Jahann Nikolai

255K 5.1K 1K
                                    




AN: Ang hindi magbasa nito, hindi mahahanap ang kaforever niya. Jk.

Anyway, I'd like to say thank you. Maraming maraming salamat sa pagsuporta niyo ng dalawang taon kay Mikaela at kay Kerko... I know you guys are calling him Mikael. Haha. Their story's the closest to my heart kaya ako man, nahihirapang bumitiw sakanilang dalawa. Alam niyo kung gaano ko kamahal si Kerko... lalo na yung mga nasa group sa facebook, alam niyo kung gaano ko pagpantasyahan si Superman. Hahaha! Kaya masakit talaga sa akin na dulo na ito... but at the same time, I am super happy kasi finally, after those trials and heartaches, may forever pa din silang dalawa. It'll always be Superman and Ai, forever... walang pwedeng umextra pa.

Now, this is not a goodbye. Haha. I'll see you sa Second Generation. Yes, MAY STORY ANG SECOND GEN. At hindi matatapos ang kwento ni Mika at Kerko... they will remain in our hearts because their love for all of you will always be amaranthine... it's undying... it's everlasting.

I love you, guys! <3

Thank you! ;)

PS. Hello, bbq. <3

--

"Wake up, Superman..." she whispered on my ear, I smiled a little. Kanina pa naman ako gising dahil kanina pa niya kinakagat-kagat ang balikat ko para lang gisingin ako. "Superman..." she said before biting my shoulder again. "Kapag hindi ka pa gumising diyan maghuhubad ako dito..." she said, she's now planting soft kisses on my shoulder.

I couldn't stop myself from smiling. Of course, Mikaela won't do that. Hindi ito maghuhubad sa harap ko ng ganoon na lamang... higit lalo na pa ngayon.

"Mikael!" she shouted after a moment of ignoring her.

I opened my eyes and looked at her. "Why, my love?" I asked her. She pouted.

Damn, I am really falling in love with her even more every day. Walang araw na hindi ako nagpapasalamat na ako ang minahal ni Mikaela... na ako ang pinili niya. Hindi ko alam kung paano ako gigising bawat araw kung hinayaan ko nalang talaga siyang mawala sa akin noon.

"Gumising ka na nga kasi!" pinanlakihan niya ako ng mata pagkatapos ay sumimangot na naman siya sa akin.

"I am awake, Ai..." I laughed softly. Mas lalo siyang sumimangot dahil sa sinabi ko. Mas lalo naman akong natuwa sakanya.

"Mukha ba akong nakikipagbiruan sa'yo?" tanong niya sa akin. Seryosong-seryoso na ang mukha niya ngayon. Hindi pa man ako nakakasagot ay nagsalita na siyang muli. "I woke up so fucking early just to make a breakfast for you, now you're just going to make fun of me?" she raised her perfectly plucked brow on me. "Grabe ka," patuloy pa din niyang sabi.

Sumandal ako sa head board ng kama at pinagmasdan si Mikaela habang nakatitig sa akin ng masama. She's giving me a deadly glare but I was actually happy she's giving me all her attention. Damn, nahahawa na ata ako sa kabaliwan ng asawa ko.

"Talagang nagbago ka na..." Mikaela said.

I sighed.

Here we go again... ilang buwan na din akong inaaway ni Mikaela tuwing umaga. It's crazy. She's sweet one minute, then she'll go berserk for no reason after. Minsan kahit nga hindi ko pag-ubos ng juice sa baso ko kapag kumakain kami o kaya'y nagmemerienda ay magagalit siya at aawayin ako. Naranasan ko na ding iwanan niya ako sa mall dahil lang nainis siya nang hindi ako bumili ng pagkain ko... I wasn't hungry that's why I didn't buy myself a food... pero hindi natuwa si Mikaela sa ginawa ko. Hiningi niya 'yung susi ng sasakyan ko at iniwan ako sa mall. She was crying when I got home... she was saying sorry for acting weird and when I told her it was okay, nagalit na naman siya. Hindi daw ako nagsasabi ng totoo... sinasabi ko lang na okay lang daw ako kahit hindi naman talaga.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon