Chapter 33: Closure

86.9K 1.1K 373
                                    

Chapter 33: Closure

BETTINA

"Hindi mo puwedeng sabihin 'yan. Akin ka lang." Niyakap ko naman siya. Tuluyan akong umiyak.

"Bettina, I'm so tired of your mellow dramas. Itigil mo na nga ito." Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakayakap at lumabas ng kuwarto. Naiwan kaming umiiyak ng anak ko dito sa kuwarto.

Bakit kasi hindi na lang niya tanggapin si Rico bilang anak niya? Hindi ko na kasi mabigyan ng anak kahit na ilang beses na naming sinubukan.

ASHLEY

I'm all alone here in the mall, may lakad kasi 'yung mag-ama. Ang sabi daddy and son's bonding lang daw, di ako puwede. Bakit hindi na lang family bonding. Nakakainis, ilang beses ko silang pinilit na isama ako pero ayaw nila then fine, ako na lang aalis mag isa. For sure may pinaplano na naman 'yung dalawang 'yun.

By the way, this mall reminds me so much of Frank. Naalala ko noon, dito ako nag go-grocery kapag ipagluluto si Frank kapag uwi niya. Hay, bakit ko pa ba ito iniisip?

Napakadali ng lahat ng nangyari, masiyadong maraming nasira. Ang relasyon namin ni Frank, ang pagkakaibigan namin ni Czerene at ni Nigel. Sa isang iglap, nawala silang lahat. Animo'y mga bula. Hindi ko rin naman inaasahang mangyayari ang lahat ng 'yun.

Pero may magagawa pa ba ako? Nangyari na ang nangyari. I guess, lecture lang siguro 'yun para sa akin at ayoko nang balikan pa. Nabubuhay na ako ng mapayapa ngayon kasama ang pamilya ko.

Habang naglalakad ako, nabangga ko si Frank. I just don't know why we kept on seeing each other here.

"Oh, sorry. Ashley?!"

"Sorry din." I said coldly.

"Kumusta na? Hindi tayo nakapag-usap noong huli tayong nagkita eh." It's so strange na parang masaya siyang makita ko. Hindi man lang ba niya naisip na ako 'yung sinaktan niya ng sobra noon tapos kukumusta-kumustahin niya lang ngayon?

"I'm fine...with my family. How about you?"

"Still, busy. And oh, wanna eat?" Kahit na ayoko, pumayag na lang ako. May gusto rin kasi akong sabihin sa kaniya, ang awkward naman kung dito ko sabihin sa gitna ng mall at nakatayo pa kami. For closure lang.

Dinala niya ako sa favorite kong restaurant. Oh how I missed my favorite latkes here but not the memories. Lalo na nung makilala ko si Nigel.

"Sit, sit." Kinuha niya 'yung upuan at pinaupo ko. Mukhang interesado siya sa magiging pag-uusap namin. Hindi ko masasabing nagbago na siya, ganiyan lang naman 'yan sa una. Siya pa rin 'yung Frank na niloko ako.

He started the conversation while we're eating. Feeling ko kasi strangers na ulit kami sa isa't-isa.

"So, anak mo 'yung nakabangga sa akin last ti-"

"Yes, he's my son to Kenneth." Sumagot na ako agad dahil ayokong buksan ang topic na 'yan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't tuluyang madulas sa mga sasabihin ko.

"What if nagka-anak nga tayo 'no? That would be so great kung nangyari man. How I wish na may anak na ako ngayon." Nashocked ako sa dulo ng sinabi niya.

"Eh 'di ba 'yung ka Bettina? What happened?" Last question, ayoko talagang pag-usapan ang tungkol dito. Nagsisimula na akong pagpawisan.

"Bet had miscarriage when she's 4 months pregant. Too bad hindi nakakapit ng maayos ang bata. Pero nag-ampon naman kami." And that's their story. Walang anak sina Bettina at si Frank.

Nabalot ulit kami ng katahimikan, hindi ko naman kasi alam kung paano ko sasabihin ang dapat kong sabihin. Kailangan ko munang mag-ipon ng lakas ng loob.

"Ashley..." Yumuko ito at hindi ko inaasahang hahawakan niya ang kamay ko. Dali-dali ko namang hinugot 'yun at sabay nu'n ang pag angat ng ulo niya.

"Ashley, hindi ba puwedeng tayo na lang ulit? I never unloved you." Nanlaki ang mata ko.

"What the hell are you talking about?"

"Seryoso ako, Ashley. I still love you until now, please forgive me for what I have done, for all the pain I've thrown to you. Please give me another chance." I have no words left to answer him. I'm literally speechless. Anong gagawin ko? Ang akala ko bubuksan niya lang ang topic about annulment pero hindi.

"Please, Ashley. Puwede tayong mag simula ulit. Aakuin ko lahat ng responsibilidad sa anak mo bilang tunay na tatay niya. I'm gonna be a perfect husband now." Napaluha ako ng kaunti.

Sana dati pa niya ginawang maging isang perfect husband but I can't just leave Kenneth just like that. Magiging unfair sa kaniya 'yun.

"Sorry pero wala na akong nararamdaman pa para sa'yo."

"Pumayag kang samahan ako, 'di ba ibig sabihin nun you're still interested with me?"

"Pumayag akong kausapin ka dahil gusto kong sabihin na sana ito na ang huli nating pagkikita dahil ayaw na kitang makita pa at mas lalong ayaw kong masira ang pamilya ko." I raged.

"Pero ako ang asawa mo! Ako ang pamilya mo, please Ashley. I'm begging, come back to me. I can't leave without you." Nagsimula na rin siyang lumuha. Masiyado ng late ang ganitong eksena para sa amin. Matigas na ang puso ko para tanggapin pa siyang muli at sapat na dahilan na rin si Kenneth para hindi siya balikan.

"So akala mo ganoon lang kadali 'yun? 'Di ba pinili mo na 'yung kerida mo? 'Wag mo namang gawin sa asawa mo ngayon ang ginawa mo sa akin noon. At mas lalong ayoko ring masira ang relasyon namin ng asawa ko."

"Ashley, patawarin mo na ako at kung inaakala mong si Bettina ang pinili ko, nagkakamali ka. Kahit kailan ay hindi ko siya minahal, kahit subukan ko ay ikaw pa rin ang mahal ko." Nagulat ako nung lumuhod ito at kinuha ang kamay ko. Hawak hawak niya 'yung wedding ring namin. Sinuot niya ito sa daliri ko.

"Papakasalan kita ulit. Please. Mahal pa rin kita, Ashley."

"Sorry." Kinuha ko ang bag ko at tumayo. Itinapon ko rin sa mukha niya ang singsing. May mga taong nakatingin sa amin pero wala akong pakialam.
Minsan na niya akong niloko, mahirap ng magtiwala ngayon.

Pagkarating ko sa bahay, nakapatay ang lahat ng ilaw. Wala pa rin ba sila Raven? Saan na ba nagpunta 'yun? Day-off din kasi ngayon ng maids.
Binuksan ko ang ilaw at biglang may pumutok. Confetti lang pala.

"Surprise mommy! Happy mother's day!" Sinalubong ako ni Raven at niyakap. At ngayon alam ko na kung bakit ayaw nila akong isama sa lakad nila. Sa totoo lang, hindi na ako nasusurprise sa surprises ni Kenneth at nitong si Raven. Lagi na kasi akong sinusurprise nito eh.

"Aww, thank you." Niyakap ko sa Raven pagkatapos niyang ibigay 'yung bulaklak.

"Happy Mother's day, Love. I love you." Sunod na lumapit si Kenneth at hinalikan ako.

"Thank you."

"Oh tara na, lalamig na 'yung pagkain." Anyaya niya.

"Teka, nagluto ka ba o nagpadeliver?" Tanong kong may halong pangaasar.

"Ahmm, may niluto ako at may pinadeliver din so both." Sabay tawa naman niya.

Habang kumakain kami, narinig naming may kumakalampag ng gate namin and then I heard my name. At ang boses na 'yun...

"Ashley! Lumabas ka diyan! Ashley!"

Tatayo na sana si Kenneth pero pinigilan ko siya, "Ako na lang. Bantayan mo si Raven."

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon