Chapter 47

137K 3.7K 409
                                    

#AmaranthineLove

--

Tahimik lang ako habang nasa sasakyan ni Hugh. Hindi ko alam kung saan ba niya ako dadalhin o kung saan kaming pupunta na dalawa.

I should have said no to him.

Sana pala hindi din ako sumama kay Hugh at pumasok nalang ako sa bahay at natulog. O kaya sana pinagstay ko nalang si Lance para naman may kasama ako at hindi na ako lumabas-labas pa ng bahay.

Pero kasi, nabigla ako nang makita ko si Mikael. I acted based on my emotions. Biglang may kung anong nagtulak sa akin na sabihin ang mga bagay na iyon sakanya.

Gusto kong isipin na nasaktan siya sa ginawa ko. Pero bakit? Bakit siya masasaktan?

Hindi naman niya ako mahal.

Masaya na siya ngayon.

Ano bang ginagawa niya sa bahay namin? Bakit ba gusto niya akong makausap? Ano pa bang gusto niya? Hindi ko malaman ang posibleng dahilan niya, eh.

Ang sarap isiping gusto niya akong balikan. Gusto niya akong makita. Gusto niya akong makausap... pero tinapos na niya, eh. Tinapos na niya ang meron kaming dalawa.

Nahihirapan na akong magtiwala. Nahihirapan na akong maniwala na hindi ako sasaktan ng mga tao sa paligid ko. Kasi kahit gaano pa kalalim ang pinagsamahan namin, parang ang dali sakanilang lokohin ako. Saktan ako.

Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili na mag-isip pa ng kung ano-ano. Dapat ko na ding pigilan ang sarili kong isipin si Mikael. In that way, mas magiging madali siguro ang magmove on... kahit alam kong napakaimposibleng magawa ko 'yon, baka naman magkaroon ng himala at isang araw, magising nalang ako't wala na ang nararamdaman ko para sakanya.

Tumikhim muna ako bago ako tumingin kay Hugh na nagmamaneho. Seryoso ang mukha nito at nakatingin lang sa daan.

Like what I said, he looked like a mess. Kung sinasabi nila Kuya sa akin na mukha akong walang buhay, mas lalo na si Hugh ngayon. Magulo ang buhok nito at nanlalalim din ang mga mata. Kawalan marahil ng tulog. Ni hindi ko na alam kung anong nangyayari sa thesis namin. Hindi na ako pumapasok sa school kaya wala na akong balita sa kahit na sino sakanila.

Walang kabuhay-buhay ang mukha niya. Para siyang hindi na kumakain. He's... what's the term? Wasak? Something like that.

Gustuhin ko mang makaramdam ng awa para sakanya, hindi ko magawa. Wala akong ibang makapang emosyon para sakanya kundi galit. Deserve naman niya 'yan, eh. Matapos ng ginawa niya sa akin, deserve niyang mahirapan. Masaktan.

And I don't want to feel anything towards him. Ayokong may kahit anong nararamdaman ako para sakanya. Having feelings for him will hurt me even more. Ayoko na masaktan.

"Saan ba tayo pupunta?" lakas-loob kong tanong kay Hugh nang iniwas ko ang tingin sakanya. Kahit napakadilim sa labas at tanging street lights lang ang nakikita ko, mas pinili kong doon ituon ang atensyon ko.

"Kay Camilla," sagot niya sa akin. Mababa ang boses niya kaya nilingon ko siya. Nakatiim ang bagang niya at mahigpit ang hawak sa manibela.

Nasabi na niya sa akin kanina na kay Camilla kami pupunta.

Pero ngayon, parang pinanlamigan ang buong katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Camilla.

Makikita ko na siya ng harapan. Makikita ko na 'yung naging dahilan ng aksidente namin ni Mikael.

'Yung dahilan kung bakit nawala si Daddy sa amin.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon