sarili,gusto kong baguhin Ang physical appearance ko para na rin walang ibang makakilala sa akin,new life new me.

"I need to go na.Magpahinga kana muna dito hah bukas ay babalik ako at kapag ayos na ang pakiramdam mo ilalabas na kita dito"saad nito tumango nalang ako dahil wala naman na akong masasabi pa.

Sa sandaling nakasama ko siya ay naging close na agad kami ngunit nandon pa din ang agam agam na baka nagsisinungaling na din siya kaya hindi pa ako ganun ka lagay ang loob sa kaniya,ayokong mabiktimang muli ng kasinungalingan na yan.I am now Improve and Intelligent,hindi na nila ako maiisahan pa.

Humanda kayong lahat dahil nandito na si Fern Ramos 9.0 version mas pinatalino.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga at sa oras na bumalik ang lakas ko sisiguraduhin kong hinding hindi na nila ako mahahanap pa.Sinusumpa ko.

ESCAPE(Dangerous obsession series #1)Where stories live. Discover now