Chapter 8: Anniversary

89.4K 1.3K 61
                                    

Chapter 8: Anniversary

Nagising ako sa mainit na halik sa akin ni Frank.

"Good morning, Hon." Sabi niya at hinalikan ulit ako sa leeg.

"Good morning din, Hon." Ginantihan ko rin siya ng halik at tinanggal ko na ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Napahikab ako at kinusot kusot ang mata ko. Tumayo na ako.

"Opps, sa'n ka pupunta ha?" Nahabol niya ang kamay ko at hinalikan akong muli. Hindi ko alam kung anong nakain nito ang nakuha akong gisingin ng maaga at halik halikan.

"Magluluto lang ako ng breakfast natin." Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Oo aaminin ko, kinikilig ako ngayon sa ginagawa niya. Minsan lang naman kasi niya nagagawa itong ganitong klase ng paglalambing niya.

"Halika muna rito. I wanna spend this morning to you." Bago pa ako makalabas ng kuwarto ay nayakap na niya akong patalikod. Ramdam na ramdam ko sa likod ko ang katawan niya gayong naka sando lang siya.

"Ano ba, Honey naman eh." Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa tiyan ko pero hindi ako maka alis sa pagkakahigpit nito.

"You can't escape me, Hon. If you escape in my arms, you can go prepare our lunch but if you don't, I'll prepare my favorite dinner. You." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa likuran ko dahilan naman para mag init pa ang katawan ko ngayon. Humarap naman ako sa kanya. Ngiting ngiti naman siya. Bigla naman niya akong kiniliti sa bewang.

"Hon! Stop it. Hindi ako makahinga." Kinilit pa rin niya ako at niyakap ako nito at dinala ulit sa kama.

"I won." Ngumiti naman ito ng nakakaloko.

"Ang daya mo! Hindi pa ng-" hindi na ako nakasalita pa ng bigla niya akong sagutin ng mainit niyang halik. Ramdam ko ang sensasyon ng pagdampi ng labi niya sa labi ko.

"Okay, You won." Hinatak niya ako pataas ng kama.

"I'm already ready for friction." He did kissing me torridly. Ako pa ba ang tatakas sa ganito? Minsan lang manlambing ang asawa ko.

"I love you. Happy anniversary." He inched his head to me.

"I love you too. Happy anniversary." Hinalikan na niya ako ka agad. Ang saya saya ko ngayon. Akala ko pa naman makakalimutan na niyang anniversary namin ngayon. Kumpleto na naman ang araw ko ngayon. Parang kahapon lang ang saya saya ko rin dahil nagkaroon ulit kami ng oras para mag bonding.

Nakakatuwa lang kasi kahit itong paglalambing lang niya ay sapat na ako para sa anniversary namin ngayon. Kung puwede nga lang ganito nalang lagi ang set-up namin, hinding hindi ako magsasawang halikan siya. Pero siyempre, hindi naman din niya puwedeng iwanan ang dakilang karibal ko, ang tranaho niya.

Ngayon ay napagtanto ko ng mali ang sinabi sa akin ni Czerene na may babae si Frank. Tignan niyo ngayon, nagkaayos na kami dahil tapos na ang inaasikaso niya. Alam ko naman kasing mahal ako ni Frank at kapag totoo kang mahal ng isang tao, kahit iwan mo ay hindi hahanap ng iba iyan.

Basta ngayon, nawala na lahat ng mga tanong sa isip ko na baka nga may iba na si Frank. Tatlong linggo lang naman kami halos nagkalabuan eh.

Unti-unti niyang tinanggal ang buttones ng suot kong damit at hinubad na ito sa akin. Hinalikan niya ako pababa sa leeg ko hanggang makapunta na siya sa dibdib ko.
Tuluyan na rin niyang tinanggal ang suot niya. Pati ang mga pang baba namin saplot ay wala na rin. We are totally naked by this time.
Bumalik siya sa ulunan ko at pinagpatuloy ang paghahalik sa akin. Mas lalo pang nag init ang mga katawan namin, hindi ko na maalala pa ang sunod na nangyari, The next thing I knew was we made love.

***

Bumaba si Frank ng may ngiti sa mukha habang ako ito, naghahanda ng pagkain namin.

"Anong niluluto mo? Mukhang mabango iyan ah." Niyakap niya ako patalikod. Tumanggal naman ako kaagad baka masunog ang niluluto ko.

"Tumahimik ka nga, fried rice lang yan oh." Sabi ko naman.

"Iba kasi ang impact sa akin eh. Mukhang masarap ulit-ulitin." Hinalikan niya ako sa pisngi. Namula naman ako ng bahagya doon.

"Ano ka ba? Kakatapos lang natin, tumahimik ka nga diyan." Siniko ko siya palayo sa akin. Mahirap na at baka maulit na naman ang nangyari kanina.

"Eh ano naman? Mag asawa naman tayo." Ang harot harot nitong si Frank. Pinagod na nga ako kanina, nagluto pa ako tapos gusto niya ulit.

"Tumahimik ka nga. Malapit na akong matapos dito. Kumain ka na." Pilit kong tinutuon ang pansin ko sa niluluto ko pero talagang malakas ang charm nitong asawa ko. Hindi ko naman din siya masisi kung namiss din niya ako kasi ako talagang namiss ko siya sa loob ng halos tatlong linggo naming hindi pagpapansinan.

"Gusto ko yung desert natin..."

"Tumahimik ka nga!" Kunyari ay nagagalit ako pero ngumingiti ako, hindi naman niya ako nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya.
Pinatay ko na ang gas stove at inilipat na ang niluluto ko sa pinggan. Pinunta ko na ka agad iyon sa dining table para hindi na ako makulit pa ni Frank.

Sinabi pa niyang hindi siya ulit papasok sa trabaho kaya gawin na raw namin ang gusto naming gawin ngayon tutal kahapon naman nakapasyal na kami pero para sa akin hindi sapat iyon sa anniversary namin. Hindi ko rin naman sinasabing gusto ko ng bongga pero mas maganda na rin yun kasi first naman namin ngayon.

"Hindi ka ba talaga papasok ngayon?" Umupo na kaming dalawa.

"Oo, bakit? Ayaw mo?" Naging seryoso ang mukha nito at natigil sa pagsasandok. Umiling naman ako. Hindi sa ayaw ko siyang hindi pumasok, sa katunayan pa nga niyan ay gustong gusto ko. Gusto ko lang kasi sana siyang isurprise.

Natapos na kaming kumain pero hindi pa rin kami nag iimikan. Nagtampo siguro 'yon. Hay, kung alam lang niya ang gagawin ko. Kung sasabihin ko naman ay hindi na surprise yun.

"Hon, halika rito." Hinigit ko siya sa may salas at naglagay ng cd sa may player.

"Favorite natin iyan di ba?" Inilagay ko ang kamay niya sa bewang ko.

We danced and sway through the music. Ang bilis ng kabog ng puso ko.

Biglang nag ring ang cellphone ni Frank. Kinuha niya ito, "Hon, kailangan kong pumasok." Bigla namang bumagsak ang balikat ko at nakaramdam ng lungkot.

-

(A/N: I'm sorry about this chapter. I have no idea about the first part of this chapter. Hindi yata effective hahaha, wala pa naman kasing experience at wala rin naman akong alam diyan kaya please, forgive me hahaha.)

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon