Chapter 66

184K 4.6K 570
                                    

Twitter/askfm/IG - @vampiremims

--

"Ela, care to explain why you said no to Kerko?" napapailing na sabi ni Cielo sa akin habang magkakasama kami sa isang coffee shop nang ayain ko silang dalawa ni Maha. Wala akong magawa sa bahay at konting-konti nalang, pakiramdam ko, mababaliw na ako sa pag-iisip! Pakiramdam ko kasi kahit problema ng iba, pinoproblema ko na. Kung di naman, nananahimik ako pero nilalapitan ako ng problema. Parang namamagnet sila papalapit sa akin.

"Naalog na ba talaga ang utak mo? Sana nag-yes ka na!" sabi naman ni Maha sa akin. Pinanlakihan pa niya ako ng mata. "Ay, wait.... meron ka ba 'non?" ngumisi siya sa akin.

I rolled my eyes. Wala akong balak patulan ang patutsada niya ngayon dahil kapag ako ang nagsalita ng masakit, I'm pretty sure, iiyak si Maha. I'm not Mikaela Michelle Dela Cruz if I'm always nice. At sa pagkakatanda ko naman sa lahi namin, ma-attitude kami. It's just that because my brothers are hot, mas lovable sila tignan. While I looked like a bitch when I'm having the DC attitude.

I didn't say no to Mikael, actually. Hindi ako nakasagot dahil bago pa man ako makapagsalita, kumatok na si Mommy sa pinto ng kwartong inookupa ni Mikael sa bahay namin noon. We never got the chance to talk about it again. Hindi din naman niya nabanggit ulit dahil busy silang mag-usap noon ni Mommy tungkol sa magulang ni Mikael na nasa New York. I was looking at him the whole time, though. Hindi ko siya kinakitaan ng kaba habang kausap niya ang Mommy ko. He's always like that. Composed.

"Hindi ko naman siya boyfriend, eh..." sabi ko sakanilang dalawa bago uminom ng strawberry frappe na inorder namin at nilaro-laro ang cheesecake na inorder ko din.

Tinaasan ako ng kilay ni Cielo. "Hindi mo pa boyfriend pero kung umasta kayong dalawa kala niyo, kayo na." Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita. "Pinapatagal mo pa, ganun din naman ang magiging dulo niyan. Kayo pa ding dalawa. Because you're not even allowing yourself to be with someone else. Hindi mo din hinahayaan na may makakalapit sa'yong iba katulad ng paglapit ni Kerko sa'yo."

"Was that a bad thing?" tanong ko naman sakanya. Umiling siya sa akin. "No, it's not. Kasi alam naman naming lahat na mahal mo si Kerko. And he loves you. Siguro naman natuto na kayong dalawa, diba? Siguro naman sapat na ang mga iniyak mo para matuto ka. At siya na din..."

"Yeah, Mika..." pag-sang ayon naman ni Maha. "Witnessed kaming lahat kung paano niyo pinaglaban 'yung pagmamahalan niyo noon, eh. Nakita namin kung paano ka minahal ni Kerko. Kung paano mo siya minahal. He said sorry na for those awful things he did. Hanggang ngayon ba, hindi mo pa siya napapatawad?" tanong niya sa akin. Hindi naman ako agad nakapagsalita sa sinabi ni Maha.

Napatawad ko na ba talaga siya? Or I was just saying that everything's fine about us because that's what I want to believe in? Baka pati sarili ko niloloko ko lang pala.

Nahihirapan pa akong mag-oo sakanya kahit pa gusto ko naman na. Was it because of that? Baka kasi hindi ko pa talaga siya napapatawad. Baka kasi at the back of my mind, hindi ko pa nagagawamg maging okay na talaga.

Or maybe, may mga closures pa akong kailangan para matapos ang lahat ng issues ko. Para sa aming dalawa ni Mikael. Para maging maayos na ng husto ang sa aming dalawa ni Mikael.

"Mika..." untag ni Maha sa akin.

Napatingin ako sakanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Maha habang nakatingin sa akin. Sa aming tatlo talaga nila Cielo at Maha, si Maha ang laging in between. Si Cielo kasi, she was the fighter. Laging go ng go. Kumbaga, siya 'yung mapanakit sa amin. Siya 'yung sadista. Siya 'yung hindi magpapaapi at harsh kung harsh magsalita. Si Maha, she was the calmest. Hangga't maaari, pipigilan niya ang away hangga't kaya niya. Ako kasi, impulsive din ako... yet I am so weak. Pakiramdam ko ang hina-hina ko.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon