Chapter 4: His Side

118K 1.8K 312
                                    

Chapter 4: His Side

I received a text message from Frank. Mapapa-aga na naman daw ang uwi niya ngayon. Alam kong matanda na ako para kiligin pa pero kinilig ako ng makita ko ang katagang 'I Love You' sa dula ng text niya. Napaka unusual na kasi ng mga ganitong text niya kaya naman ginanahan akong magluto.

Alas kwatro pa lang pero naghahanda na ako ng hapunan namin kahit na alas sais ang sabi niyang uwi niya. Kailangan lagi kong pinaghahandaan ang hapunan dahil ito nalang oras na pwede ko siyang maka-usap. Sana naman ay magkausap na kami ng maayos. Namimiss ko na rin kasi siyang malambing.

Ang saya saya ko ngayon. Feeling ko talaga maayos na ang lahat. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

FRANK

I already packed my things. Kailangan ko ng umuwi. Ilang araw na rin kaming hindi nagkakausap ni Ashley, nakalimutan ko na yatang may asawa pa ako. Sobrang hectic kasi ng schedule ko, nag paparamdam na kasi si Papa na ipapamana na sa skin ang Pirouette kaya sinusubukan niya ako.

Aalis na sana ako sa office ko nang may biglang bumukas ng pintuan, si Ahron, isa sa pinaka malapit kong kaibigan dito.

"Bro, going home?" Tanong nito.

"Yup, I have to go." Sagot ko naman.

"Teka, uuwi ka na talaga? Looks like you forgot something..." Inisip ko mg maigi pero wala naman akong nakalimutan, lahat naman ng paper works ko ay tapos ko na.

"Ano?" Tanong ko muli pero tumawa lang ito.

"Makakalimutin ka na talaga, ngayon ang bachelor's party ni Enrique. Di ba? Bukas ang kasal niya. Wag mong sabihin hindi ka makakapunta." Pahayag niya. Bigla naman akong napamura. He should have told me this earlier. Baka maghintay si Ashley. Bukas na nga pala ang kasal ni Enrique. Enrique was also my friend, also my workmate.

"Ano? Tara na." Umalis na ito sa office ko. I checked my phone. What the heck?! Dead battery! How can I text Ashley? I don't memorize her number either. Hindi ko pa dala ang charger ng cellphone ko. I have no choice, pumunta ako sa bachelor's party ni Enrique. Mag papakita lang siguro ako doon ay uuwi na ka-agad.

We headed at Enrique's Condo unit.

"Oh, Pare! Buti nakarating pa kayo. Kanina pa nagsimula ang party but it is'nt over yet." Bungad sa amin ni Enrique ng pagbuksan niya kami ng pinto ni Ahron. May dala pa itong wine glass. Medyo mukhang lasing na siya sa pananalita niya. Tumuloy naman kami sa loob. Dumiretso ako sa isang upuan sa may gilid. I'm trying to open my phone pero wala. Hindi talaga ma-open.

It's already 7:00 pm and I'm sure na kanina pa iyon naghihintay. After a couple of minutes, pinuntahan ako ni Aaron.

"Oh teka, mukhang kanina pa kitang nakikitang hindi mapakali diyan ah?" Sabi ni Aaron.

"Baka kasi naghihintay na sa akin si Ashley, may dala ka bang charger diyan?"

"Naku, wala eh. Mabuti pa, enjoyin nalang natin itong party. Halika dito..." Hinatak niya ako papunta sa kusina. Hindi lang pala lalaki ang nandito, may mga babae rin.

"Oh heto, iinom mo nalang yan!" Sabay bigay niya sa akin ng wine glass pero tinanggihan ko iyon. Kailangan ko nang umuwi.

"Bro, Uwi na ako. Hinahanap na talaga ako mi misis eh."

"Pre, masyado pang maaga oh! Let's just enjoy this night!" Sa sobrang inis ko, inagaw ko na ang basong kanina pa niyang binibigay sa akin. Tinungga ko iyon sa isang inuman lang. Lumapit ako sa cellar at kumuha pa doon ng wine. Nag salin ako sa baso ko at tinungga ulit. Siguro naka apat na baso na ako ng magtipon tipon na ang lahat ng tao sa gitna.

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon