Chapter 31: A New Beginning

87.1K 1.1K 79
                                    

Chapter 31: A New Beginning

ASHLEY

5 Years Later...

"Raven, just stay with mama. Baka kuhain ka ng ibang tao. Gusto mo ba 'yon?" Umiling naman ito sa akin at hinigpitan ang kapit sa aking kamay. Our has just landed in my hometown, Philippines. Hanggang ngayon ay parang may pag aalinlangan pa rin akong bumalik dito. Maayos naman na kasi kami ng bago kong pamilya sa states but Kenneth wants to live here at dito na lang ipagpatuloy ang mga buhay namin. Mas madali raw kasi dito dahil nandito ang business niya. Though hindi ganoon kalaki ang hinahawakan niyang business 'di tulad kay Frank, sakto na rin para mabuhay niya kami. Sa katunayan nga ay may binili na raw siyang bahay para sa amin dito. Ayaw pa niyang sabihin kung saan, pagdating na lang daw. Lumalaki na rin si Raven at gusto niyang dito na lang din siya paaralin. Besides, he wants me to personally introduce to his parents at siyempre ganoon din naman ako.

Si Kenneth ang tanging taong naging karamay ko sa America. We accidentally met again in our flight bound for U.S. ago. Siya ang unang nakaalala sa akin dahil siya nga pala ang nagdala sa akin noon sa ospital nang malaman kong buntis ako. Simula noon, lagi na niya akong dinadalaw at alagaan ako sa pagbubuntis kay Raven. Siya rin ang dahilan kung bakit nawala lahat ng galit sa puso ko. Ang dahilan kung bakit nawala sa puso't isipan ko si Frank. Lahat ng sakit ay pinalitan niya ng pagmamahal. Tinuring niyang parang tunay niyang anak si Raven kaya mas minahal ko siya ng lubos.

After I gave birth to Raven, nag sama na kaming dalawa. Napakasaya ko noong una kong marinig ang iyak ng aking anak. He's the main reason why I'm still living in this world.

Si Kenneth na rin ang pinakilala kong tatay niya at ni minsa'y hindi nabanggit ang tunay na tatay. Walang nakaka-alam na kahit na sino ang tungkol kay Raven kundi ako at si Kenneth lang. Malakas kasi ang kutob ko na ipaglalaban niyang kuhain sa akin ang anak ko. Kilala ko si Frank. Hinding hindi papayag na hindi makuha ang kaniya.

"Malapit na raw si Mang Roger. Gusto niyong mag mall muna?" Tumango na lang ako. Hindi pa rin naman kami kumakain. After a couple of minutes, dumating na rin ang personal driver nito.

***

"May bibilhin lang ako saglit sa supermarket. Si Raven tignan mo baka lumayo." Sabi ni Kenneth at umalis na. Pumipili kasi ako ng damit para kay Raven.

"Raven look oh, this polo looks good for you. Halika, sukatin natin."

"I don't want that, I want toys." Nakasimangot pa ito.

"Toys again? Eto na lang, color blue your favorite." Nang kinuha ko na ang color blue na polo, nawala na siya agad sa harap ko. Agad akong napatakbo at mabuti na lang, kaagad ko siyang nakita sa may tapat ng isang toy's store pero nag taka ako nung makita kong may kausap siyang lalaki. Pinuntahan ko na siya at nagulat ako sa nakita. This must not be happening.

"Raven..." Napatingin sa akin ang lalaking kumausap sa kaniya, si Frank. My heart started to tremble. Hinigit ko si Raven sa tabi ko.

"Ashle-" hindi pa niya natatapos ang linya, narinig ko na ang boses ni Kenneth. Lumapit rin ito sa amin at inakbayan ako. Nagtinginan muna silang dalawa bago kami umalis. I was frozen that time. I don't know what to do, I don't know what to say after seeing the one who I loved the most and the one who hurt me most. I can't understand what I feel right now. Parang lahat ng sakit bumalik.

Sinabi ko kay Kenneth na wala na akong ganang mag ikot-ikot pa, tapos na rin naman kaming mananghalian. Pumasok na kami sa kotse.

"Ano bang sabi ko sayo Raven? 'Diba ang sabi ko 'wag kang lalayo. Tignan mo, 'yung lalaki kanina. Kung kinuha ka n'un?!" Napaiyak na si Raven. Masiyado lang akong nagalit at sa kaniya ko pa nabuntong.

"Ashley? 'Wag mo namang ganyanin 'yung bata. Just forget about what happened earlier." Sabat naman ni Kenneth habang niyayakap si Raven and I just rolled my eyes. Di na sana ako pumayag pumunta dito.

"We bumped to each other and he just said sorry. That's it." Raven said between his sob.

Nakatulog na lang ako hanggang sa makarating na kami sa bahay. Nagising ako dahil sa sigaw nilang dalawa. Naka-open lang ang pintuan ng kotse na nasa harapan ko kaya nakikita ko ang labas ng bahagya. Teka, this place looks familiar or am I just hallucinating?

"Surprise! This is our new home. This is where we will build our new lives." Inalalayan akong bumaba ni Kenneth sa kotse. Halos mabuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako naghahacinate o ano lang, hindi ako puwedeng magkamali, nasa greenville kami. And I was literally surprised dahil ang katabi mismo ng bahay namin ay ang bahay ni Frank. What the hell is going on?!

"Aren't you surprised or happy? Hindi ba maganda?" Napansin siguro ni Kenneth na parang hindi ako interesado sa bahay. 'Di sa hindi ko gusto ang bahay, ang hindi ko matatanggap ay ang maging kapit bahay si Frank. Hindi ako bumalik ng pilipinas para maalala lahat ang nakaraan pero parang ganoon ang nangyayari.

"No, I'm happy. 'Yung kapitbahay lang natin." Napatingin ako sa gawing kanan. Nananadya talaga ang tadhana.

"Hay, wag mo na intindihin 'yun. Halika na sa loob. Hinawakan niya ang kamay ko habang papunta kami sa loob pero nakatingin pa rin ako sa bahay na dati kong tinitiran.

Sinalubong kami ng mga maids. Lahat sila'y nakangiting binati ako kaya pinilit ko na lang ding ngumiti. The house was fully finished. Fully equipped with appliances an etch. Masasabi kong pinaghandaan ito ni Kenneth sana tinanong na lang niya ako kung saang subdivision siya bibili. Okay rin naman dito sa greenville pero ang hindi ko matatanggap ay katabi pa namin ng bahay sina Frank at imposible namang hindi kami magkita lalo na si Bettina.

Buong gabi akong nasa balcony. Still thinking of what might happen, sabi nga nila walang sikretong hindi nabubunyag. Ayokong malaman ni Frank na may anak kami. Selfish na kung selfish pero akin lang ang anak ko.

Nakita kong lumabas rin si Kenneth dito sa may balcony, tinabihan ako nito.

"Thinking about what happened earlier? About your ex Frank and Raven?"

"Yes." Mahina kong sagot.

"Naisip mo na rin bang kahit papaano ay may karapatan pa rin si Frank dahil anak niya yan." Sumimangot ako dahil sa sinasabi niya.

"Ayoko ng naiisip mo. Hindi mo ba naisip na puwede niyang kunin sa atin si Raven?"

"Siyempre hindi ko hahayaan 'yun, anak ko na si Raven. Inabandona na niya kayo at hinding hindi na niya kayo maagaw sa akin." Sabay yakap niya sa akin. I feel so secure with him. This is the best feeling ever, 'yung kayakap mo 'yung taong takot na mawala ka sa kaniya. To be honest, at first, hindi ko siya mahal pero natutunan ko na lang din siyang mahalin. Hindi naman siya ganoon kahirap mahalin.

"Paano kung malaman niya? Kenneth, kaunting hakbang lang ang mga pagitan natin sa kanila ngayon at hinding hindi ako matatahimik kapag lagi kong makikita ang mga bagay na makakapag paalala sa akin ng sakit na dinulot niya sakin. Puwede bang bumalik na lang tayo sa U.S? Please, ayoko dito." Nagsimula na akong lumuha. Bumabalik kasi talaga lahat eh. I thought I'm better now, akala ko matapang na ako.

"Mahal mo pa rin ba kaya nasasaktan ka pa rin?"

"No."

A/N: Hello! :) Masiyado bang mabilis ang five years? Don't worry, I'll give special chapters about what happened for their last five years. And again, I wanna thank you all for reading this. Happy 20k reads yey! :)

For Suggestions, Critics or anything, just comment it below :) I would very much appreciate it.

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon