Special Chapter 2: FRANK

70.5K 720 151
                                    

Special Chapter 2: FRANK

FRANK   

Naiinis na ako sa malakas na iyak ng bata. Tangina naman kasi, kukuha kuha ng baby hindi kayang patahanin.

"Bettina! 'Yung bata." Tumalikod ako sa higaan at nakita kong karga karga na pala niya ang bata at sinusubukang patahanin ito sa pagbibigay ng gatas dito.

"Sorry, ito na nga pinapatahan ko na. Nainitan lang siguro." Dahilan pa ni Bettina. Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin tumatahan ang bata. Hindi ako makatulog. Binabaan ko na rin ang temperature ng aircon.

"Bettina!" I widen my eyes as a sign of my annoyance.

"Tulungan mo kaya akong magpatahan dito. Hindi na ako magkanda ugaga sa pag papadede nitong bata ayaw pa ring tumahan." Kinuha ko ang unan ko at isinuot ang tsinelas ko.

"Sa guest room ako matutulog." Kailangan ko pang magpahinga para bukas. Maaga akong aalis. Halos gabi gabi nalang akong napupuyat dahil sa batang 'yan. Ilang busan na rin ang nakalilipas nang tanggapin niya 'yan. Napipilitan nalang akong tanggapin 'yung bata kahit na labag sa loob ko. Wala naman na kasi akong magagawa nandiyan na 'yan eh.

Hindi lang naman din ang pag tanggap sa bata ang sinusubukan ko. Pati ang mahalin at pakisamahan si Bettina. Akala ko kaya ko pero simula nung nawala ang magiging anak sana namin, parang nawalan ng pag asa. Si Ashley pa rin naman ang mahal ko ngayon. Si Ashley lang naman talaga.

***

Pagbaba ko ay nakita kong nandoon si Bettina, karga karga pa rin ang bata pero hindi na ito umiiyak ngayon.  Naghahanda siya ng breakfast ko tulad ng araw araw niyang ginagawa.

"Oh gising ka na pala. Here, I'm preparing you some snacks." I checked my wrist watch, Wala na akong oras para kumain. Mahuhuli na ako sa flight ko.

"Ahm, I have to go na."

"Kainin mo lang muna 'to oh saka bakit parang ang dami mo naman yatang dala?" She asked as she eyed my baggage.

"Business trip. Baka mawala ako ng tatlong araw."

"Teka bakit di ko alam? You mean kaming dalawa lang dito ng anak mo?" I hate it when she's saying it's my son.

"Yep. I have to go." Lumabas na ako at pumasok ng sasakyan. Hindi naman talaga ako pupunta sa business trip. I filed a temporary leave. Pupunta ako ng U.S. May nakapagsabi kasi sa akin kung nasaan si Ashley. Nagbabakasakali na mapatawad pa rin niya ako sa mga nagawa ko. Nagbabakasakali na kasama ko na siyang umuwi sa pilipinas.

At kung mangyari man 'yon, bahala na kung ano ang mangyari sa aming tatlo nina Bettina.

Pagkalapag ng eroplano ay pumunta na ako sa hotel na pinag check-in-an ko, malapit lang sa sinasabing tinirhan ni Ashley.

"Good Evening Sir." The Doorman greeted as I enter the hotel lobby. I just smiled and proceed to the front desk and checked the room I reserved. They hand me they key and guide me to my room.

Inayos ko ang gamit ko at pumunta sa balcony para magpahangin.

Ininom ko ang champagne na nasa wine glass habang tinitignan ang  buong siyudad. Thinking of what might happen tomorrow yet I'm still not sure if Ashley is really here. I missed her so much, I wanna hug her tight. Her hair, her eyes, her lips and her everything. I missed the every single detail of her.

Aminado naman akong mali ako, maling mali ako pero hindi ko kagustuhan ang nangyari. Mas minahal ko pa sana si Ashley. Una palang dapat tinigil ko na ang koneksyon namin ni Bettina bago pa mangyari ang hindi ko inaasahan. Kahit anong pilit kong palitan si Ashley sa puso't isip ko, hindi ko magawa. Mahal na mahal ko si Ashley.

Sana matapos na ang lahat bukas, sana akin na ulit siya.

Biglang nag ring ang cellphone ko, kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag. Si Bettina lang pala. Hindi ko iyon sinagot at hinayaan lang na mamatay ang tawag pero umulit pa ito ng isa pang tawag sa akin. Sinagot ko nalang para matahimik na rin siya.

"Frank, Buti sinagot mo." Aniya mula sa kabilang linya.

"What do you want?"

"Wala naman, gusto lang sana kitang kumustahin saka kumusta pala 'yung business trip mo diyan? Ngayon lang ako nakatawag kasi kakapatulog ko lang kay baby."

"I'm good. Bukas pa ang meeting ko since late na rin kaming nakarating dito." I lied.

"Sige, mag iingat ka diyan ah. If you need my help just call or text me. Hindi na muna kita guguluhin simula ngayon kasi alam ko namang ayaw na ayaw mong may tumatawag o gumugulo sayo pag nasa trabaho ka. Goodbye, I love you."

"Thank you." And I ended the call. Binalik ko ulit ang cellphone sa bulsa.

Nagpahinga nalang muna ako at bukas ko na gagawin ang kailangan kong gawin.

***

I stopped at a flower shop near the hotel I am staying and bought a bouquet of  roses for Ashley. Malapit lang naman ang address na binigay sa akin kaya nilakad ko nalang ang bahay kung saan nakatira si Ashley. I hope she's here. Mapapatay ko talaga ang nagbigay sa akin ng address niya kapag niloloko lang ako nito.

Ilang sandali pa ay natunton ko na ang street ng bahay ni Ashley. Tinignan ko ang in-email sa akin sa cellphone na address niya at nakita kong iyon na nga ang house number na binigay sa akin. I'm only few blocks away from her house, isinilid ko ang cellphone sa bulsa ko at magpapatuloy na sana ako na lumapit pero natigilan ako  sa nakita ko.

May pumaradang sasakyan sa harap ng bahay niya. Nanatili ako sa puwesto ko kung saan ako nakatayo at tinitignan kung ano ang mangyayari. May lalaking bumaba sa sasakyan at nakita kong lumabas si Ashley mula sa loob ng bahay at sinalubong ang lalaki. Hinalikan niya ang lalaki at nakita kong buntis si Ashley. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.  This is not what I'm expecting to see. This ain't real.

Hahakbang pa sana ako pero pinigilan ko na ang sarili ko. Bigla na ring bumuhos ang ulan at tuluyan na silang pumasok sa loob.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga pagkakataong ito. Itinapon ko sa isang basurahan ang bulaklak dahil sa inis ko. Nagsimulang magsitakbuhan ang mga tao sa paligid ko dahil sa pag-ulan. Napa-upo ako sa gilid, umiiyak na parang bata kasabay nang pag-buhos ng ulan.

"Sir, are you alright? Would you mind if I help you?" Hindi ko pinansin ang taong pumunta sa harapan ko.

Huli na ang lahat. Siguro nga, tamang kalimutan ko na siya. Masaya na siya sa iba.

~ The End ~

Written By Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon