CHAPTER 3

166 5 0
                                    

CHAPTER 3


"WHAT'S HAPPENING HERE?"

Isang nakakatakot na boses ang nag patigil sa mga babae sa ginagawa nila.

Hindi ko alam pero napangiti ako ng maaninag kung sino ang nasa harapan ko.

"Cy..."

Nakita ko pa ang pag lapit sakin ng lalaki at ang pag aalalay niya sakin para maka upo.

Kulay itim ang buhok niya, Kulay abo na mga mata, matangos na ilong at perpektong hugis ng labi.

Naka suot ng sya ng kulay itim na school uniform na mas naka dagdag sa kagwapohan niy- What?

He looks like Zach but I know he's not him.

"Cyruz ikaw ba yan?" nanghihinang tanong ko pero tumawa lang sya na ikina tigil ko.

"I can say that I'm Cyruz but Ms. Hindi ko alam kung sino samin ng mga kapatid ko ang tinutukoy mong cyruz" tumatawang sabi niya na ikina tigil ko.

Mga kapatid?

"Sino ka ba?" mahinang tanong ko pero umiling iling lang sya at binuhat ako na parang pang kasal.

Hindi na ako nag inarte pa dahil nanghihina na ang buong katawan ko.

"Hindi na mahalaga kung anong pangalan ko. Ang mahalaga ngayon ay madala kita sa clinic" rinig kong sabi niya habang karga karga ako. Napatingin ako sa mukha nya na malapit sa saakin.

Hindi sya si cyruz at hindi rin sya si zach. Pero sino sya? bakit kamukha nya yong dalawa?

Napatigil ako sa pag iisip ng maramdaman ko ang pag lapat ng katawan ko sa malambot na kama kaya napa balik ako sa wisyo.

Nasa clinic na pala kami. Isang nurse na may dala dalang first aid kit ang bumungad sakin.

Lumapit sakin ang nurse at nag simulang gamutin ang mga sugat na ngayon ko lang napansin at naramdaman.

"Bullying?" tanong ng nurse sakin habang ginagamot ang sugat ko.

Tumango tango lang ako bilang pag sagot at pinanood nalang syang gamutin ako.

Hindi ko alam pero hindi ako maka ramdam ng kahit anong sakit habang ginagamot nya ang sugat ko, parang namanhid na ang katawan ko dahil sa mga nangyayari ngayon saakin.

Nang matapos gamutin ng nurse ang mga sugat ko ay sinabihan nya akong mag pahinga muna dito sa clinic ng ilang oras at pag katapos ay umuwi na muna ako para maka tulog ako ng maayos.

Sinabi rin nya na sya na ang mag sasabi sa dean sa mga nangyari kaya bukas na daw ako pumasok.

Kaya naman eto ako nakahiga sa kama sa clinic at naka tulala sa puting kisame. Sinubukan ko pang hanapin sa paligid yong lalaking nag dala sakin dito na kamukha ni cyruz at zach pero wala na sya.

Muli nanamang pumasok sa isip ko ang mga nalaman ko.

Wala na si cyruz.

Namatay siya ng dahil saakin, pero hindi ako tulad ng ibang babae na mag mumukmok nalang sa isang tabi at walang gagawin.

Sinabi ni zach na pinatay ang kakambal nya dahil iniligtas ako.

Ngayon ang kailangan kong malaman ay kung sino ang pumatay dahil gusto ko ako mismo ang mag papahirap at papatay sa taong yon.

Kahit na nanghihina pa ang katawan ko ay pinilit kong bumangon.

Lumabas ako sa clinic at hinanap si zach pero wala sya kahit saan ako mag punta.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon