Chapter 3: Sole

120K 1.8K 144
                                    

Chapter 3: Sole
  
Habang naghuhugas ako ng mga plato na ginamit namin ay hindi ko maiwasan ang maiyak. Naninikip na naman ang dibdib ko. Bakit ba naman kasi siya nagka ganito? Alam kong may mali sa mga nangyayari... Pero alam ko rin na wala akong ginawang kasalanan sa kanya para magalit siya ng ganoon nalang. I'm getting too paranoid! Kung ano ano na ang naghahalo sa isipan ko.

Pagkatapos kong hugasan ang mga plato ay pumunta ako sa may cellar at kumuha ako ng bourbon. Nag salin ako ng kaunti sa wine glass. Masyado na akong na-i-istress ngayon. Kailangan ko yatang magrelax.

Naglagay pa ako ng whiskey sa baso. Gusto kong laklakin lahat para makalimutan ko itong problema kong ito. Pero hindi naman ito ang solusyon para dito.

***

Nagising ako ng nandito pa rin ako sa cellar. 9:45 na kaya tiyak na umalis na iyon si Frank pero hindi man lang niya ako ginising. Nakatulog na pa ako sa kakainom kagabi. Umagang umaga ganito na naman ang nararamdaman ko. Nalulungkot na naman ako.

Nanuyo na ang whiskey sa lalamunan ko kaya medyo masakit yung paglunok ko kaya kumuha ako ng tubig sa ref. Pagkasara ko ay saka ko lang nakita yung sticky note na may nakasulat na "Don't forget to pay the bills, I don't want to receive any disconnection notice." Bigla namang bumagsak ang balikat ko. Kailangan ko nga palang magbayad ng mga monthly bills ngayon.

Mabuti pa ang mga bayarin naisip pa niya eh samantalang ako na asawa niya hindi man lang niya naisip na gisingin o kahit magpaalam man lang na aalis na siya.

Alas diyes palang pero kailangan ko ng mag-ayos para umalis. Mas maganda kasi kung maaga na ako aalis rito para wala na akong aasikasuhin pa.

I took a cab nalang papunta sa mall, malapit lang naman kasi saka sayang yung gas kung mag-da-drive pa ako.

Siyempre pagkadating ko sa mall, una kong binayaran yung mga paper bills para pagkatapos noon ay pwede ko nang gawin ang gusto ko.

I snuggled on a settee. It's already past 11:30, iniisip ko kung kumakain na ba si Frank ng maayos, kung masarap ba yung kinakain niya, kung masustansiya ba. Eh ako? Iniisip rin kaya niya ako?

I'm getting peckish. Pumunta nalang ako sa favorite kong cake resto at um-order ng pinaka favorite ko na Latké. Ito nalang muna ang kakainin ko for lunch, naisip ko kasi na baka tumataba na ako. Tinignan ko naman ang katawan ko, parang tumataba na nga yata ako. Arghhh! I hate this! Kailangan ko ng mag diet or mag gym.

I'm about to call Czerene para papuntahin dito ng biglang may isang pamilyar na lalaki na may dala dalang tray ang tumambad sa harap ko.

"What can I do to you?" Mataray ko namang sabi. Tinignan ko ng maigi ang mukha niya, hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Pwede bang maki-upo?" Tinignan ko naman ang paligid, wala namang ibabg taong nandito sa cake resto na ito. Ang daming bakanteng upuan na pwede naman niyang upuan.

"Seriously? Hindi mo ba nakikita ang ibang bakanteng upuan diyan?" Nagkatagpo na ang dalawa kong kilay. Uminit naman bigla yung ulo ko. Sino ba naman kasi ang walang hiyang magtatanong kung pwedeng makiupo eh samantalagang marami namang bakante sa tabi. Buti sana kung over crowded ito.

"Easy, miss... Mahirap ang mag isa. Ayoko kasi ng mag-isa..." Inilapag na nito ang tray niya kahit na hindi pa ako pumapayag na pwede siyang maki-seat-in sa akin. Ang kapal ng mukha nito though gwapo siya.

"At sino namang nagsabi sa iyong umupo ka na diyan?" Mataray ko pa ring sabi. Naiirita lang talaga ako kapag may taong hindi ko kilala.

"Teka lang miss, wag ka na magalit. Gusto ko lang makipag-kaibigan." Tumingin ako ng diretso sa kanya at binigyan ko siya ng tingin na parang sinasabi ko na rin na, "Sa tingin mo may balak akong makipagkaibigan sayo?"

"I'm Nigel Co-" bago pa man nito buuin ang sinasabi ay bigla niya akong tinitigan. Inilayo ko naman ang mukha ko.

"Sabi na nga ba! Ikaw yung babaeng nakaiwan ng bag dito last time! Remember me? Sabi na nga ba dito ulit kita makikita." Tama, siya nga iyon. Kaya pala kanina ko pa rin siya namumukhaan.

"Oh may utang ka sa akin, nung binalik ko yung bag ko. So, ito nalang yung bayad mo ah?" Hindi ko alam na makapal nga talaga ang mukha nito. Hindi pa rin pala sapat sa kanya ang thank you ko. Sadyang may mga tao lang na hindi makuntento sa kung anong ibinibigay sa kanila.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman na akong magagawa, nandiyan na siya sa harap ko, "Okay..." Mabuti na rin sigurong nandito siya para may makausap ako kahit papano pero talagang hindi ako sanay makipagusap sa hindi ko kilala.

"Ano nga pala ulit yung pangalan mo?" Tanong nito habang ngumunguya ng burger na in-order niya. Hindi man lang nguyain muna yung pagkain bago magsalita. May mga tao talagang hindi makapaghintay. Katulad nalang niyan, hindi nalang muna ubusin bago magsalita.

"Ashley..." Nakayuko ko pa ring sagot. Pakonti konti kong kinakain yung pagkain ko. Kasi naman, Ayoko ng may tumitingin sa akin kapag kumakain ako.

"Ahh, I see... Ilang taon ka naman? I'm 28." Tinignan ko siya ng bahagya, wala sa mukha niya ang edad niya. Sa katunayan nga ay akala ko mas bata pa siya sa akin.

"I'm only 26." Wala pa ring ekspresiyon kong sabi.

"Ashley? May problema ba? Parang kanina ko pa napapansin na malungkot ka?" Pati ba naman personal kong buhay papakialaman na niya? Masyado ng feeling close ito.
"It's none of you business, Mister." Tinignan ko siya ng masama at bumalik sa kinakain ko.

"Okay, hindi na kita kukulitin kung bakit ka malungkot." Itinaas pa nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko na ito. Napatawa naman ako ng kaunti. Para kasing baliw kung gumalaw.

"Eto nalang, sa bawat mapangiti kita sa mga jokes ko, sasagutin mo ang bawat itatanong ko. Hindi pwedeng hindi mo sagutin." Tinignan ko ulit siya ng may pagtataka. Talagang ang kulit kulit niya.

"Okay, game... Kung mapapatawa mo ako." Balik-hamon ko sa kanya.

"Oh eto, knock knock!"

"Who's there?" Umupo ako ng maayos at tinignan siya.

"Chicken." Natatawa namang sabi nito. Pilit niya talaga akong papatawanin ah?

"Chickenya pa rin babalik sigaw ng damdamin, chickenya pa rin babalik bulong ng puso ko..." Pinipilit kong hindi matawa pero natawa ako ng tuluyan. Hindi naman talaga ako natawa sa joke niya. Feel na feel kasi nitong kumanta.

"Talo ka, may tanong ako."

"Ano yun?" Hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano niya kinanta yung joke niya. Natawa ako kahit corny.

"Anong buo mong pangalan?" Mabuti naman at hindi mahihirap ang itatanong niya.

"I'm Ashley Seydoux-Degeuia." Nakangiti ko namang sabi.

"What a unique name." Nakangiti rin niyang sabi.

"Oh eto naman, Coca-cola, lasagna."

"Coca-cola lasagna who?"

"Coca-cola lasagna ang iyong minahal di ka na muling luluha pa..." Pinilit kong hindi matawa pero talagang natatawa ako sa boses niya. Pilit na pilit eh. Hay, talo na naman ako.

"Ahhh! Talo ka! Okay, bakit kanina ka pang malungkot?" Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, itatanong at itatanong pa rin niya iyan.

"Wala nga lang ito..." I gave him a fake smile but it does'nt satisfy his curiousity.

"Hindi pwedeng hindi mo sagutin."

"Yung asawa ko kasi..." Napayuko naman ako bigla.

"What's with your husband? Sinasaktan ka ba?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko pero inalis ko rin ito bigla.

"Wala, wala... Siya nga pala, kailangan ko ng umuwi. Thank you nga pala sa pagpapatawa sa akin." Bago pa man siya makapagsalita ay nilisan ko na agad ang restaurant na iyon.

"Wait, this is my calling card. Call me kung may kailangan ka." Nginitian ko nalang siya at umalis na.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako ng Supermarket. Kailangan kong magluto para maibsan ang pagod ni Frank kapag uwi niya.

~ To be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon