Chapter 18: Catching Frank

70.1K 978 6
                                    

Chapter 18: Catching Frank

"Halika nga chichi." Pinapunta ko 'yung alagang aso ni Czerene sa akin. Binuhat ko 'yung aso at kinarga. Na-miss ko ito. Pati itong condo unit niya, nagbago na rin, mas lumuwag kasi may mga natanggal na gamit. Paano, ang laki laki nitong unit niya e samantalang dalawa lang sila ng kapatid niya dito. 'Yung mga magulang kasi nito ay nasa ibang bansa nagtatrabaho.

"Oh e bakit ka napapunta dito bigla?" Sabi ni Czerene habang nagsasalin ng juice sa baso at ibinigay iyon sa akin. Ibinaba ko ang aso niya at umupo na muli.

"Thank you."

"So, What brought you here nga?" Umupo ito sa gilid ko.

"Wala lang, did'nt you missed me ba?"

"Ashley? May problema ka no?" Natigil ako sa pag-inom. Sa totoo lang, ito talaga ang sadya ko kaya pumunta ako sa kaniya. Wala kasi akong ibang mapagsabihan nito.

"Ahm... Si Frank. 'Yung ano kasi eh... Laging may tumatawag sa kaniya at ang tawag pa sa kaniya, baby. Nakita ko din silang magkasama nung babae doon sa building niya.  Hindi ko alam kung siya na ba yun pero alam kong siya 'yun. Please don't tell me hindi ito 'yung sinasabi mo." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. I get so emotional as I hug her kaya napaluha na lang ako bigla. Hinaplos naman nito ang likod ko.

"Shh, don't cry. 'Yan na nga bang sinasabi ko sa iyo eh, gagong Frank 'yan! Hindi ka naman kasi nakinig sa akin. May sapat ka na bang ebidensiya sa kaniya?" Umiling ako. Gumaan ang loob ko kahit na insulto para sa akin ang tawagin niyang gago ang asawa ko.

"Kung wala pa, tayo mismo ang maghahanap." Kumalas ako sa pagkakayakap at napaayos naman ng upo. I thing I know what she is thinking.

"Susugurin natin 'yung babae? E hindi pa nga tayo sure saka saan naman natin hahanapin 'yun?"

"E 'di sa office niya tutal nasabi mo namang nagkita sila doon." Tumayo ito at hinatak ako pero nagpumilit akong manatili dito sa upuan at mukhang may hindi magandang mangyayari kung sakali.

"So anong aktingan iyan? Martyr? Jusko day, walang ganiyang award sa famas kaya kung ako sa 'yo, hanapin mo ang totoo." Sa huli ay napilit pa rin niya akong sumama sa kaniya. I-che-check lang naman daw namin kung magkasama sila ngayon. Pero ako, hindi pa ako handa.

Please, Frank. Patunayan mong hindi totoo itong hinala ko.

Pa-ulit ulit kong sinasabi 'yan sa utak ko. Na-te-tense ako sa puwede kong makita, sakto pa naman at tanghaling tapat rin ngayon tulad nung huli ko silang makita.

Pero hindi ba kaibigan lang niya 'yun o client? Sana...

Pilit kong nilalagyan ng mga positibong isip ang mga hinala ko pero pilit itong natatalo ng iniisip kong sana hindi totoo.

"So anong gagawin mo kapag totoo nga ang hinala mo?" Tulad ng sabi ko kanina, hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag napatunayan kong tama ako. Magpapakamatay? Lalayas? Gaganti? Hindi ko naman din kaya 'yang gawin. Ewan, gulong gulo ang isip at puso ko ngayon. Hindi ko alam ang tamang gawin sa ngayon… Pero hindi naman siguro, masiyado lang talaga siguro akong napraning at hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na sumama kay Czerene.

No, Ashley. Wala lang ‘to.

"Iiwan mo ba?" Seryosong tanong niya.

"No! I won't leave him just like that... I can't" mabilis kong sagot.

"Kasi ano? You love him?" Napabuntong hininga naman siya habang nakatingin pa rin ng diretso sa minamaneho, "Alam mo friend, hindi ko sinisiraan si Frank. Talagang concern lang ako sayo, na ayokong nakikita kang nasasaktan. But don't you worry, alam kong mahal ka pa rin nun si Frank pero sa ngayon kailngan muna nating tignan kung kasama niya yung babae."

I'm secretly trying to call Frank. Pero wala, ring lang ng ring.

Nang makarating kami sa building ay agad kaming dumiretso sa office niya but unfortunately, wala siya doon. May nakasalubong kaming empleyado dito at sinabing nasa meeting daw ngayon si Frank. Mas gumaan ang dibdib ko sa pangangamba.

“Paano ba ‘yan? Siguro nga wala.” Nakangiti kong sabi kay Czerene pagkatapos umalis nung napagtanungan namin.

“We still don’t know pero mas maganda siguro kung mag rerelax na lang tayo ngayon.” Ipinunta ako nito sa isang salon. Siguro nga hindi ko na lang dapat isipin ‘yun e kung hindi nga naman totoo.

“Overthinking? ‘Wag mo nang isipin ‘yun. Ay, may hindi pa pala ako nasasabi sa ‘yo. May bago akong lovelife.” Nagulat ako sa sinabi niyang ‘yun. Pagkatapos niyang magpaka bitter ay mahuhulog pa rin pala sa lalaki.

“And who’s that unlucky guy? I mean… Lucky.”

“Eh, surprise na. Saka ko na ipapakilala sa ‘yo.”

***

Umuwi ako sa bahay, nandito na pala si Frank. Hindi ko alam na masiyado na pala naming na enjoy ni Czerene ang pag ma-mall.

“Hi Hon, hinanap mo raw ako kanina?” Hinalikan ako nito at nakitang naka-ayos ang lamesa para sa dinner.

“Ah oo, I che-check lang sana kita kaya umalis na lang kami ni Czerene." Pagsisinungaling ko.

"Maaga ka umuwi?"

"Ah oo kasi may duty pa ako sa asawa ko."

- To Be Continued -

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon