Chapter 53

178K 4.4K 703
                                    


--

"Dahan-dahan naman..." he said, frowning. I rolled my eyes. Paano kaya kaming matatapos ng mabilis kung babagalan ko? Kanina pa siya reklamo ng reklamo kaya mas natatagalan kaming dalawa sa ginagawa namin.

"Huwag ka na kasing magalaw at magreklamo para matapos na, okay?" mataray na sabi ko sakanya. Pinanlakihan ko pa siya ng mata. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa ginagawa ko. Hindi naman ako magaling sa ganitong bagay, eh.

"Damn it, dinidiinan mo, eh," nakasimangot pa rin na sabi niya na hinawakan ang kamay ko para pigilan muna ako.

Again, I rolled my eyes. "Paano ko ba lilinisin 'yang sugat mo at gagamutin kung 'di ko didiinan?" tanong ko na muling diniinan ang bulak na may alcohol sa gilid ng labi niya. Nakakapikon na 'tong lalaking 'to.

Napailing nalang ako. Sigurado akong masakit ang pagkakasuntok ng Kuya ko kay Mikael. Nag-iwan pa ng bakas ang suntok na iyon sa mukha ni Mikael, eh. And I can't blame my brother. He saw how devastated I was. Napaka-protective ng Kuya ko sa akin.

Napa-aray ulit si Mikael bago ko tinigilan ang pagpupunas ng bulak sa sugat niya. "Hindi naman siguro mamamaga 'yan..." sabi ko sakanya. "Kung bakit kasi sinalo mo 'yung suntok ng kuya ko," I even rolled my eyes again. Lumayo na din ako sakanya at umpo sa pang-isahang upuan na naroon.

"I don't care if your brother will punch me again and again, Mikaela. I'm not going to stop until you're mine again. Ipapakita ko sa'yong mahal kita," seryosong sabi niya sa akin. Hindi naman na ako nagsalita. Wala naman kasi akong sasabihin.

Nang umalis kami sa Sweet Desire, sa bahay niya kami dumiretso matapos kaming mamili ng kailangan para sa sugat niya. Kanina pa ako tinatawagan ni Lance pero minabuti kong wag nalang munang sagutin ang tawag nito. Mamaya nalang siguro ako magpapaliwanag sakanya kung bakit ko ginawa ang ginawa ko.

Nakita kong tumayo si Mikael dala ang mga ginamit namin at nagpunta sa kusina. Hindi ko naman naiwasang ilibot ang paningin sa kabuuan ng bahay ni Mikael.

Walang nagbago.

Kung ano ang pagkakatanda ko noon, ganoon pa din. May mga pictures pa din naming dalawa na nakadisplay sa bahay ni Mikael. 'Yung mga gamit na inilagay ko, 'yung ako ang pumili at nag-ayos, nasa pwesto pa din nila.

Hindi kaya nagagalit si Julia kapag pumupunta siya dito? May picture ng ex-girlfriend niya ang boyfriend nito. Kung ako siya, I'd probably go berserk. Napakaselosa ko pa naman.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ako tumayo at lumapit sa mga picture frame na naroon. It was a picture of me holding a strawberry cake. Kung hindi ako nagkakamali, anniversary namin ni Mikael kinunan ang picture na 'to, at si Mikael ang mismong nagbake ng cake para sa akin. He was also the one who took the picture. We were happy.

That was before the accident.

Ibinalik ko ang frame sa kinalalagyan nito bago ko dinampot ang katabi nito. Kuha ang larawan noong nagphoto shoot kami nang magkasama ni Mikael. That was the first time na magkasama kami kaya naman ipinaframe ko iyon nang manghingi ako ng copy. Hindi kasi talaga kami madalas na nagkakasama. Ayaw niya. Pero itong photo shoot na 'to, para kasi sa 'to sa isang magazine para sa mga wedding gowns. Kaya naka-wedding gown ako, I was the bride and of course, Mikael was the groom. Hindi siya pumayag na iba ang makakasama ko.

Again, that was before the accident.

"That was my favorite..."

Napalingon ako kay Mikael nang biglang magsalita ito. Hawak ko naman ang isang frame kung saan kumakain ako sa picture habang nakatingin siya sa akin.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon