Chapter 17: Promotion

64.3K 943 36
                                    

Chapter 17: Promotion

ASHLEY

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung mag-away kami at ngayon, nagka-ayos na kami.

"You look pretty tonight. Sabi ko naman sa iyo hindi ba? Para sa atin itong ginagawa ko. Siguro kung hindi ako nagpapansin, kay Kuya mapupunta ang Pirroutte." He kissed me on my cheeks while I'm staring my reflection on my mirror.

Excited na excited siya dahil ngayon ang gabing matagal na matagal na niyang hinihintay. Later this night, siya na ang presidente ng Pirrouette, inc. Tatlong kumpanya kasi ang hawak ng tatay niya kaya his father decided na ibigay sa dalawa niyang anak ang dalawang kumpaya para mas matutukan daw ang mga ito.

Kanina pa nga siya alas singko nakabihis e samantalang alas nuwebe ang event.

At precisely 9 o' clock in the evening, we arrived at the Deguia's Residence. Matapos ang kalahating oras, nagsimula na rin magsalita ang daddy nito sa harapan. He even give an apology for being late.

"This companies are very important to me. I've worked harder to built what you see now. Until now, I really can't imagine I could produce many of these." Tinuturo pa ng daddy niya mga pictures na nagfa-flash sa screen. Tinignan ko naman si Frank sa tabi ko, hindi ko alam kung anong tamang itawag sa nararamdaman niya ngayon basta ang alam ko lang, napakasaya niya. Mahal na mahal nga talaga niya ang kumpayang kinalakihan niya.

"Saksi ang dalawa kong anak sa pag usbong ng Deguia Group of Companies and now, I'm passing the Deguia hotel chains and Pirrouette Incorporated to my two sons. Francis Deguia is the new senior president for Deguia Hotels and Frank Deguia is the new senior president for Pirrouette Incorporated." Nagsipalakpakan naman ang lahat at siyempre ako rin. Full support ata ang misis niya dito. Pumunta silang dalawa harapan. Naunang magbigay ng speech ang kapatid niya at sunod naman siya.

Bigla akong nagulat ng magring ang cellphone niyang nakapatong sa lamesa. My mood changed when I saw Bettina was the one who's calling. I don’t want to answer it but I’m curious if what she is going to say so I click the accept button.

“Hi Baby Frank. I know you’re busy but I just want to congratulate you. Nabalitaan ko kasi na ikaw na ang maghahawak ng Pirrouette. Mag pa burger ka naman diya-“ binaba ko na ang linya. Ang galing lang ha? Nabalitaan niya agad. Nagsipalakpakan na ang lahat, tapos na pala magbigay ng speech si Frank. Nakakainis, hindi ko man lang napakinggan.

Halos madurog ko ang telepono niya. Naiiyak ako, feeling ko pinapatay ang loob ko. Nagsisisi tuloy akong sinagot ko pa ang tawag niya.

Hanggang sa dumating na ang kainan. Mag-isa lang ako dito sa table namin. Wala pa rin akong gana kasi hindi ko na naman kasama si Frank kasi ang daming kumakausap sa kaniyang guest at isama mo pa ang mga media at press na patuloy silang kinukulit.

Nababaliw na ako sa Bettina na iyan! Sino ka ba kasi Bettina?

Huminga ako ng malalim para pigilan ang nangingilid kong luha at kumuha ng pagkain para na rin tignan kung nasaan na si Frank. Para tuloy akong spy dito.

Biglang may bumangga sa akin, ay hindi, ako pala ang nakabangga. Natapunan ko tuloy siya juice na dala dala ko.

“Sorry…” Sabay naming sambit kaya nagkatinginan naman kami.

“Teka, Ashley? Ikaw na ba ‘yan? You look so different.” How does he know me? I’m trying to remember him but…

“Ako ito, Si Seth! We’re classmates hindi ba? Third year, behind Carlos’ chair.” Tama, naalala ko na nga siya. Siya ‘yung dating nanliligaw sa akin, bakit nga ba hindi ko siya naalala agad?

“Musta? Long time no see ah?”

“Ito, employee ng asawa mo.” Sinabi kong samahan niya ako sa table. Mabuti naman at may makakausap na ako.

“Grabe, hindi ka na ma-reach. Alam mo, ang suwerte mo diyan sa asawa mo.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ako masuwerte sa asawa ko? Dati, noong hindi pa kami nagkakalabuan.

“Hindi naman, tao pa rin naman ako. Paano mo naman nasabing masuwerte ako?” Natatawa kong sabi.

“Kasi, bukod sa mabait na boss ‘yan, sobrang hardworking pa kaya nga no wonder kung bakit siya na ang hahawak ngayon ng Pirrouette.” Napailing na lang ako, puwede na yata ako palitan ng trabaho niya bilang asawa niya.

“Ahmm, teka may tanong ako. May kaibigan bang babae ‘yang sir mo?” Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya para walang makarinig. Nagpunas ito ng table napkin at saka sumagot.

“Wala naman akong nakikitang may nakakausap siyang babae bukod sa sekretariya niyang napatalsik. Bakit? Nag dududa ka na bang nag babae ang asawa mo?”

“Hindi naman.” Pagsisinungaling ko.

“Naku, ganiyang ganiyan ‘yung misis ko. Masiyadong madaling magduda pero alam ko namang hindi ka kayang saktan niyan ni Frank.” Hindi na ako masiyado pang nagtanong tungkol kay Frank pero kahit na sabihin pa niya lahat ng salitang makapagsasabi kay Frank ay hindi pa rin maalis sa isip ko si Bettina.

“Are you happy with your marriage?” Hindi ko alam kung bakit ko natanong ‘yun.

“Nope, I’m not happy because no words can describe how happy am I with Shiela.” Ang chessy pero ang sweet.

“Woah? Pinatulan ka ni Shiela?” Naaalala ko, si Shiela ‘yung ka batchmate namin.

“Alam mo kasi, ang pagmamahal walang pinipiling lugar o oras ‘yan kaya nga hindi ako naniniwala dun sa sinasabi nilang at the right time and at the right place kasi pag natamaan ka ng love, boom.” Sabagay, hindi mo rin naman malalaman kung kailan at saan ‘yung right time at right place na ‘yun.

“Agree ako sa iyo diyan.” sa kakausap namin, hindi ko namalayang naubos ko na ang pagkain ko. Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa highschool moments namin.

Tinignan ko si Frank. Wala ng kumakausap dito at nakasimangot. Nag excuse muna ako kay Seth. Gutom na yata ito at pagod na pagod na. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang butil butil na pawis sa noo nito.

"Hon, tara kain na tayo." Nagulat ako ng bigla niyang hinalbot ang braso ko at pinunta sa likuran ng damuhan kung saan walang taong makakakita sa amin. Pilit ko namang tinanggal iyon pero matindi ang pagkakakapit niya. Ano na naman bang nagawa kong hindi niya nagustuhan?

"Bitiwan mo nga ako! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko.

"Akala mo ba hindi kita nakikita? Sayang saya ka doon sa manliligaw mo ah?" He said, sarcastically. So Seth and I are the problem here. This man is really insane.

"Ano ba? May asawa na 'yung tao and besides, nag-uusap lang kami at lalong lalo na'ng wala kaming ginagawang masama kaya 'wag kang magalit diyan." Depensa ko sa sarili ko. Parang kanina lang tuwang tuwa ito sa promotion na natamo pero ngayon akala mo kung sinong demonyo ang sumapi at bigla bigla na lang magagalit.

"Anong pinag-uusapan niyo? Yung mga memories niyong dalawa? Bakit did you missed him? Mas gusto mo na ba siya?" My heart suddenly shattered into pieces. Tumagos sa akin iyong mga sinabi niya. Napakasama ko bang babae para pagbintangan niya ng mga ganiyan? He really changed, a lot.

"Teka nga, bakit ba you keep on pushing me sa maling binibintang mo? Last week pinagselosan mo 'yung kaibigan kong hinatid ako dito at ngayon naman 'yung kaibigan kong kinakausap ko lang. Ano ba talagang nangyayari sa iyo, Frank? Wala ka na sa lugar kung magselos. Maiintindihan naman kita pero puwede naman nating pag-usapan ito." A tear finally rolls on my cheeks.

"I'm not that girl you're thinking of." Mabuti na lang at may tumawag sa kaniya. Hinawakan naman niya ako ng mahigpit at sinama sa pinuntahan niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa pinaggagawa niya e.

Umuwi kami ng hindi nag-i-imikan, as in wala kahit isang salita. Sunod-sunuran lang ako sa kaniya kanina.

"I'm 'bout what happened earlier." Sambit nito bago kami bumaba ng sasakyan. And now I understand him, alam nga pala niyang niligawan ako dati ni Seth.

"Okay na 'yun. I still love you no matter what." I gave him my sweetest smile and he also gave his.

~To Be Continued~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon