Chapter 89

251 10 0
                                    

"CRIMINAL case number 90734. People of the Philippines versus Estella Ranollo y Martin. After much deliberation and presenting solid pieces of evidence, this court found the accused guilty of the first-degree murder of Colleen Meredith Monares, is hereby sentenced to life imprisonment with no possible parole!"

Nasigawan sa labis na tuwa ang buong pamilya ni Carter nang marinig ang desisyon ng korte. Hindi maiwasan ni Carter ang maging emosyonal. Parang kailan lang ay siya ang naroon at nakatayo, pinatawan ng parusa sa kasalanan na hindi niya ginawa. Sino ba ang mag-aakala na makalipas ang mahigit isang dekada ay mahahanap pa rin nila ang katarungan.

"CJ! CJ! Patawarin mo ako! CJ!" paulit-ulit na sigaw ni Stella habang nagwawala ito at nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga pulis at sapilitan itong nilalabas ng korte.

Hindi sumagot si Carter, sa halip ay isang masamang tingin ang pinukol niya rito.

"Carter! I'm sorry!"

Naging bingi siya sa mga salita nito at tuluyan nang tinalikuran ang babae. Mahigpit na niyakap siya ni Lei. Napilitan silang magbitaw nang lumapit sa kanila ang abogado at may inabot na papel.

"Congratulations, Mr. Monares. Mula sa araw na ito, lahat ng criminal records mo ay burado na. You're no longer an ex-convict," sabi nito.

Emosyonal na binasa ni Carter ang papel pagkatapos ay muli silang nagyakap ng mahigpit ni Lei.

"Congratulations, baby. You did it. You finally did it!" sabi nito.

"Hindi na ako ex-convict," masayang wika niya.

"I'm proud of you, baby. I'm so happy for you. Natupad mo na ang pangarap mo."

"I couldn't have done this without your help, thank you so much, baby," sagot niya.

"Alam mo na gagawin ko ang lahat para sa'yo, James."

"I love you so much," bulong niya sabay halik sa sentido nito.

"I love you more."


PORMAL ang mukha ni Lei nang dumating si Stella. Biglang naglaho ang ngiti nito nang makita siya. Lumapit ito sa mesa kung saan siya naghihintay at naupo sa katapat na silya.

"Alam ko na hindi ako ang gusto mong makita, pero wala kang choice. My husband and his family never wish to see you, nor speak to you ever again. Gusto ni James na tuluyan ng putulin ang kahit anong ugnayan ng pamilya namin sa'yo," pagsisimula niya.

Bumuntong-hininga si Stella.

"Alam ko. Pero umasa pa rin ako kahit paano."

"Anyway, nandito lang ako para ipakita sa'yo 'to," sabi ni Lei saka inabot ang folder.

"What's this?"

"Basahin mo."

Binuklat nito iyon at binasa ang papel na nasa loob.

"Dead of sale, at sulat ng kasunduan ni Lola Matilda at ng Lolo at Lola mo, at iba pang papeles na nagsasabi na legal at hindi kinamkam o sapilitan kinuha ng mga Monares ang lupa n'yo gaya ng sinabi mo."

Habang binabasa iyon ni Stella ay umaagos ang luha nito. Matapos iyon ay binalik nito sa kanya ang folder.

"Walang ninakaw sa'yo ang mga Monares. Dumaan sa legal at maayos na proseso ang pagkuha ng lupa sa mga lolo at lola mo. Binenta nila iyon kay Lola Matilda."

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon