CHAPTER 79

56 3 0
                                    

CHAPTER 79

Mckenzo's POV

"May sekreto bang relasyon ang dalawang 'yan at ganyan ka close sa isa't isa?"

Nakuha ng sinabi ni hendrix ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko naman ang tinitingna niya.

Naka titig lang siya kay twin at luhan na ngayon ay mag katabi sa upuan ng private plane kung nasaan kami. Nag kukulitan lang ang dalawa at panay ang tawa.

"Palagi naman silang ganyan kapag nag kakasama sila. Mukhang namiss nila ang isa't isa dahil matagal silang nag ka hiwalay" sabi ko.

"Does that guy like mckenzie?" tanong naman ni hendrix kaya nangunot ang noo kong napa tingin sakanya. May gusto ba talaga siya sa kakambal ko?

"He is charm's lucky charm, bestfriend, eating buddies, pillow, crying shoulder and special someone. Silang dalawa lang ang nakaka intindi sa isa't isa kaya nag tataka ako kung bakit hindi pa siya kay luhan na inlove." mahabang sagot ko.

Bumuntong hininga naman ako at tiningnan ulit ang dalawa. Parang ang saya saya nila. Kayang pasayahin at pakalmahin ni luhan ang kakambal ko kaya talagang gusto ko siya para kay Charm kaso parang hindi naman nila gusto ang isa't isa.

Dati ay ayaw ko kay luhan dahil napaka misteryoso niya. Napaka lamig ng boses niya at palaging seryoso ang mukha niya pero nang malaman ko na siya ang kababata ng kakambal ko naka hinga ako ng maluwag.

Parang ibang Luhan Grant na ang nakikita ko ngayon dahil pag dating kay Charm ay palagi siyang naka ngiti at mahinahon pero kapag wala si charm. He's scary as hell.

Hindi ko alam kung alam ba ni Charm ang tunay na ugali ni luhan pero sigurado naman akong kahit malaman niya ay walang mag babago sa pag kakaibigan nila.

"Why do i feel like he's dangerous and mysterious? He's smiling but i can feel his dark aura. Parang hindi siya gagawa ng mabuti. Can we really trust him?" may halong pag dududang wika ni hendrix habang kunot na kunot ang noo.

"He's still a mystery to me. But we can trust him because charm is important for him and he will never hurt her" sagot ko.

Hindi naman na nag salita si hendrix pero nakikita ko parin ang masasamang tingin niya kay luhan kaya napa iling iling nalang ako at nag suot ng headphone.

"Hoy kayong dalawa jan" malakas na pag tawag ni hendrix kay charm at luhan na ikina tigil ko sa pamimili ng kanta.

Nakita ko naman ang pag lingon ng dalawa kay hendrix. "Umamin nga kayong dalawa. May relasyon ba kayo?" pang uusisang tanong ni hendrix sa dalawa.

Ako naman ay napa buntong hininga nalang at pinakinggan ang magiging sagot ng dalawa dahil curious din ako.

Akala ko ay sasagot ang dalawa pero hindi pala. Naka titig lang silang dalawa kay hendrix na para bang may sinabing hindi magandang bagay si hendrix.

"We're friends" si luhan ang sumagot.

Napangiwi naman ako dahil parang labag sa loob niya ang sinabi niya. "Friends? Just friends?" parang naniniguradong sabi pa ni hendrix.

"Hendrix, SHUT UP!" malakas na sigaw ni charm na ikina gulat ko. Halata namang nagulat rin si hendrix sa pag sigaw sa kanya nito.

Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako pero nakita ko ang pag daan ng sakit sa mga mata niya.



Hendrix's POV

Nanatili nalang akong tahimik buong byahe dahil sa pag sigaw saakin ni mckenzie. Hindi ko alam na ganito pala kapag nasigawan ka ng taong mahal mo na matagal mo nang hinahanap.

Hindi ko magawang tumingin sakanya ng tuwid hanggang sa makababa kami ng private plane ay tahimik lang akong sumunod sakanila dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Sa iisang sasakyan kang kami sumakay na lima. Ang driver ay ang butler ni Mckenzie. Katabi ko si Mckenzo at mag katabi naman si luhan at Mckenzie. I sometime wish na sana ako nalang si luhan para kaya niyang makipag tawanan saakin.

"Don't mind her. Masanay ka na sa ugali niya dahil palagi siyang sumisigaw. Ayaw niya kaseng tinatanong siya kung mag kaibigan lang ba talaga sila ni luhan at hindi ko alam kung bakit." pag kukwento ni mckenzo na katabi ko.

Hindi naman ako nag pakita ng kahit anong emosyon pero inaabangan ko ang mga sunod pa niyang sasabihin dahil gusto ko talagang malaman ang totoong relasyon ng dalawa.

"Luhan is like the most important person im her life. She even gave luhan the LaQueen Anti-dote without any hesitation. Tingin ko nga ay kung papapiliin siya kung ako o si luhan mas pipiliin niya si luhan." pag papatuloy niya. He sounds so bitter.

Hindi ko tinitingnan ang mukha niya pero ramdam ko sa tuno ng pag sasalita niya na nag seselos siya kay luhan.

"Luhan is her life. She's willing to everything for luhan. She always saves him and he always saves her. Kaya nag tataka ako kung bakit si zach ang mahal ngayon ng kakambal ko kahit nandiyan si luhan." dagdag pa niya.

Hindi ako nag salita. Pinapakinggan ko lang siya habang tinitingnan si luhan at mckenzie na parehong mahimbing ang tulog habang naka sandal sa isa't isa.

"Do you think what will happen if mckenzie needs to choose between the twins?" tanong ko. I din't know where that question came from. Basta lumabas lamang 'yon sa bibig ko.

"She will choose Zach. Hindi naman kase mag kakaron ng zach kung simula palang ay si luhan na diba?" sagot niya na sinangayunan ko. Tumahimik nalang ako at nag fucos nalang sa dinadaanan namin.

Mukhang malalim talaga ang pinag samahan ni luhan at mckenzie. Nakaka inggit naman. He's her weakness. Sigurado akong hindi alam ng kahit sino 'yon but I know it.

Luhan Grant is Mckenzie Charm's secret weakness.

Aksidente ko silang narinig dalawa na nag uusap kanina or should i say nag aaway dahil nag sisigawan lang naman silang dalawa kanina bago pumasok sa loob ng private plane kaya nga nag tataka ako kung bakit sobrang saya na ulit nila kanina na para bang hindi sila nag away.

Tingin ko ay ayaw rin ni Luhan kay Zach para kay Mckenzie dahil 'yon ang pinag aawayan nilang dalawa. Luhan keeps saying  na sasaktan lang ni Zach si mckenzie pero ayaw sakanyang maniwala ni mckenzie kaya sila nag away.

"If you decide to love him and be with him after finding out everything then wala na akong mamagawa. Just remember that I warned you. Kung masasaktan ka man ay kasalanan mo na 'yon dahil hindi ka nakinig sa kahit sino saamin. Once you choose him you will lose me."

That's luhan's words. Hindi ko alam ang naging sagot ni Mckenzie dahil mas pinili ko nalang wag pakinggan silang dalawa.

Tsismoso ako pero ayaw kong marinig na pipiliin ni Mckenzie si Zach kahit na alam niyang masasaktan siya.

Hindi nga siya naniwala sa buong pamilya niya, kay shadow at kay luhan kaya kung ako ang mag sasabi sakanya na huwag na mag paka hibang kay Zach mas lalo siyang hindi makikinig dahil hindi naman niya ako kilala.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Where stories live. Discover now