CHAPTER 70

52 4 0
                                    

CHAPTER 70


Mckenzo's POV

"I want to see her, Sir."

Napa buntong hininga nalang ako habang pinapanood si Zach sa labas ng kwarto ng kakambal ko na mag makaawa kay Dad para makita si Mckenzie.

Kakarating lang nila dad at ang gusto nya ay dalhin na agad sa Italy ang kakambal ko bago pa ito magising. Tsk. Sigurado akong sa oras na magising ang kakambal ko ay ipapakasal na nila ito kay Villamerial.

"You don't have any rights to see my daughter after what you did to her." madiin at malamig ang boses ni dad. Sinenyasan naman niya ang mga tauhan na paalisin na si Zach na agad namang sinunod ng mga tauhan niya.

Nang mawala na si Zach ay agad akong nag salita. "Let him see her, dad. If my twin found out that you din't allow her fiance to visit her, she will hate you."

Humarap naman sya sakin at walang emosyon akong tiningnan. "He's the reason why this happened to your twin, Mckenzo" madiin niyang sabi na ikina kunot ng noo ko.

"What do you mean, dad?" nag tatakang tanong ko pero umiling iling lang siya at nilapitan ang kakambal ko na hanggang ngayon ay wala paring malay.

Kaming dalawa lang ni dad dito dahil sila mom at sila kuya ay nasa Italy para asikasuhin ang pag babalik ni Mckenzie or worst baka inaasikaso narin nila ang kasal. Ang lalaking Villamerial naman ay wala na dito nang magising ako at hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi rin ako interesado.

Pero hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni dad. Ang ibig ba niyang sabihin ay si Zach ang may kagagawan kung bakit nangyari ito sa kakambal ko? Then if that's what really happened then I will kill that motherfucker.

Hindi pa ako nabibigyan ng balita ni shadow kaya hindi ko pa alam ang totoo, kaya saka ko na papatayin ang Yuhan Zacharious Grant na iyon kapag sigurado akong siya ang may pakana ng nangyari sa kakambal ko.

"My butler called and he told me that zach was the one who ordered to kill your twin sister. Nahuli na namin ang bumaril sa kapatid mo at sinabi niyang inutusan siya ng Zach na 'yon" Muli akong napa tingin kay dad dahil sa mga sinabi niya.

Nabitawan ko pa ang hawak kong cellphone dahil don. "Are you sure, dad?" tanong ko sakanya at tumango naman siya.

Naiyukom ko nalang ang kamao ko at mabilis na lumabas. Naabutan ko naman si Zach sa labas na hinihila palabas ng mga tauhan ni dad.

"Bitawan nyo siya" malamig kong utos sa mga tauhan ni dad nang maka lapit ako sa kanila. Binitawan naman nila si zach kaya napa luhod yon sa sahig. Nanginginig na ang kamay ko at parang gustong gusto ko na siyang patayin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"I fucking thought that you love her." madiin kong wika at mahinang tumawa saka kinuwelyuhan ang lalaking nasa harapan ko.

"I love her" mahinang sagot nya. Nanlilisik ang mga mata ko naman siyang tiningnan at malakas na sinuntok na ikina tumba niya.

"Ordering someone to kill your girl is not love, Jerk" nang gagalaiti sa galit kong sigaw sakanya at paulit ulit siyang sinuntok.

Hindi naman siya lumaban kaya mas lalong tumindi ang galit ko. So he's fucking guilty huh? Damn it!

"Trust me, Kenzo. I din't do anything. I love her. I love her soo much. I don't want to lose her." natigilan ako sa pag suntok sakanya ng makita ko ang pag tulo ng luha mula sa mga mata nya pero hindi ako nag patinag.

Hindi ako naaawa sakanya dahil punong puno na ng galit ang buong sistema ko.

Alam kong magagalit saakin ang kakambal ko sa oras na malaman niya ang ginawa ko pero wala akong pakialam.

"My sister fucking love you" malamig kong sigaw sakanya at akmang susuntukin pa sana siya ulit pero may humawak sa braso ko at malakas akong hinatak palayo kay zach.

Nang tingnan ko naman kung sino 'yon ay bumungad saakin si kuya francis na walang emosyon ang mukha habang naka tingin saakin. Tiningnan ko naman si zach at ngayon ay inaalalayan na siya ni kuya clyden at kuya xyron sa pag tayo.

"Ano bang nangyayari dito, Mckenzo?" madiing tanong ni kuya francis pero hindi ko siya pinansin at muling sinugod si zach pero bago pa ako tuluyang maka lapit sakanya ay may humawak nanaman sa braso ko para pigilan ako.

Tiningnan ko naman ng masama ang pumigil sakin. "Let me go, kuya francis. papatayin ko lang ang hayop na 'yan" walang emosyong kong sabi at nag pupumiglas sa pag kakahawak niya.

"I will let you go but answer me first. What the fuck is happening att nandito ka binubugbog siya imbes na bantayan ang si charm." naging maawtoridad na ang boses ni kuya francis kaya agad akong napa tayo ng tuwid.

"He's the one who ordered to kill, mckenzie" malamig kong ani at itinuro si zach. Nakita ko namang natigilan ang tatlo kong kuya. Nabitawan pa nang dalawa si Zach.

"He did what?" gulat na tanong ni kuya clyden. Mag sasalita naman sana ulit ako pero hindi ko na nagawa dahil sa pag tutok ni kuya xyron ng baril kay zach.

Kitang kita ko sa mata nya ang galit habang naka tutok sa ulo ni zach ang baril kaya medyo kinabahan ako. Agad naman siyang nilapitan ni kuya francis para pigilan pero hindi siya nag patinag.

"Fuck you" malakas na sigaw ni kuya xyron at nanlaki nalang ang mga mata ko ng barilin niya sa hita si zach.

Narinig ko naman ang mahinang pag mumura ni kuya francis at agad na sinenyasan ang mga tauhan ni dad na lapitan si zach. "Dalhin nyo sa loob at ipagamot. NOW" maawtoridad nyang utos.

Agad namang lumapit kay zach ang mga tauhan ni dad at dinala si zach papasok sa loob ng hospital. Nang maka alis na sila zach ay humarap saamin ni kuya xyron si kuya francis na sobrang seryoso lang ang mukha.

"Let's go" malamig niyang sabi at pumasok na sa loob ng hospital kaming tatlo naman ay sumunod lang sakanya.

SHE IS THE QUEEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon