CHAPTER 24

121 4 0
                                    

Fern

Masaya ang naging usapan namin nabusog din ako ng masasarap nilang pagkain in short sobrang nag enjoy ako.

"Oh nandito na pala tayo!"tumigil kami sa tapat ng isang bahay na medyo may kalakihan.

"Dumiretso kana sa kwarto mo agad hah! bukas ay dadaanan kita dito."nakangiti pa ito habang binubuksan ang pinto ng kotse niya.

"Thankyou...Sobra akong mag enjoy"nakangiti pa ako habang nagsasalita.

"Your welcome!paano una na ako."tugon nito bago pumasok sa kaniyang sasakyan tumango nalang ako saka kumaway..

Maya maya pa ay biglang nag ring ang cellphone ko agad rumihestro ang kaba ko lalo na noong makilala ko ang tumatawag.

Si Sean..........Pinatay ko agad ang cellphone ko dahil wala akong balak sagutin iyon ayoko na sa kanilang lahat they are all fake......Agad kona ding sinira ang simcard nang cellphone ko para wala na talagang makahanap sa akin.

Tahimik na ang loob ng makapasok ako,simple lang ang pagkakaayos ng mga gamit may isang bed sheet na Sakto lang ang laki,mayroon ding banyo kaya masasabi kong solid ang 5,000 a month na renta.

Humiga muna ako sa kama saka ibinaba ang bag na dala dala ko na naglalaman ng mga gamit ko mabuti nalang at hindi nasira noong nakasidente ako.Pinalabhan na din pala iyon ni Raj kaya wala na akong problema pa.

Maya maya pa ay naramdaman konalang ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata  kaya hinayaan konalang ang sarili kongg makapag pahinga.

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko kaya dali dali akong bumangon ayoko namang malate ako sa first day ko sa trabaho kaya dali dali akong bumangon at dumiretso sa banyo upang gawin ang morning routine ko,nakakapanibago dahil hindi kona kailangan pang mag igib pero atleast less pagod na din.......

Matapos maligo ay lumabas na ako naabutan ko pa yung babaeng naghahanda ng pagkain, bigla ko tuloy naalala si mama.

"Magandang umaga Iha! kain kana."bungad nito noong makita ako nginitian ko naman siya at agad umupo.

"Lourdes nga pala!"pakilala niya habang nagsasandok ng kanina.

"Fern po!"sagot ko naman.

"Siya nga pala anim tayo dito pero mag isa kalang sa kwarto kase ikaw lang ang babae dito, binilin ka din sa akin ni sir Raj kaya sagot kita"ngumiti pa ito ng ubod ng tamis.Hindi ko alam pero naalala ko sa kaniya si mama.

"Oh ayan na pala sila e"maya maya ay lumabas yung apat na lalaki nakaboxer shorts silang lahat kaya nag iwaas ako ng tingin.

"oh boys magpakilala na kayo sa bago nyong makakasama."Turan ni nanay lordes ako naman ay nanatiling nakatungo dahil nakakailang ang suot maya maya pa ay nakita konalang na nagtatakbuhan sila pabalik sa kanilang kwarto.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ulit silang apat nakadamit at short na sila kaya nagawa kona silang tinggnan at omg lahat sila ay gwapo walang itatapon.

ngumiti ako sa kanilang apat "Hi I'm Fern, Fern Ramos"nakangiti kong saad.

Kumaway naman yung apat saka matamis na ngumiti pero kapansin pansin yung isang lalaki na seryoso lamang na nakatingin sa akin.

"Hi I'm Astral!"Sabi nong lalaking matangkad na medyo blonde ang buhok.

"Kenan!"yung lalaking maputi at medyo singkit.

"Eli short for Elizardo"sabi naman noong lalaking medyo moreno pero bagay na bagay ang kulay ng balat niya.

"Dem!"malamig na saad noong isa saka umupo.

"Nice to meet you all!"saad ko saka ako nagsimulang kumain baka malate pa ako..

Matapos kumain ay ako na ang naghugas ng kinainan namin habang yung apat naman ay nasa sofa inaantay akong matapos sakto naman at natapos ko agad ang paghuhugas kaya sabay sabay na kaming lumabas.

Nasa Gitna nila akong apat para tuloy akong prinsesa.

Nasa kanan ko si Astral at kenan nasa kaliwang side ko naman sina Dem at Eli maingay sila sa daan kaya enjoy na enjoy ko sakto naman at malapit lang yung restaurant na papasukan ko dahil idinaan na ako ni Raj Dito kahapon kaya hindi na ako maliligaw.

"Babye mamaya ulit hah!kwentuhan tayo."pahabol ni kenan,sobrang kulit niya pero ang cute kase napaka galing niyang magpatawa, third year college na sina Eli at Dem si Kenan naman at Astral ay second year,pare parehas din silang engineering.Mabuti nalang at walking distance ang layo ng school sa boardinghouse tapos madadaanan mona nila ang restaurant bago Sila dumating sa school kaya sure akong magiging masaya ang bawat araw ko.

Masaya akong nakarating sa restaurant.Malapit na ang school nila kaya nagpaalam na ako baka kase maging dahilan pa ako ng pagiging late nila.
"Sige ingat kayo."kumaway pa ako bago pumasok sa loob doon ay naabutan kong nagsisimula na silang lahat magtrabaho.

This is it Fern you can do this!!Laban.Bulong ko bago magsimulang magtrabaho bilang dishwasher at waiter,ayaw pa sanang pumayag ni Raj pero dahil mapilit ako wala din siyang nagawa..

This is the beginning of my journey and I will make this beautiful.Bulong ko bago ko sinimulan ang aking trabaho.

ESCAPE(Dangerous obsession series #1)Where stories live. Discover now