CHAPTER 67

51 3 0
                                    

CHAPTER 67


"I already know who's Semreh and he's your twin brother. Mckenzo Hermes Villamerious"

Habang nag lalakad pabalik sa classroom namin ay naka tulala lang akong nag lalakad. Paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang sinabi ni Ivough at ang mga iba pang sinabi ni Shadow. Hindi matanggap ng sistema ko ang mga narinig ko.

Hindi lang ako maka paniwalang sinubukang ipapatay ni Kenzo ang mga kaibigan ko. Alam ko naman ang rason niya pero nasasaktan parin ako. Una si kuya francis, gustong gusto akong patayin dahil sa Gamot at ngayon naman si kenzo. Ano may susunod pa ba?

Iisa isahin ba talaga ang mga kapatid ko?

"Charm, Mabuti naman nandito kana" bungad saakin ni Cloud na nag aalala ang boses. Mukhang naunahan pa nila akong bumalik dito ah.

Agad namang hinanap ng mga mata ko ang isang tao na kailangang kailangan ko ngayon. Dumapo ang mga mata ko sakanya.

Dumudugo ang gilid ng labi niya na mukhang galing sa suntok. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon at parang kailangan ko ng yakap kaya agad akong nag lakad papalapit sakanya.

"Baby.." rinig kong pag tawag sakin ni Zach pero walang emosyong ko lang siyang tiningnan at nilampasan saka niyakap ang lalaking katabi niya.

"I'm here, charm" ang malambing at maamong boses niya ang nag paiyak saakin.

Matagal ko ng alam pero hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Nag bubulag bulagan lang ako pero ngayon napaka raming ebidensya na ang ini harap saakin ni Shadow at parang sinampal ako ng katotohan dahil don.

"K-Khael it hurts..." nag sisimula ng gumaralgal ang boses ko dahil sa pag iyak. Naramdaman ko namang natigilan siya at humiwalay sa pag kakayakap sakin para tingnan ako. "Saan ang masakit? Tell me" nag aalang sabi nya na mas lalo kong ikina iyak.

"My heart hurts.." umiiyak kong sabi habang paulit ulit na sinusuntok ang dibdib ko na sobrang sakit dahil sa mga nalaman ko. "A-Akala ko m-malakas na ako b-but I'm n-not. I'm s-such a s-stupid g-girl"

"Hey, don't say that. You're strong and I know that" pag papatahan niya saakin.

"I can't take the pain anymor–" Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang nanghina ang tuhod ko at napa luhod ako sa sahig.

Nakita ko naman na tutulungan sana ako sa pag tayo ni khael pero hindi nya na nagawa dahil bigla siyang sinuntok ni Zach na agad naman niyang ginantihan.

Masyadong nanghihina ang tuhod ko kaya hindi ko sila mapigilan. Naramdaman ko nalang na may humawak ss tig kabilang braso ko at inalalayan ako sa pag tayo. Nang tingnan ko naman kung iyon ay nakita ko si Ivough at Cloud na parehong nag aalalang naka tingin saakin.

I don't know why but this scene is familiar to me. I can feel it. Something bad will happen.

At tama nga ang hula ko. Kahit na nanghihina na ang buong katawan ko ay nakita ko parin ang pag pasok ng dalawang tao sa classroom namin.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ng dalawang dumating. Nag lakad sila pareho palapit kay Zach at khael na ngayon ay nag aaway na.

Naramdaman ko naman ang pag lapit saakin ng mga kaklase namin na para bang pinoprotektahan ako dahil lahat sila ay naka palibot saakin.

"Mom, dad" sabay na sabi ng kambal.

Nagulat naman ako ng biglang sampalin ni Mrs. grant si khael. "How dare you hurt your brother. Ano balak mo ring patayin ang kakambal mo tulad ng pag patay mo kay cyruz? It's your fault why he died at ano isusunod mo naman si Zach ha?" malakas pang sigaw ni mrs grant kay khael na ikina singhap ko at ng lahat ng nandito sa classroom.

At mas lalo pa akong napa singhap sa gulat ng si Mr. Grant naman ang sumampal kay Zach. "You ruined everything" malakas na sabi nito kay zach at may mga ibinatong litrato.

Lalapitan ko na sana sila pero isang kamay ang pumigil sakin at nang tingnan ko kung sino yon ay nakita ko si dad na walang emosyon ang mukha at sa katabi nya ay ang isang lalaking pamilyar saakin.

"Wag kang makialam sa kanila Mckenzie Charm" maawtoridad na sabi ni dad kaya agad akong napa tayo ng tuwid.

"Dad ano bang nangyayari?" tanong ko sakanya.

"See for yourself" malamig nyang sabi at may mga litratong iniabot saakin pero hindi ko kinuha ang mga hawak niyang picture dahil alam ko na kung ano 'yon. At kung makikita ko lang ulit baka mas lalo lang akong manghina.

"Who gave you this, dad?" nang hihinang tanong ko sakanya pero tiningnan lang nya ako ng napaka lamig.

Alam kong hindi iyon nanggaling sa isa sa mga kapatid o pinsan ko dahil nangako sila saakin na hindi nila sasabihin kay dad ang mga nalaman nila sa pag iimbestiga.

Kaya kung hindi sila sino? Napunta naman ang tingin ko sa lalaking kasama ni dad. He's smiling while looking at me.

Parang tuwang tuwa at proud na proud pa siya sa mga nangyayari ngayon.

"The Wedding is off. The Villamerious family are now cutting ties with Grant Family." Ang malamig at malakas na boses ang ikina kuha ng atensyon ng lahat.

Lahat kami ay naka tingin lang sakanya. Ang mag asawang Grant naman ay naka tingin lang kay dad na para bang hindi maka paniwala.

"That jerk hurts my daughter and I will not let it slide" muling sabi ni dad gamit nag malamig na boses. Nanlamig naman ang buong katawan ko nang mag labas si dad ng baril at itinutok yon kay Zach.

No!

"Dad, Please" pag mamakaawa ko sakanya at hinawakan siya sa kamay pero tiningnan nya lang ako ng napaka lamig at handang handa nang kalabitin ang gatilyo pero agad akong lumuhod sa harapan niya na mukhang ikina gulat ng lahat.

"I love him, dad" naka luhod kong sabi gamit ang malamig na boses. Hindi ako pwedeng umiyak at hindi ko sakanya pwedeng ipakitang nasasaktan ako ngayon dahil baka mas lalo nyang barilin si Zach and I know dad. He doesn't know how to joke.

"Ilang buwan mo palang siyang nakakasama, Mckenzie Charm" malakas niyang sigaw saakin pero hindi ako nag patinag.

Matapang kong hinarap ang mga mata niya at nag salita. "I love him so please don't kill him. I can't imagine my life without him, dad"

"He's not Cyruz. Hindi siya ang Cyruz na minahal mo noon, Mckenzie. Alam kong naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo dahil mag kamukha sila ni Cyruz but he is not him" madiing ani niya na ikina tigil ko.

Cyruz...

"Makikinig pa sana ako kung si Luhan ang dahilan ng pag luhod mo." dagdag pa niya na mas lalong ikina tigil ko. Walang emosyon ko siyang tiningnan at tumayo na mula sa pag kaka luhod.

"Just this once, dad. Let me live a happy and free lif–"

Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko nang maka rinig kami ng putok ng baril at ang kasunod non ay ang pag bagsak ko sa sahig. Nasapo ko nalang ang tagiliran ko nang maramdaman ko ang pag kirot non.

Narinig ko naman ang singhapan ng mga kasama ko at ang pagiging alerto nila dad.

Kahit na sobrang sakit ng tagiliran ko ay nagawa ko paring tumayo dahil sa pag alalay saakin ng pamilyar na lalaking nasa kalapit ko lang. It's him the Villamerial Guy.

Akala ko ay isang bala lang pero tatlong sunod sunod na putok ng baril nanaman ang narinig ko at parang nag slow motion ang lahat dahil ramdam na ramdam ko ang pag tama ng tatlong bala ng baril sa kung saang parte ng katawan ko.

Naramdaman ko nalang na matutumba na ako sa sahig pero agad akong nasalo ng lalaking katabi ko. Naramdaman ko ang pag lutang ko sa ere kaya alam kong buhat buhat na niya ako ngayon.

"Zach..." mahinang pag tawag ko sa pangalan ng lalaking nakita kong naka tingin lang saakin pero nandon lang siya sa kabilang gilid at naka tingin saakin na para bang gulat na gulat. Sinubukan ko pang mag salita pero napa ubo nalang ako ng dugo.

THEN EVERYTHING WENT BLACK

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon