Chapter 11: Surprise

86.7K 1.1K 24
                                    

Chapter 11: Surprise

ASHLEY

Medyo maaga ang uwi ngayon ni Frank at nakapagtataka pa dahil pinabihis niya ako. Hindi ko alam kung ano ang mayroon, kung may gagawin ba siya para sa anniversary namin pero ayoko namang mag expect. Mamaya hindi ko lang magustuhan ang mangyayari kung sakali. Wala namang ibang nakalagay doon kundi ang magbihis lang daw ako kasi susunduin daw niya ako.

Medyo masama pa ang loob ko sa kahapon. Oo, ako masiyado sinusurpresa ni Frank pero masakit lang yung ginawa niya sa akin. Alam naman niyang anniversary namin, umalis pa rin siya. Mas matimbang ba ang trabaho niya kaysa sa akin?

Pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung si Frank nga ba iyong may kasamabang babae. Ayoko naman ding pangunahan ang kutob.

Halos saktong pagkatapos kong mag-ayos ay dumating na siya. Bumaba ako at sinilip siya pero mukhang nasa sasakyan pa siya. Tinignan ko naman siya doon at sinabing i-lock ko na daw ang bahay. Hindi ko alam pero parang nagmamadalli siya. Parang may hinahabol.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ng makapasok sa sasakyan.

"Basta." I felt so awkward. Ewan ko kung bakit, hindi lang siguro ako sanay ng nagsusungit siya. Ang cute lang.

Bakit ganoon? Imbes na magalit ako dahil sa ginawa niya kahapon ay parang natutuwa pa ako. Siguro dahil kasama ko siya ngayon. Wala namang halos  tumatagal na galit ko sa kaniya dahil isang ngiti lang niya o sa simpleng paglambing niya sa akin ay gumagaan na ang loob ko. Wala eh, mahal ko.

Hindi ko nalang muna siya kinulit pa kung saan kami pupunta dahil nagmamaneho siya at baka pagod lang talaga dahil nabanggit niya sa akin na ngayon ang last day celebration nila.

Mukhang malayo pa naman ang pupuntahan namin kaya natulog nalang ako. Napagod kasi ako kanina. Wala akong ibang ginawa sa bahay kundi ang maglinis lang.

"Hon, Ashley, Nandito na tayo." inalogalog niya ang balikat ko kaya naman ay nagising na ako. Tinignan ko ang labas ng bintana at nakita kong nasa airport kami. Nagising naman bigla ang diwa ko.

"Bakit tayo nandito? Aalis ka ba?" Tanong ko. 

"Oo aalis ako, kasama ka." nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon.

"A-aalis? Aalis tayo?" pautal-utal kong tanong. Totoo na bang nangyayari 'to o nanaginip pa rin ako ngayon?

"Oo kaya lumabas ka na diyan at baka mahuli tayo sa eroplano."

"Teka, paano yung bagahe? Yung passport? Saan ba tayo pupunta? Paano itong sasakyan mo?" Sunod-sunod na tanong ko dahil hanggang nguon ay hindi oa rin ako makapaniwalang isusurpresa nga ako ni Frank ng ganito.

"Naayos ko na kagabi pa lahat ng gamit natin. All is set. Tinawagan ko na rin si Aaron para dito sa sasakyan." lumabas na siya at kinuha sa compartment sa likod ang mga bagahe namin. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang kaibigan ni Frank na sumundo naman ng kotse niya.

Gusto kong sumigaw, gusto kong tumalon, gusto kong magwala sa

sobrang saya pero hindi ko naman iyon magawa dahil maraming tao dito. Kaya sa loob ko na lang tinago lahat ng saya sa puso ko.

Kahit naman sa simpleng lugar lang kami magbonding pero heto, binigay ng asawa ko ang gusto ko.

Hindi na kami nagtagal pa at pumasok na kami sa loob ng eroplano.

Pinipisa-pisa ko ang kamay ni Frank dahil hindi ko kang talaga mapigilan ang pag ka-excite ko ngayong nalaman kong sa hongkong kami pupunta. Napapailing at napapatawa na lang si Frank sa reaksiyon ko. Hindi ko alam na may marunong din pala siya magsurpresa ng ganito.

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon