Chapter 15

162K 3.9K 261
                                    

Maaga akong pumasok kinabukasan dahil absent ako kahapon, kailangan kong malaman ang mga ginawa at kung may mga kailangan ba. Tanghali na ako nagising kahapon at pinili ko nalang magstay sa bahay at manuod ng kung ano-anong movies para palipasin ang buong maghapon ko. Binalak kong puntahan si Mikael pero... nahihiya akong humarap sakanya. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento sakanya na hinalikan ko si Hugh at hinayaan kong halikan ako ni Hugh.

Hindi din ako nagcheck ng phone ko buong maghapon. Umaga pa lang, pinatay ko na ito. Nakokonsensya din ako sa sinabi ko kay Lance... but I'm just being honest. I like Hugh but I am very much in love with Mikael and no matter what, alam kong si Mikael at si Mikael lang ang mamahalin ko ng ganito. Iyon ang gusto kong ipaintindi sakanya.

Hindi ko na inabutan si Lance sa bahay namin paggising ko kahapon. Gustuhin ko man siyang kausapin, I know he's still pissed. Ayokong mag-away kami lalo kaya naman dumistansya na muna ako sakanya. Kahit naman kasi topakin siya, mahal ko siya. He's my best friend.

Pagbukas ko ng cellphone ko habang nakaupo sa damuhan ng school, sunod-sunod ang pagpasok ng messages. As usual, may galing kay Cielo, hinahanap ako. Hanggang ngayon, hinahanap pa ako nito? Hindi ko ata nasabing pauwi na ako. I'm really not in the mood to talk to anyone. May text din galing kay Maha na nag-aayang gumala. May nakita akong text from Dale and from other models about the schedules. May GM din si Rui ng kung anong quote. I wonder kung saan niya napulot 'yon.

Pero ang text ni Fall ang nagpakunot ng noo ko at umagaw ng atensyon ko.

Fall:
Where are you? - Fall

Fall:
Are you with Hugh? Is your phone dead? Damn it, answer me.

Fall:
Nevermind my messages. I found him.

Hindi ko napigilang kabahan. Anong nangyari kay Hugh? Bakit ganoon nalang kung magtext sa akin si Fall?

Hindi ako nag-abalang magcompose ng message para kay Fall. I dialed his number. Nakaka-anim na ring na bago niya ako sinagot.

"What happened?" Bungad ko sakanya pagsagot niya sa tawag ko.

"What?" He asked me. Kumunot ang noo ko. Mukha namang kalmado ang boses ni Hugh... pero lagi naman siyang kalmado, eh. What's the problem, then?

"Your texts. Ngayon ko lang narecieve. What happened?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang naghihintay sa sagot niya.

I heard him scoffed. "That text was one day old, already."

I rolled my eyes. Ang daming pasakalye naman nitong si Fall. "Fall, just tell me what happened. Nasaan ka ba? Studio niyo?"

"No. Hugh's pad. He's sick."

Natigilan ako sa sinabi ni Fall. May sakit si Hugh? Kahapon pa? Bakit walang nagsabi sa akin?

Napahawak nalang ako sa noo ko.

Ugh! Bakit ko ba kasi ini-off ang cellphone ko mula kahapon? Stupid!

"What happened? Is he okay now? What?" Nag-aalala kong tanong dito. Ako ang huling kasama ni Hugh bago siya nagkasakit. Anong nangyari sakanya nung umuwi siya? Paano siyang nagkasakit?

"I guess so? He's sleeping." Malamig pa sa yelo ang boses ni Fall. Napailing nalang ako. Ang hirap basahin ng lalaking 'to. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalitang muli. "Okay, I'll just go there and check if he's okay. May kailangan ba siya? Food? Meds... what?" May madadaanan naman akong drive thru na drug store kaya makakabili ako ng kailangan ni Hugh kung sakali.

"Naah. Just you. I'm sure he'll just ask for you instead of those meds." Ani Fall sa akin. Napailing nalang ako. "Okay, papunta na ako diyan." I ended the call and heaved a sigh. Buti nalang ay wala kaming klase ngayong hapon kaya makakapunta ako kay Hugh. They cancelled the class para sa foundation day na gaganapin next week. Ngayong araw kasi ang pagpa-finalize ng mga org ng gagawin nilang activities. Good thing's hindi ako sumali sa mga orgs. I'm with the Amaranth and for the founding anniversary ng school, they need to play for the students.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon