Chapter 2: Colder

140K 2K 127
                                    

Chapter 2: Colder
       
Pag labas ni Czerene ay dahan dahan kong binuksan yung magazine na binigay niya sa akin. Hinanap koo yung article na sinabi niya sa akin. Kahit na labag sa loob ko ang tignan yun, gusto ko pa ring malaman kung ano ang nakasulat doon. Patuloy kong binubuklat yung magazine hanggang sa makita ko na ang page na hinahanap ko.

Nakalagay sa first bullet ang : Cold. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko na naisipan pang ituloy pa ang pagbabasa. Mukhang hindi ko kakayanin.

Bagsak ang balikat kong lumabas sa coffee shop. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kapag nalaman kong nambabae nga siya. Eh paano nga ba ang gagawin ko kapag nangyari nga iyon! Frank is my first and last boyfriend, ni minsan ay hindi ko naranasan ang masaktan pag dating sa kanya. Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip pa noong inalok niya ako ng kasal. Alam ko kasing mahal na mahal niya ako dahil ni minsan ay hindi niya sa akin pinaramdam kung ano pakiramdam masktan.

Noong araw ng kasal yata namin ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Pakiramdam ko ay Prinsesa ako sa araw na iyon though my family and Frank treat me like a princess pero nung araw na kasal ko ay naging totoong prinsesa talaga ako.

Pagkatapos naming ikasal ay agad niya akong pinatanggal sa trabaho dahil gusto raw niya na siya ang kumakayod para sa akin at para sa bubuuin naming pamilya.

Talagang wala ako sa sarili ko habang naglalakad. Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang mga pinag-sasabi sa akin ni Czerene. Alam ko naman hindi kayang gawin sa akin iyon ni Frank. Wala pa naman akong sapat na nalalaman para sabihin kong niloloko nga niya ako. Wala naman din sigurong dahilan kung bakit niya ako lolokohin. Hindi naman ako nagkulang sa kanya.

I sighed. Ayoko na nga muna isipin iyan, nakakasira ng utak. Mamaya magka-heart failure ako nito sa kakaisip ng hindi totoo. Kailangan ko munang mag refresh. I think I need a beauty treatment. Matagal na rin kasi akong hindi nagpapaganda sa sarili ko. Nagmumukha na yata akong losyang.

Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bag ko pero doon ko lang nalaman na wala ang bag ko. "Sh*t." Naiwan ko yata iyon sa coffee shop. Agad akong bumalik doon at sa kakatakbo ko ay may nabangga akong lalaki.

"Miss, sayo ba ito?" Napatingin ako sa mukha nito. Agaw-pansin ang gwapo niyang mukha. Tinignan ko naman ang hawak niya, ang bag ko nga iyon.

"O-oo... Sa-salamat!" Nahiya tuloy ako sa katangahang nagawa ko. Paano ba naman kasi, pati yata utak ko ay naiwan ko dito. Lumakad akong lutang ang utak ko.

"You're welcome. By the way, I'm Nigel, Nigel Conception." He extended his arms.

"Ashley Deguia." I also extended my arms and took a shook hands with him.

"Nice meeting you, Ashley." He stated.

"Thank you ulit." I gave him a fake smile. Yung fake smile na para sa kanya lang dahil binalik niya ang bag ko.

"Welcome." He replied at me with a smile also. Pumasok na siya ulit sa loob ng coffee shop. Mabuti na lang at marami pa ring mababait ngayon kung hindi, wala na ang IDs and Cards ko.

Agad kong kinuha yung cellphone ko para i-check kung nag text ba o tumawag man lang ba sa akin si Frank pero wala akong nakitang missed call and text. Bago ko pa ilagay ang cellphone ko ay nag-vibrate iyon. Bigla ko namang tinignan at baka si Frank na nga iyon. Pagkatingin ko ay nakita ko ang text message ng smart buddy. Nainis naman ako at tuluyan ko ng inilagay iyon sa bag.

Umakyat ako sa 2nd floor gamit ang escalator. Naroon kasi ang paborito kong beauty salon.

"Hello Ashley!" Agad akong sinalubong ni Jolina pagkapasok ko sa salon. Yung baklang parlorista dito.

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon