Chapter 35

162K 3.5K 678
                                    


Ilang araw na ang nakalipas mula nang magkita kami ni Hugh. Iniisip ko na din ngayon kung magda-drop out ako o lilipat nalang ako ng school para tuluyan na akong mawalan ng koneksyon sakanya.

Pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yon. Kung gagawin ko 'yon, kailangan ko pang ipaliwanag sa Kuya ko kung bakit. Kung sasabihin ko ang totoo, I'm pretty sure they will hate Mikael even more. No matter how I sugar coat things, lalabas na gagawin ko 'yon para iwasan si Hugh dahil ayokong mag-away kami ni Mikael.

Alam ko namang iniisip nila na wala na akong ibang buhay maliban kay Mikael. That was true... noong na-coma siya, nagkaroon ako ng ibang ginagawa, kahit papaano, nagkaroon ako ng ibang buhay... I tried to live normal like they wanted me to do to please them all... but now that he's back, may pakiramdam kasi akong nakabalik din ako sa normal kong buhay.

Mikael was busy with the photo shoots and he was busy with the investigation as well kaya naman hindi ko siya halos nakakasama ngayon. Ang hirap ng sitwasyon dahil halos dalawang taon na ang aksidente. May malalaman pa ba kami sa nangyari? Makikilala pa ba namin ang nasa likod 'non?

"Baka naman kasi may galit talaga kay Kerko kaya sinadya ang aksidente?" ani Cielo na naka-upo sa tabi ko habang kumakain ng inorder naming pizza.

Wala din akong nagawa kundi sabihin sakanila ang nangyari. Nasabi ko kay Hugh ang problema ko pero sakanila, hindi... that's why when Cielo said they'll come over, sinabi ko na din ang nangyayari. What I did was wrong. Telling those things to Hugh. Hindi na naman ako nag-iisip ng maayos.

"Malay mo naman si Mika pala talaga ang gustong mapahamak 'nung may gawa 'non..." Maha said. Napalingon kaming dalawa ni Cielo dito.

"Ako? Ba't naman ako?" kumunot ang noo ko. I admit, hindi naman ako mabait na tao lalo na sa hindi ko kilala. I am bubbly, playful and cheerful, pero sa mga kaclose ko lang. Snob ako sa hindi ko kilala at feeling close sa akin pero wala naman akong makitang reason para ipapatay ako...

"Baka nairita kasi sobrang noob ka..." Maha shrugged. I rolled my eyes. "Ang laking tulong mo, ha?" I said sarcastically.

"It doesn't make any sense, eh," sabi naman ni Cielo sa tabi ko. "Kung si Ela ang target, bakit sasakyan ni Kerko ang sinabotage? Bakit hindi ang kay Ela?"

She made a point there.

"And duh? Kung papatayin lang din si Ela, ang dali kaya. Try to do a prank call telling her na nasa ER si Kerko at 50-50, I'm sure sa bilis ng magiging takbo ng sasakyan ni Ela, maaaksidente 'to ng wala sa oras..." napailing nalang si Cielo. Tinitigan ko naman siya ng masama.

"Are you really my friend or what?" I raised a brow.

"I'm being realistic, sis. Knowing how whipped you are," she shrugged. "Isa lang naman kasi ang weakness mo, eh..." she added.

"And that is?" I asked her.

"Kerko Mikael Anderson." Maha and Cielo said.

I sighed. I hugged the throw pillow beside me and looked at the screen in front of me.

"Baka naman kasi isa sa mga ex ng kuya mo tapos napagkamalan kang gf ng kuya mo?" Maha said again while munching her popcorn.

"You're not helping, really..." I glared at her. Ang kadiri nung thought. At sinong tangang ex ng kuya ko ang iisipin na girlfriend ako ng kuya ko?

Ugh. Kadiri!

"Pwede din naman kasi 'yon," sagot ni Maha sa akin.

"Baka naman si Hugh talaga ang nasa likod ng aksidente..." Cielo said. I looked at her. Is she even serious?

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon