Chapter 40: Death

83.1K 954 167
                                    

Chapter 40: Death

ASHLEY

Alas tres na ng madaling araw pero naka-upo pa rin ako sa kama. Hindi ako makatulog. Sino ba namang nanay ang makakatulog kapag nawala ang anak nila? Hinding hindi ko mapapatawad si Frank kapag ma nangyaring masama kay Raven. Ilang beses ko na ring binalik-balikan ang telepono baka sakaling tumawag na ang kidnapers pero kahit sa cellphone ko at ni Kenneth ay wala.

Naramdaman kong bumangon si Kenneth at niyakap ako. Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Kailan ba ako matatapos maghirap?

"Shh, everything will be alright. Makikita rin natin siya."

"Paano kung hindi na? Paano kung gumagawa lang pala ng istorya si Frank? Paano kung itakas na niya ang anak ko?"

"'Di ba sabi ko hinding hindi ko hahayaang mangyari 'yun? Nandito lang ako para sa inyo. Matulog ka na para bukas punta tayo agad sa police station kung may update na ba tungkol kay Raven." Pinahiga niya ako at kinumutan pero hindi ako natulog.

Seven in the morning, I received a text message from an unknown number.

Hindi ka ba nakatulog? 'Wag kang mag-alala, mahimbing na nakatulog ang anak mo. Nag breakfast na rin siya.

I immediately called the number, alam ko na kung nasaan ang anak ko. Sinasabi ko na nga ba.

"Hello?! Bettina? How dare you?! Ibalik mo ang anak ko! Walang hiya ka talaga!"

"Opps, ang galing mo namang manghula. Hindi pa nga ako nagpapakilala."

"Walang hiya ka talaga kahit kailan! Tell me what do you want, I'll give it right away. One million? Two million? Or even a hundred million! I'll give it you just to give me back my son." Nakarinig naman ako ng tawa sa kabilang linya.

"Oh darling, wala akong pakialam sa pera mo. Kung gusto mong makitang buhay ang anak mo, pumayag kang makipaghiwalay kay Frank at lumayo ka na sa amin!" nakarinig ako ako ng iyak, kay Raven iyon.

"Ano? Deal?" tanong nito.

"Okay."

Sinabi nito kung saan kami magkikita. Walang mangyayaring masama sa kung susundin ko lang ang pinaguutos niya. Pirmahan ko lang daw ang annulment papers at magsinungaling sa korte para tuluyan na kaming maghiwalay ni Frank.

Bakit ba parang ayoko e gayong hindi ko naman na siya mahal pero para sa anak ko, gagawin ko.

Pinaalalahan rin ako nito na huwag magsasama ng kahit na sino kappag pumunta ako sa pinag-usapan namin pero hindi ko sinunod iyon, tulad ng mga nasa pelikula, nagtawag ako ng pulis.

***

Nangingig ang tuhod kong naglalakad sa abandonadong gusaling ito. Pumasok ako sa isang silid kung saan may naririnig akong ingay dahil alam kong naroon sila. Pagkapasok ko, agad may tumutok sa aking baril at itinaas ang kamay ko.

"Pakawalan niyo siya. Siya ang hinihintay natin." Nakita ko si Bettina ang nagsalita kasama ang anak kong may busal sa bibig. Tumakbo ako papunta sa kanila pero pinigilan ulit ako ng nagtutok sa akin ng baril. Pilit akong nagpupumigwas pero hindi ako pakawalan nito ang tumatawa lang si Bettina.

"'Wag kang masiyadong atat, pirmahan mo muna itong papeles na ito para kaliwaan tayo at 'wag kang masiyadong makumpiyansa, saka na kayo makakahinga ng maluwag kapag tuluyan na kayong hiwalay ni Frank." Iniabot sa akin nito ang papel at ang ballpen.

Tinignan ko siya ng masama at sa sulok nitong silid na ito, may nakita akong tatlong pulis.

Tinanggal ko na ang takip ng ballpen at akala nila ay pipirmahan ko na ang annulment papers pero itinusok ko ito sa may hawak sa akin. May dumating pang isang goons pero natadyakan ko na ito agad. Pumasok na ang mga pulis. Nagtutukan ng baril ang mga goons at ang mga pulis.

Tatakbo na sana ako papunta kay Bettina para kuhain ang anak ko pero binunot niya ang baril at itinapat sa ulo ni Raven.

"Sige, lumapit kayo! Ipuputok ko ito sa ulo ng bata." Sigaw niya.

"No Bettina..."

"Mommy!" lumingon ako sa likod ko at nakita si Frank kasama ang anak nila ni Bettina at walang anu-ano'y may biglang nagpaputok kay Bettina pero ang bata ang natamaan.

"ANAK!!" malakas niyang sigaw at nabitawan si Raven. Kinuha ko agad si Raven at sa isang iglap, nakarinig na naman ako ng putok ng baril. And then, the worst happened.

***

Ngayon ang libing ni Bettina at ng kaniyang anak. Nakakalungkot dahil hindi naagapan. Ayoko talagang pumunta dito ngayon pero gusto kong patawarin si Bettina sa lahat ng nagawa niya sa akin. Para mabigyan na rin 'yung puso niya ng kapayapaan bago umalis sa mundong ito. Kahit paano naman ay may natitira pa ring bait sa puso ko. Mahirap pero kailangan. Maging masaya na lang sana siya dahil sa ngayon, makakasama na niya ang dalawang anak niya. At sana rin, pati ako matahimik na.

"Can I have a word with you?" Frank asked. Lumingon ako kina Kenneth na hawak hawak si Kevin para sabihin na iwan na lang muna kami at umalis nga sina Kenneth, sinabi kong magkita na lang kami sa kotse.

"Itutuloy mo ba talaga ang annulment?" tumango lang ako habang payapang humahampas ang hangin sa mukha ko.

"Yep para matapos na rin ito at para naman ikaw, maging malaya na but promise me you won't hurt ang susunod sa amin ni Bettina. " Natawa ako pero sumunod rin ang luha ko. Peste, iyak na naman.

"No, come back to me. Wala akong ibang babaeng minahal at mamahalin kundi ikaw lang. Bakit ba ayaw mong maniwala? Na hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman ng puso ko."

"Frank naman, kakawala pa lang ni Bettina."

"But I never loved her. Can't we just restore our relationship? Give me another chance. Please."

***

Kung nung mga nakaraang araw, hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip kay Raven, ngayon naman ay hindi ako makatulog dahil kay Frank.

Parang bumabalik lahat... yung pagmamahal- Stop! Stop this Ashley! Wala 'to...

Tumagilid ako at nakita si Kenneth. You better stop thinking about Frank, Ashley.

***

A/N: Last five chapters na lang! :( Anyways, maraming maraming salamat po sa suporta.

~ To Be Continued ~

Written By Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon