CHAPTER 7

134 1 0
                                    

CHAPTER 7


"Omy gosh Zach sinong gumawa sayo niyan?" sigaw ng isang babae at nag mamadaling lumapit kay cyruz.

Hinayaan ni cyruz na lumapit sakanya yong babae at hinayaan pa nyang hawakan sya nong babae sa labi kaya sa tingin ko ay girlfriend niya yon.


Nakaka bwiset! Umupo si zach sa may hulihan at sumunod naman sakanya yong tatlo nyang kaibigan pati narin yong babae.

Tiningnan kong maiigi yong babae. Maiksi ang buhok nya at maliit ang mukha. Maputi din sya at hindi maiitanggi na maganda.

Mukhang maamo ang mukha niya pero pinapainit niya ang ulo ko lalo na ng umupo sya sa lap ni zach at hinawak hawakan pa ang dumudugong labi nito.

At ang lalaking si zach naman ay mukhang nag eenjoy sa ginagawa ng babae.

Nalimutan na ba niyang may fiance sya?

Muli nanamang pumasok sa isip ko ang usapan namin ni kenzo kanina bago ako pumasok.


"Bantayan mo yang fiance mo charm. Nalaman ko kase na babaero pala yon. Alam mong hindi pwedeng malaman nila dad na babaero yang fiance mo dahil icacancel nila agad ang engagement–" sabi ni kenzo habang inaayos ang necktie na suot ko.

Maka-cancel ang engagement? Kung ganon mas magiging masaya ak–

"–Once na macancel ang engagement at hindi ka pa nakaka graduate ay kay Ian Dave Peterson ka ipapakasal ni dad"

Dagdag pa ni kenzo na ikina lunok ko.

"Ay hindi ako papayag na ikasal kay Peterson kenzo" naiiling iling na sabi ko.

I will never marry that guy.


Nakaka takot ang lalaking yon at sigurado ako kung ikakasal man kami at magiging mag asawa ay baka mag barilan lang kami.


Marahas akong napailing iling dahil sa naalala ko.

Oh god!

That's worse!

kaya naman kahit labag sa loob ko ay padabog akong tumayo at lumapit sa pwesto nila zach.

Nginitian ko muna sila at marahas na hinili palayo kay zach yong babae.

Rinig na rinig ko naman ang singhapan ng mga kaklase namin na kakadating lang pati yong tatlong kaibigan ni zach ay nagulat sa ginawa ko samantalang naka tingin lang ng masama sakin si zach.

"Sino ka bang babae ka ha?" inis na tanong nong babae.


"Ikaw ang sino?" balik na tanong ko sa babaeng mukhang clown. Ngumisi naman sya at lumapit kay cyruz at niyakap sa balikat.


Mas lalong nag init ang ulo ko. Pakiramdam ko ay gusto kong patayin 'tong babaeng nasa harapan ko pero nag pipigil ako.

Isang matamis na ngiti ang iginawad ko don sa mira at hinila sya paalis sa tabi ni cyruz.


"Well Ms. mira I am the fiance, so stop touching him because I hate it when someone touches what's mine" Malamig na sabi ko at tiningnan sya ng masama. Napa awang naman ang labi nong mira sa sobrang gulat at umiiyak.


"Fiance ka ni Zach?" tanong ni mr. playboy. Tiningnan ko lang sya at hindi nag salita. Agad namang nanlaki ang mga mata nya na para bang may nalaman na napaka laking sekreto.


Napairap nalang ako at babalik na sana sa upuan ko ng hilahin ako ni zach palapit sakanya kaya ang ending napa upo ako sa lap nya.

"I already told you that I don't want to see your face so what the fuck are you doing here?" bulong nya sa tenga ko.


Malamig at nakaka takot ang boses niya pero hindi ako nag patinag.


Talaga palang galit na galit sya sakin dahil sa nangyari kay cyruz pero hindi ko naman sya masisisi dahil maski ako ay galit sa sarili ko dahil sa nangyari.


"Well mister Yuhan Zacharious Cyruz Grant I have a mission here and you are still my fiance so you should be careful on your actions kung ayaw mong mag kasira ang Villamerious at Grant." bulong ko rin sakanya na may pag babanta.


Nginitian ko lang sya ng napaka tamis saka tumayo at bumalik sa upuan.


"Let's have a deal" napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nya.

Pati yata yong mga kaklase namin ay nakatingin na samin ngayon pero hindi ko nalang sila pinansin.


Naglakad sya papalapit sa upuan ko at umupo sa upuan na katabi ko.


"What's the deal mister?" tanong ko.


Ngumisi naman siya at inilapit sa tainga ko ang labi niya saka nag salita.


Pag katapos nyang bumulong ay bumalik na sya sa pwesto nya dahil nag datingan na ang mga kaklase namin kasama ang teacher at nasa iisang tao lang ang tingin nila–Sakin


"Please Introduce yourself" sabi ng teacher kaya kahit tinatamad ako ay tumayo ako at pumunta sa harapan.


Nangunot ang noo ko nang makita na puro naka kulay itim na uniform lahat ng nandito at ako lang naka blue. Mukha tuloy akong naligaw na tuta. Pansin ko din na puro lalaki ang nandito ngayon at eleven palang sila. Nasan ang iba?


"Ms. I said introduce yourself hindi tumulala ka mr. grant" malakas na sabi nong teacher kaya agad akong napa ayos.


Damn him! Anong karapatan nyang sigawan ako? Napabuntong hininga nalang ako at saka nag salita.


"I'm Charm Hernandez." pag papakilala ko.

Charm Hernandez ang pangalan na pumasok sa isip ko kaya yon ang sinabi ko.

Mukhang nag hihintay pa silang kasunod pero hindi ko na yon dinugtongan at bumalik na sa upuan ko.


"Teka bakit hernandez ang sinabi mong apelyido?" biglang tanong ng kung sino sa tabi ko kaya agad akong napalingon sa kanya.

Ah! Isa sa kaibigan ni zach.


Mr. Bookworm


Nginitian ko sya ng matamis saka nag salita. "Gusto mo bang mag kagulo dito? yong tipong may mag papaulan nalang dito ng bala ng baril?" balik na tanong ko sakanya.


Tumango tango naman sya at bumalik na sa pwesto nya kaya umayos na din ako ng upo.


Ramdam ko ang pag titig saakin ni zach pero hindi ko nalang pinansin. Baka kase nainlove na sakin, hindi ko naman sya masisisi sa ganda ko ba namang 'to.


Napailing iling nalang ako habang naka ngisi at nakinig nalang sa pag kaklase ng teacher namin kahit na alam ko naman na lahat ng itinuturo nya.


Tapos na ang klase kaya nandito ako ngayon sa cafeteria. Tahimik na kumain at hindi pinapansin ang mga taong naka tingin sakin.


Tsk.


Bakit ba ang big deal sakanila ng buhok ko na kulay violet?

Ang dean nga ng school  na'to ay hindi na ako pinakialaman. Well he knows me kaya siguro hindi siya nakialam.


Ang dean kase ng school na'to ay  kapatid ni mom which means he's my uncle.

Napabalik ako sa katinuan ng maramdaman ang pag buhos sakin ng malamig na tubig.

Napa pikit nalang ako dahil don at iniangat ang tingin ko sa kung sino man ng nag buhos sakin ng tubig.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon