Chapter 38: Daddy?!

86.3K 1.1K 164
                                    

Chapter 38: Daddy?!

"Totoo ba ang narinig ko? May anak kami ni Ashley?" tila nabuhusan ng malamig na tubig si Bettina nang makita niya akong lumabas sa sulok. Hindi ito nakapagsalita kaya kinuha ko na ang telepono niya pero ringtone na lang ang naririnig ko doon.

"Kailan pa?" tumingin ako ng masama sa kaniya at mas lumapit sa kaniya.

"Sino itong kausap mo? Kailan mo pang alam na may anak kami ni Ashley? Sagutin mo ako!" sigaw ko sa kaniya. She is literally shaking.

"Ano? Sumagot ka!" Her eyes are in tears.

"Totoo ba ito? !" Mas nilakasan ko pa ang sigaw ko kaya naman ay napatungo na siya. Umupo ako sa dining at tinabig ang baso.

"Kailangan kong kausapin si Ashley, kukunin ko ang anak ko." Naramdaman kong pumulupot agad si Bettina sa katawan ko para pigilan ako sa pag-alis.

"Please, 'wag mo akong iwan. 'Wag mo kaming iwan ni Rico." Lumuhod itong nagmamaka-awa sa akin na hawak hawak ang paa ko. Pilit ko itong tinanggal ngunit sadyang malakas ang kapit nito sa akin.

"Let me go, I said... Let me go!"

"Okay I will but promise me you won't leave us. Please, I'm begging." Umiling lang ako.

"Mamili ka, Ako o siya!" matapang nitong tanong. Hindi ako naapektuhan sa tinanong niya hindi tulad nang naramdaman ko noong tinanong sa akin yan ni Ashley.

"Sila." Then I turned around. Narinig ko pa rin ang yapak ng paa nito papunta sa labas.

"Hindi, pero ako na ang pinili mo diba? Wag mo akong iwan. Please, stay with me." Matigas akong umiling.

"I didn't chose you after all. Ayoko lang malayo sa magiging anak natin noon pero hindi ko kayo pinili." I know sobra siyang nasaktan sa sinabi ko, pare-parehas naman na kaming nasasaktan dito.

"Pero 'di ba minahal mo naman ako?" I don't think I can answer her question.

"I don't know but believe me, I tried to love you but I really can't. I can't replace Ashley in my heart, in my head and in everything. I still love her, hindi nawala." I can see her brokenheart in her face. Mas mabuti na 'yung malaman niyang maaga kung ano talaga siya sa akin -- wala.

"Kahit isang segundo lang sa limang taon nating pinagsamahan hindi mo ako minahal? Lahat naman ginawa ko 'di ba? Gusto mo ng anak? Andiyan si Rico. Hindi mo ba nakikita lahat ng sakripisyo ko? Sobrang mahal na mahal kita Frank. Mahal na mahal!" Dinuro-duro ako nito pero kahit ano pang gawin niya, buo na ang isip kong bumalik kay Ashley pero hindi ko lang alam kung paano, hindi ko alam kung kailan, kahit alam kong walang kasiguraduhan kung babalik pa rin ba siya sa akin kahit na sinabi niyang hindi na, umaasa pa rin ako.

"Hindi." At tuluyan na akong lumabas ng pintuan. Niyugyog ko ang gate nina Ashley para gumawa ng ingay at nagsisisigaw rin pero walang sumasagot. Ilang beses ko ring ginawa 'yun at isang maid lang ang lumabas.

"Ano po ang hanap nila Sir?" Tanong nito.

"Nasaan si Ashley?"

"Ay naku, wala po sila ngayon. Ano po bang kailangan nila?" Pagtalikod ko'y isang kotse naman ang dumating. Sana'y sina Ashley na ito.

"Frank? Anong ginagawa mo dito?" Galit na agad ang mukha ng kinakasama ngayon ni Ashley nang makababa siya sa sasakyan.

"Ilabas mo ang anak ko, ilabas mo ang asawa ko!" Sugod ko sa kaniya sabay suntok. Ginantihan rin niya ako.

"Wala kang anak, wala ka na ring asawa. Matagal mo na silang pinalitan." Sinugod ko ulit siya at hinawakan ang kaniyang polo.

"Ilabas mo sabi ang asawa't anak ko eh!" Isang suntok muli ang nakuha ko sa kaniya.

"Anak namin. Wala kayong anak, Frank."

"Hindi ako naniniwala. Sinasabi mo lang 'yan dahil natatakot kang mawala sayo ang asawa't anak ko."

"Kung may anak at asawa ka man, matagal na 'yung wala dahil matagal mo na ring inabandona. Nasaan ka noong kailangan nila ng tulong mo? Nasaan ka noong nasasaktan si Ashley? Nasaan ka no-" dahil sa inis ko, sinapak ko ulit siya at sinigawan, "Paano ko'ng matutulungan e siya nga 'tong nang-iwan!"

"Sige nga Frank, tignan natin kung sino ang unang nang-iwan. Sige nga, Tell me."

"Bobo ka ba?! Ang tinatanong ko kung nasaan ang mag-ina ko! Hindi ko tinatanong 'yang pang mmk mong kuwento at wala akong panahon para diyan!"

"Precisely, Wala ka namang panahong alamin kung ano ang pinagdaanan ni Ashley."

***

Hindi ko na masiyadong maalala ang nangyari kagabi. Sa kotse na pala ako nakatulog. Tumingin ako sa gawing kanan ko kung saan naroon ang bahay nina Ashley pero mukhang wala pa ring tao ngayon doon. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi, hindi ko na napilit siya napilit na ipunta ako kay Ashley. Natatakot ako na baka iwan ulit niya ako at gagawa ako ng paraan para hindi na ulit mangyari 'yun. Matagal ko namang pinagsisihan na minsan akong nagkamali at kailanman ay hindi ginusto ang nangyari. Ayaw lang talagang maniwala ni Ashley pero hindi ko naman siya masisisi.

Kinatok ako ni Bettina amd mouthed, "The breakfast is already served. Tara na." Alam kong hindi pa rin siya okay dahil sa mga sinabi ko kagabi pero nag-effort pa rin siyang ipaghanda ako. Ang hindi ko maintindihan kung bakit kahit pinagtatabuyan ko na siya ay ayaw pa rin niya akong iwan. Kung pera ang habol sa akin nito, sana dati pang limas ang pera ko. Talaga sigurong mahal lang ako nitong babaeng 'to.

Maging sa office ay hindi ako makapag-isip ng maayos. Hanggang sa matapos ang lumipas ang isang linggo, nalaman kong nakabalik na sina Ashley sa bahay nila at nalaman ko ring sa Great Minds Academy lang nag-aaral ang anak namin na malapit lang sa subdivision, oo anak namin.

Tinapos ko na lahat ng dapat tapusin ngayong araw para maabutan ang uwian ng sa Great Minds, gusto ko lang makita at makausap ang bata.

Maraming bata ang lumabas na pero nakalimutan kong hindi ko nga pala kabisado ang mukha niya. Bumili ako ng cotton candy sa may gilid.

"Bata, may kilala ka bang nag-aaral dito na Raven ang pangalan?" tumango naman ang batang napagtanungan ko at itinuro 'yung batang nasa gilid mismo ng gate dala dala ang bag nito. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Agad ko siyang nilapitan at inabot ang cotton candy.

"Hello." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"My mom and dad told me not to talk with strangers even you look familiar to me."

"My name is Frank. So paano ba 'yan? Magkakilala na tayo!" Nabuo ang pagtataka sa mukha nito.

"Daddy?!"

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon