Chapter 61

168K 4.7K 632
                                    


--

Nakaupo na kaming dalawa ni Mommy sa loob ng restaurant na napili ko habang hinihintay si Mikael. Naitext ko na siya kanina kung nasaan kami ni Mommy ngayon. Umorder na din ako para sa aming tatlo para prepared na pagdating niya. Wala siyang karapatang magreklamo sa kimchi rice na inorder ko kapag dumating siya. Ang tagal niya, eh. At isa pa nagugutom na din ako.

"Mika," untag sa akin ni Mommy habang nagbabasa ako ng messages ko sa phone ko. Nagtext din kasi sa akin si Mikael na on the way na siya. Nagkaroon lang ng problema dahil late na daw nakarating si Corey, at kamuntik na kulangin ang gagawa ng trabaho nila. Hindi naman niya pwedeng iwan mg basta-basta ang trabahp niya.

Nag-angat ako ng tingin kay Mommy. Nakatingin siya sa akin na tila may gustong sabihin. My mom was always like that. Hindi naman kasi siya katulad ng ibang mayaman na matapobre. She was like my sister, too. And my best friend, as well. She never judged me... kahit ilang beses pa akong magkamali.

"You're still in love with Kerko," aniya habang seryoso ang mukha. Hindi naman ako nakapagsalita sa tinuran niya. She wasn't asking me. She was stating a fact.

"It was obvious, hija..." she muttered.

"Mommy..."

"Your Daddy was my first love, too," she smiled at me. "Hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa din iyon kahit na wala na siya," she sighed.

"Mahal ka din naman ni Daddy..." sagot ko. They once told us their love story. Bata pa ata ako noon nang ikuwento nila ang love story nila. I remember Kuya Hunter fell asleep while Kuya Thunder was playing his gameboy. Ako nalang pala talaga ang nakikinig sakanila. Sobra kasing natutuwa ako sa mga happy endings, eh. At natutuwa ako sa nakikita kong happiness sa pagsasama ni Mommy at Daddy.

"I know that," ngumiti ulit sa akin si Mommy. Her smile reached her eyes. Halatang masaya talaga siya sa naging pagsasama nila ni Daddy. "Nakakalungkot lang na wala na siya..." humugot siya ng malalim na hininga. "But I know he's guiding us... lalo ka na. Ikaw ang pinakapaborito ng Daddy mo."

Napayuko ako at hindi nagsalita.

Hindi ko alam ang bagay na 'yon.

I thought it was Kuya Thunder. Lagi naman kasing si Kuya Thunder ang napapansin ni Kuya. His achievements. His grades, his performance. Laging second best si Kuya Hunter while me... lagi akong audience. Lagi akong nakatingin lang sakanila dahil wala naman akong magawa. Lagi akong sa bahay lang.

And that was fine with me, actually. Wala naman akong sama ng loob sakanya kung sakaling hindi ako ang favorite nila dahil bata pa lang ako, iniisip ko na, na mawawala din naman ako. Hindi ako pwedeng maattached ng sobra sa isang tao kahit kapamilya ko pa kasi any moment, pwede akong mawala. Pero imposible namang 'di ka maaattached sa pamilya mo. Sila ang ang mayroon ka kahit na ano pa ang mangyari. At naattached din ako kay Mikael noon kahit alam kong bawal. Minahal ko siya kahit na alam kong may posibilidad na iiwam ko siya.

Ayoko kasing masaktan sila kapag nawala ako kaya pinipigilan ko ang sarili ko. Pero 'di ko pala kaya. Kasi mas minahal ko lang si Mikael sa kabila ng lahat nang nagyari sa amin.

"He wants the best for you. Kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon," pinisil ni Mommy ang kamay kong nasa may lamesa. "He was wrong when he thought Kerko's not good for you."

"Lahat naman, iyon ang tingin, diba? That he's not good for me..." But the truth was, he was good for me. Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko, naging masama 'yon. I once said our love was toxic. Pero ang totoo, sarili kong choice na magkaganoon kaming dalawa. Hinayaan kong maging ganoon kami kahit na may choice naman akong maging maayos ang relasyon namin sa simula pa lang.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon