Chapter 34: Promise

79.5K 1K 290
                                    

Chapter 34: Promise

ASHLEY

"Frank?! Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na!" Sabi ko nang buksan ko ang gate. Mukha itong lasing na, halata naman sa lagay niyang iyan.

"Please magusap tayo." Umiiyak itong lumuhod sa akin.

"Ang bilis mo namang bumitaw..." Imbes na maawa ako sa kaniya ay nainis ako sa binanggit niya. Ako pa talaga ngayon ang mabilia bumitaw?

"Ang bilis mo akong ipinagpalit." Ito ang pinaka ayoko sa lahat eh, ang umiyak. Ayoko ng isipin niyang nasasaktan pa niya ako hanggang ngayon sa ginawa niya at lalong mas ayokong isipin niya na kaya ako nasasaktan ay dahil mahal ko siya.

"Pero nag sasabi ako ng totoong kahit kailan ay hindi kita pinagpalit." Tumayo na itong muli.

"Pero, Ashley kahit kailan ay hindi kita pinagpalit. Kanina ko pa sinabi 'yan at alam kong alam mo yan. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko..."

"Hindi mo kayang mawala ako sa buhay mo pero natiis mo ang limang taon na wala ako sa piling mo at alam mo ba na sa bawat araw na nag daan ay ipinagdarasal ko na sana sundan mo ako o kahit tawagan noong handa pa ang puso ko na patawarin ka pero ang tanging nandoon lang sa tabi ko ay si Kenneth." Tumaas na naman ang tensiyon sa aming dalawa.

"Pero hindi mo rin alam na walang araw sa loob ng limang taon ang hindi kita naisip. Simula pa lang ay hindi ko na minahal si Bettina. Hindi ko siya kabit at walang relasyong nag uugnay sa amin noon at lalong lalo nang walang pagmamahal na pumagitan sa aming dalawa. Aksidente ang nabuntis ko siya at hindi ko iyon ginusto." Isang tanong lang ang umiikot sa puso't utak ko ngayon eh, "Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?"

Pero kung totoo man 'yang sinasabi niya, dapat hindi ako maapektuhan 'di ba? Bakit parang naapektuhan ako?

"Aksidente? Wow ah? Hindi mo ba alam na napakagasgas na niyang palusot na yan? Walang kayong relasyon? Kaya pala wala ka lagi sa bahay, lagi kang late umuwi, nagbago ka sa akin, hindi mo na ako halos kausapin. Iniwan mo ak bigla dahil sa babae mo."

"Pero kailangan niya ako nung mga oras na 'yun, kailangan ko siyang dalhin sa ospital. Ano bang kailangan kong gawin para maniwala kang simula noon hangang ngayon ay ikaw lang ang laman ng puso ko?!" Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal.

"Putang ina mo, Frank! Kailangan rin kita noon."

"Pero babawi ako ngayon."

"Alam mo, Frank. Lasing ka na. Umuwi ka na sa inyo." Pinagsasaraduhan ko na siya ng gate pero pinipigilan niya ako.

"Lasing ako pero nag sasabi ako ng toto-" nagulat ako nang biglang may sumuntok sa kaniya galing sa likuran ko.

"Frank!" Lumabas na rin si Bettina at inalalayan ang natumbang si Frank.

"Kulang pa yan sa ginawa mo kay Ashley!" Sigaw ni Kenneth.

"Eh sino ka ba?" Maangas na tanong ni Frank. Teka, mukhang hindi maganda ang kakahantungan nito.

"Sumasagot ka pa eh, pare nakakalalaki ka na. Asawa ko 'tong ginugulo mo." Tinulak ni Kenneth si Frank.

"Maangas ka ah?" Ginantihan ng suntok ni Frank si Kenneth at gaganti pa sana ito pero pinigilan ko na.

"Ano ba?! Tumigil na nga kayong dalawa. Kenneth halika ka na." Pinapasok kong una si Kenneth. Naiwan nang nasa labas sina Bettina.

***

Kasalukuyan kong nilalagyan ng ice pack ang pasa sa pisngi ni Kenneth.

"Hindi mo na sana ginawa 'yon." Sabi ko.

"Ashley, promise me hindi ka sasama sa lalaking 'yun. Promise me na ako lang. Promise me na hindi mo ak iiwan." Niyakap niya ako kaya nabitawan ko ang ice pack. 

"Ano ba namang tanong ya-"

"Just promise me."

"I promise."

***

Kinabukasan, naisipan ni Kenneth na ngayon nalang ako ipakilala sa magulang niya. Noong una ay excited pa ako pero parang lately, kinabahan na ako.

"Don't worry, ako ang bahala." Niyakap niya ko patalikod habang ako'y nasa harap ng salamin.

"I'm just worried na baka hindi ako magustuhan ng magulang mo." Sambit ko.

"Shh, don't say that. Kilala ka naman na nila. Personal appearance nalang ang kailangan." Napangiti naman ako. Bahala na si Batman sa akin.

After a couple of minutes bumiyahe na kami papuntang laguna, sa hometown ni Kenneth at hometown ko rin. Pero kinakabahan talaga ako eh. Tinignan ko si Raven sa likuran at nakitang tulog na. Nakahiga na ito sa lap ng kaniyang yaya Pola. Lalaruin ko sana para maibsan ang nerbiyos ko pero tulog naman.

Ibinaling ko nalang ang aking pansin sa labas ng bintana. Saktong tanghali na nang makarating kami sa bahay nina Kenneth. Mukhang mayaman din ang pamilya nito, halata naman sa bahay palang nito. Umikot ang kotse sa fountain at bumaba kami sa harap mismo ng pintuan nila.

"Tara na?" Tumango naman ako. Kumuha ko si Raven kay yaya Pola. Sabay sabay kaming pumasok sa loob at tulad ng inaasahan ko, sinalubong kami ng mama niya.

"Good afternoon po." Pinilit ko pa ring ngumiti kahit sobra sobra na ang kaba ko.

Isang mataray na tingin lang ang natanggap ko sa mama niya. She looked at me head to toe. Binuka pa nito ang malaking pamaypay niya.

"Halina kayo, nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa." Pumunta kami na kami sa kusina. Naroon din ang dalawang kapatid ni Kenneth. Kasama rin yung asawa ng isang kapatid niya. May anak na rin ito.

Lahat sila'y nakatingin sa akin ng seryoso. Yung tipong pinapatay na nila ako sa tinginan nila. Konti nalang ay matutunaw na ako. Bago kami umupo ay pinakilala muna ako ni Kennneth.

"Guys, I want you to meet Ashley. Ashley, My family." Ngumiti ako sa harap nila and still, nakatingin lang sila sa akin.

"Mommy is she my lola?" Raven asked as he pointed Kenneth's mother. Hindi ko alam kung ano isasagot ko, kung dapat ko bang sabihin yung totoo.

"So what brought you here?" Thank god, nagsalita ang mama niya.

"Para ipakilala sa inyo si Ashley." Sagot ni Kenneth.

"Bakit mo pa ipapakilala eh kilala naman na namin siya. Sino ba namang hindi makakakilala sa dating asawa ng presidente ng isa sa pinakasikat na kompanya dito sa pilipinas at pagtapos kuhain ang pera ay lumipad sa amerika. At pagkatapos ikaw naman ngayon kuya?" Parang isang milyong kutsilyo ang tumusok sa akin sa sinabi ng kapatid niya.

"Rafael!" Awat ni Kenneth. Teka, anong ibig sabihin nila na kinuha ko ang pera? Nino? Ni Frank?

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon