CHAPTER 89
MCKENZIE'S POV
Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Imunulat ko ang mga mata ko at natigilan ako ng bumungad saakin ang madilim na lugar kung nasaan ako.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa dahil parang naparalyze 'yon. Mukhang may kung anong itinurok saakin ang mga hayop na kumuha sakin.
Tiningnan ko naman ang mga katabi ko at nakita ko si mom, zach, vivine at florence na walang malay. At dahil si zach ang pinaka malapit sakin ay siya ang una kong ginising.
"Zach, Wake up" pag gising ko sakanya sa mahinang boses dahil nanghihina ako parin ako. Naka hinga naman ako ng maluwang nang mag mulat ang mga mata niya.
Nang mag tagpu ang mga mata namin ay agad siyang bumangon at akmang lalapitan ako pero agad ko rin siyang pinigilan at itinuro sila mom. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil ginising niya sila mom at isa isang tinanggal ang mga tali nito.
Tanga lang ang nag dala saamin dito dahil hindi niya itinali si Zach.
"Charm" rinig kong sabay sabay na pag tawag sakin nila mom at nilapitan ako. Inalalayan naman ako ni zach paupo.
"Mom.." mahinang pag tawag ko kay mommy at mahigpit siyang niyakap.
"Mabuti naman at ligtas kayo." ani ko at humiwalay na sa pag yayakapan namin. Inilibot ko naman ang paningin ko para hanapin so Seirra at Mavie pero wala sila.
"Where's Seirra and Mavie" tanong ko kila florence.
"Ini hiwalay sila saamin ni gregory" mahinang sagot ni mom. Mag sasalita pa sana ako pero biglang bumukas ang pinto at pumasok don si gregory na naka ngisi habang naka tingin saamin.
"Mabuti naman gising na kayo" nakangising sabi niya. Itinago ko naman ang tatlong babae sa likod ko at si zach naman ay pumunta sa harapan ko.
"Playing knight, zach? Mag kakampi tayo nalimutan mo na ba" sabi niya habang naka tingin kay zach pero umiling lang ang zach.
"Nasaan 'yong dalawa?" malamig kong tanong kay gregory na ang tinutukoy ay si seirra at mavie.
Matagal naman siyang tumitig sakin na para bang inaalam kung sino ang tinutukoy kong dalawa. Pero agad rin siyang ngumisi saakin. "Ayon 'yong isa hindi ko masaktan dahil apo ko pala ang dinadala at 'yong isa naman masyadong matabil ang dila kaya ayon nahampas ko ata ng kahoy" malakas siyang tumawa pag katapos sabihin yon na ikina singhap ko.
Biglang kinain ng galit ang buong sistema ko. Gusto ko siyang sugurin at patayin ngayon lalo't wala siyang kasama pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.
"Bakit hindi mo ako atakehin?" mapang asar niyang tanong at nag lakad palapit saamin.
Mahigpi ko namang hinawakan ang kamay ni mom pero nagawa parin niyang hilahin palayo sakin si mom. "Bitawan mo siya kung mahal mo pa ang buhay mong hayop ka" malakas kong sabi pero tinawanan niya lang ako at hinawakan sa pisngi ni mom na mas lalong ikina init ng ulo ko.
"Don't touch my mom" malakas kong sigaw sakanya at pinilit na tumayo pero natumba lang ako na mas lalong ikina lakas ng tawa niya. Naiyukom ko nalang ang kamao ko nang makita kong umiiyak na si mom.
Tiningnan ko naman si zach na nag mamakaawa. "My mom please help her, zach" pag mamakaawa ko sakanya at namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako. Pero hindi pa nakaka tayo si zach nang bigla siyang matumba at kasabay non ay ang pag putok ng baril.
"ZACH!" malakas kong hiyaw nang makita kong tinamaan sa balikat si zach. "Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ko. Tumango lang siya.
"Hayop ka talaga" hiyaw ko kay gregory.
"Matagal ko ng alam pamangkin ko" naka ngising sabi niya. Akmang hahawakan niya pa ulit si mom pero pinilit kong tumayo.
Nanghihina ang buong katawan ko pero nagawa ko paring agawin sakanya ang baril na hawak niya at malakas ko siyang itinulak na ikina tumba niya at ikina walan ng malay.
Agad ko namang pinuntahan si mom at inalalayan siya sa pag tayo. Nilapitan ko rin si Vivine at Florence na ngayon ay naka tulala lang. "Lumabas na kayo" utos ko sakanila. At inalalayan si Zach sa pag lalakad.
Pero sabay sabay rin kaming natigilan ng bumukas ang pinto at bumungad saamin si Nicholas at Michael. Tiningnan lang nila ako at saka tiningnan din si gregory na walang malay.
Nakahiga ako ng maluwag dahil nakita ko si nicholas na matagal ko ng kasabwat sa lahat ng plano namin. Siya ang nag hanap kay Ignacio bemont.
Tiningnan ko si michael. Akala ko ay may gagawin din siyang masama saamin kaya nagulat ako ng alalayan niya pa si mom sa pag lalakad.
"Bilisan nyo na" malakas niyang sabi.
Naka lapit naman kami sa isang kotse at agad ko silang pinapasok don. Tiningnan ko naman si michael na naka sakay sa driver seat at si nicholas na katabi niya. "Dalhin nyo sila sa hospital. Keep them safe for me."
Utos ko sa kanila. "Pero pano ka?" tanong ni michael.
"Kaya ko naman ang sarili ko. Kailangan kong malaman kung nasan si Seirra at Mavie." sagot ko.
Tiningnan ko naman si zach na ngayon ay nanghihina na. "Alis na" malakas kong sabi tumango naman si michael at pinaandar na ang van.
Habang papalayo ang van ay naramdaman ko ang presensya ng isang tao na papalapit saakin. Hindi na ako nagulat nang makita ko si gregory na naka ngising naka tingin saakin.
"Saan mo dinala si seirra at mavie?" walang emosyong tanong ko sakanya. Humalakhak naman siya at tinutukan ako ng baril pero hindi ako gumalaw.
Kailangan kong mahanap si Seirra at Mavie. Sila nalang ang nag papasaya at nag bibigay ng kabuluhan sa buhay ng dalawa kong kapatid kaya kailangan ko silang protektahan.
"Nasan sila?" muling tanong ko sakanya at sinipa ang hawak niyang baril. Naging mabilis ang kilos ko at napatumba ko siya.
"Saan mo sila dinala?" madiing tanong ko at itinutok sa ulo niya ang baril. "Kahit patayin mo ako hindi mo malalaman" wika niya na mas ikina init ng ulo ko.
Kakalabitin ko na sana ang gatilyo pero isang malamig na bagay ang naramdaman kong bumaon sa tagiliran ko kaya nabitawan ko ang baril ko.
Nang hihina akong natumba sa damuhan at napa hawak sa tagiliran ko na may saksak ng kutsilyo. Hinugot ko ang kutsilyo sa tagiliran ko at napa ubo nalang ako ng dugo dahil don.
Tangina! Hindi pa ako pwedeng mamatay hanggang hindi ko nahahanap sila Seirra.
Nang hihina akong tumayo pero agad din akong natumba dahil sa sobrang sakit ng saksak na natamo ko. Nag angat naman ako ng tingin at nakita ko si gregory na naka ngisi lang sakin.
"Sa wakas ay makaka ganti na rin ako sa ama mo" ani niya at tinutukan ako ng baril. Napapikit nalang ako dahil don pero ilang minuto na akong naka pikit ay wala akong narinig na putok ng baril.
Agad naman akong nag mulat at nakita ko si gregory na wala ng buhay at may saksak sa leeg. Iniangat ko ang ulo ko at isang pamilya na tao ang nakita ko.
Naramdaman ko nalang na binuhat niya at ako. Mabilis ang galaw niya at ipinasok ako sa loob ng kotse. Nanlalabo na ang paningin ko pero alam kong siya 'yon.
My Mighty Warrior, Savior and Strenght.
"Don't sleep, Reyna ko"
BINABASA MO ANG
SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)
Teen FictionDESCRIPTION Mckenzie Charm Hestia France Strazza Villamerious SHE IS THE QUEEN