Chapter 48

170K 4.4K 1.1K
                                    



--

"Kuya," nilingon ako ni Kuya Thunder nang tawagin ko siya. Nagpunta siya ngayon dito sa bahay dahil tinawagan ko siya kaninang umaga nang magising ako. Gusto kong sabihin sakanya 'yung tungkol sa nangyari sa akin at sa desisyon ko.

"What is it, baby?" tanong niya na tumabi pa sa akin at inakbayan ako.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Tinignan ko ang mukha niya, inaalam ko kung okay ba ang mood niya o hindi.

"What? I know I'm perfect, hindi mo ako kailangan titigan," he smiled again.

Hindi ko mapigilang mapairap. "Pakapal na ng pakapal ang mukha mo, Kuya. Ba't di ka magkape para kabahan ka naman sa mga sinasabi mo?" tanong ko sakanya.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong niya sa akin matapos niyang guluhin ang buhok ko.

"About the..." napalunok muna ako bago ako nakapagsalitang muli. "...case."

Kumunot ang noo niya. "What about the case? Itutuloy mo na?" tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay. Kuya want to get even the hard way. Pero siyempre, hindi naman pwede ang ganoon kaya kinausap namin si Kuya Daniel kung ano ang dapat gawin.

Umiling ako. "Ayoko ng ituloy..." mahina ang boses na sabi ko. Naisip ko kasi kagabi ang nangyari. Nalaman ko ang totoo.

Ginagaya ako ni Camilla para mapansin siya ni Mikael. Na alam kong hindi niya napagtagumpayan.

Siya ang may kagagawan ng aksidente namin ni Mikael noon. Pero ako ang dahilan. Sa matinding galit niya sa akin, nagawa niya 'yon... and my dad's death? Ako din ang may kasalanan. Ako ang dahilan.

"Why? Mikaela Michelle, hindi ako papayag na hindi mananagot ang may gawa sa'yo noong aksidenteng 'yon!" sabi ni Kuya Thunder na kunot na kunot ang noo.

"I know, Kuya. Ako din. Gusto kong managot siya..." nag-iwas ako ng tingin. "Pero she's already suffering..." sumandal ako at tinignan siya. "Nakita ko siya kagabi..."

"What?" halatang nabigla si Kuya sa sinabi ko. "What the fuck were you thinking? Nagpapakabayani ka?" tanong niya.

Umiling ako. "Hugh went here. He told me he'll bring me to his sister, sumama ako..." sagot ko. Hindi ko na binanggit ang tungkol sa pagpunta ni Mikael dito dahil alam kong mas iinit ang ulo niya.

"Damn it, Mikaela Michelle, hindi ka nag-iisip. Paano kung trap 'yon?" bakas na bakas ang inis sa gwapong mukha ng Kuya ko.

"It's not. I'm here, in front of you, talking to you..." nagkibit balikat ako. "I just felt like doing it alone..." napayuko ako.

"Ang sakit mo sa ulo," iiling-iling na sabi ni Kuya sa akin.

Napangiti ako ng malungkot. Alam ko naman 'yon. Alam ko.

"Camilla's sick..." sabi ko sakanya. "She was like Clarisse," natatawa kong sabi. "Kaso mas creepy siya, Kuya. She's imitating me. She's acting like me... her room looks like mine..."

Nakatingin lang siya sa akin. "Bakit niya ginagawa 'yon?" he asked me.

Napaiwas ako ng tingin. Sasabihin ko ba? Sasabihin kong dahil obsessed 'yung babaeng 'yon kay Mikael? He'll hate Mikael even more.

"Mikaela Michelle, I'm asking you," hinawakan ni Kuya ang braso ko at pinahaharap ako sakanya. "She's imitating you because?" nakataas ang kilay na tanong niya ulit sa akin.

"Because..." kinagat ko ang labi ko at napayuko. "She's in love with... with Mikael."

Narinig ko ang malutong na pagmumura ni Kuya.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon