Chapter 16

156K 3.7K 371
                                    


--

Nagising akong nasa ibang kwarto ako. Napabalikwas ako ng bangon. "What the..." napalingon ako sa paligid. "Oo nga pala..." naalala kong pinuntahan ko si Hugh dahil may sakit ito.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong wala si Hugh sa kama. Ako nalang mag-isa ang narito. Doon ko lang din napansin na nilagyan pala niya ako ng kumot.

Mabilis akong tumayo at tinignan sa banyo kung naroon si Hugh. Bakit ba naglakad na ito agad? Hindi niya ba alam na kapag may sakit, nagpapahinga dapat?

Napailing nalang ako. Pagbukas ko naman ng banyo, wala akong Hugh na naabutan doon.

Humihikab pa ako nang lumabas ako ng kwarto ni Hugh. Naabutan ko naman siyang kasama si Clyde, Adrian, Rui at Fall sa living room. Naka-sando lang siya at pyjama.

"Sleeping beauty's awake!" Kantiyaw sa akin ni Adrian bago kumindat. Sinimangutan ko naman siya. "Good afternoon." Nakangiting bati sa akin ni Hugh.

"Good after--afternoon?" Napatingin ako sa bintanang naroon. Fudge! Tanghali na nga! "Ba't 'di niyo ako ginising?" I asked them. Nagkibit balikat lang sila. Tinignan ko naman si Hugh. "Ikaw, okay ka na ba? Bakit lumabas ka agad?" Lumapit ako kay Hugh at dinama ang noo nito para malaman kung mainit pa ito. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong hindi na siya mainit katulad kahapon.

"Grabe ka naman, Mika. Ipagdadamot mo si Hugh at magkukulong kayo sa kwarto? Hindi pa ba sapat ang isang gabi kayong magkatabi sa kama at--"

"Shut up, Clyde." Saway ni Hugh sa kaibigan. Tumayo si Hugh at lumapit sa akin. "Are you hungry?" He asked me. Umiling ako. "Where's my bag? I need to call my brother." Tanong ko sakanya. Iniabot naman ni Fall ang cellphone ko na naka-charge sa gilid niya.

I changed my mind. Tinawagan ko nalang si Kuya Hunter pero hindi nito sinasagot. Baka nasa meeting pa siya. Si Cielo nalang ang tinawagan ko dahil may halos sampu atang messages na galing sakanya.

"Where are you?" Bungad sa akin ni Cielo pagsagot nito sa cellphone niya. Lagi mo nalang ba talaga akong hahanapin, Cielo?

"Sorry, hindi ako nakareply sa texts mo, may emergency kasi at--"

"Nasaan ka nga?" She asked me again. I sighed. "Nasa bahay ako ni Hugh."

"What?" She asked me again. "Ela naman..." Tila nanghihinang sabi nito. "Anong ginagawa mo diyan?"

"May sakit si Hugh. Inalagaan ko. Nakatulog ako sa kwarto niya, paggising ko, tanghali na." Napasandal ako sa pader ng kusina habang kausap ko si Cielo.

"What? Nagpa-umaga ka sa bahay ni Hugh? Nababaliw ka na ba talaga?" Tila nasasaid na ang pasensyang tanong sa akin ng kaibigan ko.

Huminga nalang ako ng malalim. Alam ko naman na ayaw nila kay Hugh. I know that. Noong una, medyo okay pa si Hugh kay Cielo pero habang tumatagal, umayaw na siya. Dahil sabi ni Cielo, hindi naman si Hugh ang nakikita ko. Nakikita ko si Mikael kay Hugh. Well, that's partly true. Sa pagsasalita ni Hugh, sa pagkilos, may mga pagkakataong para siyang si Mikael. Pero narealize kong nag-iisa lang si Mikael.

Iba si Mikael. Iba si Hugh.

Mahal ko si Mikael. Hindi naman nagbabago 'yon, eh.

I just can't help myself from liking Hugh. He's making feel alive again. Pinaparamdam niya sa akin na may buhay pa ako. Na pwede pa din akong sumaya... 'Yung hindi ko pinipilit lang.

"Baby, what do you want to eat?" Napalingon ako kay Hugh nang magsalita ito.

"Anong baby 'yon, Ela?!" Narinig kong sabi ni Cielo sa kabilang linya. "Uhm, I'll just call you later, sis. Love you!" Ibinaba ko na ang tawag at tumingin kay Hugh.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon