CHAPTER 29

122 3 0
                                    

Fern

Nakahiga ako sa aking kama tahimik na din ang paligid nakakatanggal ng pagod.

Hindi ako makatulog kaya agad kong kinuha ang cellphone nag scroll lang ako sandali hanggang sa may mag message sa akin, Hindi familiar ang account kaya hindi konalng pinansin hanggang sa bigla itong magsend ng picture,at ng tingnan ko kung ano iyon ay agad nalaglag ang cellphone ko saka ako tumakbo palabas doon ay naabutan ko si Dem na naglilinis ng mesa dahil sa matinding takot ay agad ko siyang niyakap at doon sa kaniyang dibdib ay umiyak ako na parang bata.

"What happened??"tanong nito habang hinahagod ang likod ko.

"Anong nangyari dito?"si Kenan

"Okay lang ba siya?"Si Eli

"Hoy anong ginawa mo sa kaniya!"Sigaw naman ni Astral at dali daling pumunta sa pwesto namin.Ngayon ay kasama kona silang apat.

Hindi ako sumagot nanatili lang akong tahimik habang patuloy na tumutulo ang mga luha.Nangangatal na din ang tuhod ko.

"Ano ba talagang nangyare?"si kenan habang Seryosong nakatingin sa akin, isang linggo na ako dito pero ngayon ko lamang siya nakitang naging seryoso.Nakakatakot ang awra niya kapag Seryoso.

"K-unin mo yung C-elllphone ko."utos ko na  agad namang ginawa ni Kenan at noong lumabas ito ay narinig kopa ang mahina nitong pag mura.

"Shitt sinong may gawa nito?"tanong niya saka ipinakita ang picture sa apat.

Katulad ng reaksyon ni Kenan ay napamura din silang tatlo,nakita ko pa ang pagyukom ng kamao ni Dem.

PICTURE NG PUGOT NA ULO NI PAPA ANG NAKALAGAY HABANG NAKAPATONG SA ISANG CONTAINER,MAY NOTE PA NA IKAW NA ANG ISUSUNOD KO HABANG NAKATURO SA LITRATO NI MAMA.

Iisang tao lang ang kilala kong kayang gumawa ng bagay na yun at hinding hindi ako pwedeng magkamali.Si Sean lang ang kayang gumawa ng kademonyohan na gaya nun.Hayop siya magbabayad siya.Wala siyang awa,hindi na siya naawa Kay papa p*tang ina niya.

Sean Ezekiel POV

Prente akong nakaupo habang pinagmamasdan ang Wala ng buhay na si Armando.

Akala ba niya hindi ko malalaman na pinatakas niya si Fern.Dapat lang sa kaniya yan,isa pa malaking tulong ang ulo niya para bumalik sa akin si Selene.

Matapos kung isend ang picture kay Fern ay naghugas muna ako ng kamay,hinugasan kona din ang ginamit kong Katana.The smell of blood is so damn good.Nakakaadik parang ang sarap inumin.

Katulad ng inaasahan ay hindi ako nakatanggap ng repsonse pero naseen niya iyon,ngayon ay sigurado akong nangangatal na ang kaniyang tuhod sa takot.Wag mong hayaan na ako pa ang makahanap sayo Fern dahil sisiguraduhin kong madaming tao ang mamatay oras na Makita kita.

Kinuha ko ang ulo ni Armando na nakapatong sa container at agad itinapon sa kung saan nakita kopang may lumapit doong aso at kinain,"Edi napakinabangan kapa!"usal ko saka hinila ang katawan niya upang itapon sa kagubatan.

"Ili ili tulog anay"Pagkanta ko sa paborito kong lullaby,tanging tunog lamang nang paglakad ko ang maririnig.Noong makakita ako nang tamang pwesto para sa katawan ni Armando ay iniwan kona yun don.

"See you soon papa"Usal ko bago ko tuluyang sunugin ang bangkay niya.

Matapos kong idispatya si Armando ay tinawagan ko si attorney.

"Hello attorney!"bungad ko saka prenteng umupo sa swivel chair na punong puno ng dugo.

"Ohh hi Mr. Velazquez"sagot nito kaya naman agad rumihestro sa akin ang saya.

"Kamusta ang ipinapagawa ko?"

"Give me 2weeks para tapusin ang mga papel para sa pagbili mo sa isla"seryoso ang boses nito.

"Okay."sagot ko saka ibinaba ang tawag.

"Kaunting kaunti nalang Fern mahahanap din kita!at oras na mahanap kita sisiguraduhin kong uubusin ko ang mga taong tumulong upang makatakas ka."

Tumayo na ako dahil aattend pa ako ng meeting ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"What do you need?"Seryosong tanong ko.

"Mukhang ikaw ang may kailangan sa akin Sean"natatawa pa ito.

"Spill it!ayokong mag aksaya ng oras sayo."Galit konang saad pero tawa lang ang isinukli niya.

"Kung Wala kang mahalagang sasabihin wag mo akong guluhin"usal ko,akmang ibaba kona ang tawag ng magsalita ito.

"I found her,I found Fern Ramos.Your lovely girl.At alam moba kasama ko siya kanina lang!"Sagot nito na naging dahilan para matigilan ako.

Napangisi ako dahil sa narinig "Okay.I will fetch her as long as I can"Seryosong saad ko saka tuluyang umalis sa warehouse ko.

"Mukhang pabor sa akin ang tadhana Selene.Pasensya na dahil natalo nanaman kita, Hindi ka talaga magaling Magtago."Usal ko saka tumawa na parang isang demonyo.HAHAHAHHAHAHAHHA
.NGAYON AY IPAPARAMDAM KO SA INYO ANG IMPYERNO SELENE,IPAPARAMDAM KO LALO NA SAYO.HUMANDA KA.

ESCAPE(Dangerous obsession series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon