Chapter 26

162K 4K 560
                                    


--

"Samahan na kita," alok sa akin ni Hugh habang naglalakad ako pababa ng building namin nang matapos ang klase namin. Hindi ako sumagot sakanya. Mas binilisan ko nalang ang pagbaba ko dahil naiinis pa din ako sa ginawa ni Hugh. Hindi na nagreply ulit sa akin si Mikael nang tanungin ko siya kung okay lang ba siya o galit siya.

Hindi nakakatuwang mareplyan ng 'K'. Para kasing mas okay pang nagalit siya kaysa nagsend siya ng iisang letter, eh.

Paglabas ng prof. ay sinubukan kong tawagan si Mikael pero hindi niya ako sinasagot. Tinawagan ko si Dale para malaman kung okay ba ang lahat, ang sabi naman ni Dale ay okay lang. Wala naman daw nangyayari maliban sa hindi siya kinikibo ni Mikael.

That's not new. Hindi naman talaga palakibo si Mikael. May panahon pa ngang kahit ako hindi niya kinikibo kaya hindi ako masyadong nabahala doon.

Pero 'yung reply niya talaga sa akin ang nakakabother. Or maybe I am just being paranoid.

Kaya naman gusto kong magpunta sa studio ngayon na. Gusto kong malaman kung anong nangyayari kay Mikael. Goodness! I'm overthinking again!

"Look, baby, I'm sorry." Nasa likod ko lang si Hugh at hinahabol ako sa pagbaba ko. Nagbingi-bingihan ako at tumuloy lang sa pagbaba ng hagdan at hindi ko siya nilingon.

"Baby," he called me again. This time, hinawakan niya na ang braso ko kaya naman napahinto ako sa pagbaba ng hagdan.

"Just leave me alone!" I hissed. Hinila ko din ang kamay ko sakanya. "I'm so pissed at you so please, pabayaan mo na muna ako." Hindi maalis-alis ang inis ko kay Hugh dahil sa ginawa niya. Kaya magmula pa kanina'y hindi ko na siya kinakausap.

Tumalikod na ako sakanya ngunit nagkamali naman ako ng hakbang sa isang baitang kaya't kamuntik na akong mahulog at kung hindi nga lang naging maagap si Hugh sa pagyakap sa akin ay malamang na bumagsak na ako sa sahig. Ang isang kamay niya'y nasa bewang ko habang ang isa naman ay nasa likod ng ulo ko at kinabig niya ako palapit sakanya.

Natigilan ako sa ginawa niya. Agad niya akong hinila paakyat at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Damang dama ng balat ko ang init mula sa palad niya.

"Are you okay?" He asked me. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin siya sa akin. May mga ilang estudyanteng nakatingin sa amin pero tila balewala silang lahat kay Hugh. Nakafocus lang ang mata niya sa akin.

"I'm fine." Humakbang ako palayo sakanya. Nakita ko namang nasaktan siya sa ginawa ko pero pinilit ko ang sarili kong maglakad palayo sakanya. "I have to go." Huminga ako ng malalim bago ako bumaba ng hagdan. Hindi ko naman naramdaman na sumunod sa akin si Hugh. Mas okay na rin iyon. Kailangan kong huminga.

Tinawagan ko ulit si Dale para malaman kung ano na ang nangyayari sakanila sa studio. Okay naman daw ang lahat ayon dito. Sinabi ko kay Dale na pupunta akong studio pero sinabi niyang huwag na. Magpupumilit pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil binaba na ni Dale ang tawag ko. Ang huling narinig ko ay ang yamot na boses ni Mikael.

Ang hirap ng ganito. Gusto kong makasama si Mikael, pero hindi naman niya ako maalala. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging clingy sakanya. Kung dapat bang ipagdamot ko siya sa iba.

Eh, hindi nga niya ako maalala.

Hindi ko alam kung paano akong nakasurvive sa buong maghapon na nagtitigan lang kami ng napaka-interesting na whiteboard sa harap. Kinausap ko si Isaac na nakaupo sa harap para makipagpalit ako ng upuan dahil katabi ko si Hugh.

Akala ko mahihirapan ako sakanya. Hindi naman pala, dahil agad naman siyang pumayag. Ang hindi ko matanggap ay ang babaeng nakaupo sa tabi ni Isaac na may gusto ata kay Isaac kaya sinundan niya ito at kinausap si Hugh para magpalit sila ng upuan.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon