Chapter 32

168K 4.1K 500
                                    

#AmaranthineLove

--

Days passed by at wala naman kaming naging problema ni Mikael. Gaya ng napag-usapan namin, siya na ang naghahatid at nagsusundo sa akin sa school kahit na sinabihan ko na siya na huwag na. Para magamit ko din ang sarili kong sasakyan.

"Ai, may shooting daw sa Pampanga," sabi ni Mikael sa akin habang nagdidinner kami. Tumingin ako sakanya. Alam kong hindi ako kasama sa photo shoot na gagawin. Pinabakante ko ang schedule ko dahil kailangan ko din magfocus sa school ngayon. Exam week na din kasi.

"Kailan kayo aalis?" tanong ko sakanya. Iniisip ko na kung saan ako uuwi. Dito ba o sa bahay namin. Kung sa bahay naman kasi, malamang mag-aasaran lang kami ni Kuya Hunter. Kapag dito naman, wala akong kasama. Mamimiss ko lang siya.

"Tomorrow night," he said. Tumango ako ulit bago sumubo sa pagkain. "Naka-pack ka na? Tutulungan na kita mamaya," I said.

Huminga siya ng malalim. "Ayokong sumama..."

Napangiti ako. "Siraulo ka. Hindi ka pwedeng wala 'don."

He frowned. Nasabi ko na bang ang cute niya pa din kapag sumisimangot siya? Nagpatuloy nalang kami sa pagkain at pagkatapos, tinignan ko kung okay na ang gamit niya.

"Ilang araw kayo 'don?" tanong ko sakanya.

"3 days," he replied.

Tumango nalang ako. Mabilis lang naman pala. Wala akong dapat ipag-alala.

"I really don't want to go," he sighed. Humiga siya sa kama at hinila ako. Hindi ko napigilang tumawa nang napa-aray siya nang kinagat ko ang balikat niya. "Hindi ka nga pwedeng hindi sumama..."

I'm trying my best to understand our situation. Not all the times, kailangan nasa tabi niya ako o nasa tabi ko siya. Ayokong masakal siya... pero hindi ko sinasabing ayoko na wala siya sa akin.

Ayoko lang na magkaroon ng pangit na impression si Mikael. As much as possible, kung anong kailangan niya at gusto niya, ibibigay ko. Kahit mahirapan pa ako.

Niyakap ko siya at saka ko ipinatong ang baba ko sa dibdib niya at tinignan siya. "Mamimiss kita," sabi ko sakanya. He smiled. Hinawakan niya ang pisngi ko at saka lumapit sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. "I'll miss you, too."

Kinagat ko ulit ang balikat niya at tinignan niya ako. "Stop it, Ai..."

I love it when he's calling me Ai. Pakiramdam ko, nakabalik na talaga siya.

"Why?" I asked him. Isiniksik ko pa ang sarili ko saknya.

"Why you're so mabango, Mikael?" idinikit ko ang ilong ko sa leeg niya.

"Mikaela!" natatawang iniwas niya ang leeg niya sa akin. "What? Inaamoy lang kita. Ang bango mo kasi!" Natatawang sabi ko. Napaupo na siya sa kama at nakahiga pa din ako.

Well, looking at his body, medyo bumabalik na din sa dati. Bumangon ako at niyakap siya mula sa likod. Hinawakan naman niya ang kamay kong nakayakap sakanya.

"What's wrong?" he asked me. Umiling ako. "I just want to hug you," sagot ko.

Pero ang bango talaga ni Mikael, eh. Nakapatong sa balikat niya ang baba ko at hawak-hawak niya pa din ang kamay ko.

We were watching 50 First Dates. Nakakabilib lang 'yung lalaki sa movie na 'to. Every day, gumagawa siya ng paraan para maalala siya nung babae. Maybe that's really true love. You're willing to sacrifice because you really love that person.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon