Chapter 20: Still Hiding It

74.1K 963 105
                                    

Chapter 20: Still Hiding It

Nandito kami ngqyon ni Ashley sa simbahan. Tutal linggo naman at walang trabaho. Matagal na rin kasi ang huli naming bisita rito sa simbahan.

Tinignan ko si Ashley habang nakikinig ng homily ni Father. Masayang masaya siya habang nakikinig. Tumingin din siya sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kaniya. Nginitian lang niya ako at ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.

Pinilit kong mag concentrate sa pakikinig pero hindi pa rin maiwang hindi sumagi sa isip ko ang pagkakamaling nagawa ko. Kahit na halos isang buwan na ang nakakalipas, bakas pa rin sa isip ko ang nangyari sa amin ni Bettina ang gabing iyon.

Good to hear, wala na akong balita sa kaniya at hindi ko na rin siya nakikita pa. Dumating pa sa puntong kinailangan ko pang burahin siya sa telepono ko na dapat ko naman talagang gawin. I also did blocking her from sending me a text message or to call me. Mabuti nang wala ng nag-uugnay sa aming dalawa.

Hindi na rin siguro kailangan pa ng closure iyon, sapat na itong ginagawa ko ngayon.

Tinignan kong muli si Ashley mula sa gilid ko. Nakokonsensiya ako. Pilit kong tinatago tago and it kills me. Every time na may kahinahinala siyang itinatanong sa akin ay kinakabahan ako. Kaya nandito ako sa simbahan, humihingi ng tawad sa diyos sa ginawa ko.

Pero kay Ashley, hindi ko pa siguro kayang humingi ng tawad. Masisira lang ang relasiyon namin. Hindi pa siguro sa ngayon, pero balang araw, masasabi ko rin.

"Hoy, Frank! Kanina ka pa tulala, nakikinig ka ba?" Nagulat ako sa pag-siko niya sa akin. Nasa simbahan nga pala ako para magsimba hindi para isipin ang masamang nangyari. Masiyado na yatang lumipad ang isip ko.

"Oo nakikinig ako." Pagsisinungaling ko. Sorry, nakapagsinungaling na naman ako.

ASHLEY

Ang saya saya ng araw ko ngayon, well lagi naman akong masaya kapag kasama ko si Frank. Iyon nga lang, ang weird niya ngayon at nung mga nakaraang araw pa. Mistula kasing estatuwa siyang nakatayo dito sa gilid ko.

I bet, he is thinking about his job again. Hindi na nga siguro mababago iyong pagiging work-a-holic niya. Ngayon pa lang sinasabi ko na, hindi maganda ang mag-asawa ng presidente ng isang malaking kumpanya kung selosa ka. Kasi ako, oras at trabaho niya ang pinagseselosan ko. Pero mas mabuti naman iyon kaysa sa tao 'di ba?

Mayroon akong ipinagdasal ngayon, gusto ko nang magkababy. Isang taon na rin kaming kasal ni Frank at limang taon na lang ay trenta anyos na ako. Mahirap ng magbuntis.

Gusto ko kasing maging isang pamilyang buo na kaming matatawag ni Frank. Gusto ko na maging nanay, gusto ko 'yung may inaalagaan na ako. Kahit sino naman siguro gustong magkaroon ng pamilya 'di ba? At saka, nararamdaman ko kasing gusto na rin ni Frank na mag ka-anak.

Pero habang hindi pa naman ako buntis, gusto ko munang mag trabaho. Wala lang, just to spend my time at sa kabilang banda, kumikita pa ako kahit na sabihin nating sapat na ang kinikita namin ni Frank. Isa pa, pagod na rin ako sa kakatitig sa kisame at hintayin siyang umuwi sa bahay.

Pagkatapos ng misa ay sinabi niyang pumunta na lang kami sa mall at doon kumain ng lunch pero sabi ko huwag na lang doon. Nakakasawa ang pare-parehong pagkain nalang ang natitikman mo kaya sinabi kong sa park na lang kami, katulad ng dati naming gawain, kumain at ako ang mag luluto ng pagkain sa bahay kaya umuwi muna kami saglit.

Pagkatapos naming maghanda ay pumunta na kami sa park at inilatag ang sapin na kinuha namin.

Naalala ko tuloy noong bago pa lang kami ni Frank.

Shattered Wife #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon