Chapter 20

165K 4.3K 1.2K
                                    

Ngayon, alam niyo na kung bakit dapat basahin ang AL? :) And trust me, MALAYONG MALAYO SI KERKO AT MIKA SA 3W8L. Stop comparing. Thanks.

--

"Is your seatbelt working?" Mikael asked me out of the blue. Papunta kami ngayon sa bahay nila sa probinsya para makipagkita sa mommy niya.

"Huh? Anong connection ng seatbelt sa gutom ko?" Nagtatakang tanong ko dito. Ang sabi ko sakanya'y nagugutom ako, ngayon, inaalam niya kung gumagana ang seatbelt ko? Is he serious?

"Is your seatbelt working, Mikaela Michelle?" he asked again in a low and serious voice.

Bigla naman akong kinabahan sa inaakto niya. This is not the usual Mikael. Oo, madalas ay masungit siya pero hindi ko pa siya nakikitang natataranta... o natatakot.

Wala sa loob kong tinignan ang seatbelt ko. "Y-yes... why?" Ano bang nangyayari kay Mikael? Nakikita kong tila nabobother siya at kinakabahan na talaga ako sa ginagawa niya.

Kanina lang ay okay pa kami, we're laughing and we're happy... now, he's freaking serious!

"Mikael, what's wrong?" Tanong ko sakanya nang makita ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela. "Is everything okay? May problema ba?"

"I'm sorry..." mahinang sabi niya sa akin. Pagkatapos ay marahas siyang napamura na ikinapitlag ko. He's not the cussing type of guy. Hindi pala-mura si Mikael kaya nasisiguro kong may mali sa mga nangyayari ngayon.

Kumunot ang noo ko. "Sorry? Anong sorry?" Ano bang nangyayari sakanya?

"I will not be able to fulfill my promise..." Basag ang boses na sabi niya sa akin. Nakikita ko rin ang pagbigat ng paghinga niya.

"Ano?" naguguluhan ako sa nangyayari. "Mikael, ano bang nangyayari?" tanong ko sakanya. I need to know what's happening!

Lumingon siya sa akin. Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa mukha ko. "I love you, Mikaela. Always remember that."

"Mikael, what's happening?" Hinawakan ko ang kamay niya at nagulat akong ang lamig nito. "Mikael?" Tawag kong muli sakanya. "Are you okay?"

His jaw tightened. "The brake's not working..."

"What?"

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa pedal ng brake na kanina pa niya tinatapakan pero walang nangyayari. Hindi kumakagat ang preno.

Oh no.

"Mikael..." nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko din ang pag-init ng sulok ng mata ko. Hindi ko mapaliwanag ang pinaghalong kaba at takot sa loob ko.

"I'll save you no matter what, Ai. I promise. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo."

Alam ko ang ibig niyang sabihin... at hindi ko 'yon papayagan. Hindi pwede.

"No, let's do something!" Umiiyak na sabi ko dito. Hindi kami pwedeng mamatay dito. No. Hindi pwedeng mawala sa akin si Mikael! Marami pa kaming planong dalawa...

"Mikael..." hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, Mikaela..." Ani niya sa malungkot na tinig. Umiling ako. Ayokong marinig 'yan ngayon na para bang huling araw na naming dalawa. Nakatingin siya sa akin kaya naman hindi na niya nakita na babangga kami sa malaking puno.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon